Jonna saw Janessa's eyes widen with the word safety.
"I don't care---" Jonna heard Nessa's voice crack kaya't hindi na siya nagdalawang-isip na segundahan ito.
"You do care. I know you still do. Kung may kailangang parusahan, ako lang 'yon. 'Wag n'yo nang idamay ang mga sarili ninyo. I've caused you two so much pain kaya please sana bigyan mo ako ng chance na makabawi sa inyo ni Kuya---" she didn't want to shed any tear dahil baka isipin ni Janessa na nagdadrama lang siya ngunit hindi niya napigilang mapaluha. Nang magpunas siya ng luha ay napailing si Janessa.
"It's too late, Jonna. I've made up my mind," mas mahina na ang pagtulak ni Janessa ng pintuan kaya't naglakas loob si Jonna. She pushed herself inside the door opening at marahang itinulak papasok si Janessa. She may be sued for tresspasing because of what she's doing but she didn't care. Ang mas mahalaga sa kaniya ngayon ay ang makausap si Janessa ng puso sa puso. Isang bagay na matagal na niya dapat ginawa.
"We both know that's not true. Hindi in synch ang nasa mind mo and what's reflected in your eyes. I know thats not what your heart dictates. I can see clearly that you still love my brother," she didn't want to sound arrogant pero alam ni Jonna na hindi gagawin lahat ni Janessa ang ginawa niya sa N.O. Realties kung wala na itong pagtingin kay John. Alam niyang masisigawan siya ni Janessa dahil sa pinagsasabi niya.
"Ano naman ang alam mo? Leave, before I calll the police," pabulong ang warning ni Janessa. Iba sa ineexpect na pagsigaw ni Jonna. She might be hitting the spot that she wanted. Kailangan niya lang magpatuloy.
Dumiretso pa rin ng pasok si Jonna sa loob ng condo unit. Hawak pa rin niya ang ricecakes na pisa na ang kahon at may kaunting tagas na sa kamay niya. Ang dumplings naman ay mukhang naalog na rin dahil sa pagtutulakan nila ng pintuan.
Tumayo si Jonna sa may gilid ng lamesa ng living room at nang papalapit na sa kanya si Janessa ay ginawa niya ang hindi inaasahan ng kaharap. Lumuhod ito tumingala sa huli bago nagsalita.
"I'm sorry you lost a big part of yourself because of me. Hindi excuse na hindi ko alam. I'm sorry you had to go through everything by yourself. I'm your friend but I was the one who caused your troubles. I'm really sorry. Kasalanan ko lahat at buong buhay kong pagbabayaran ang mga kasalanan ko sa iyo, sa kapatid ko at sa--"
"Stop--"
Hindi inasahan ni Jonna ang sumunod na ginawa ni Janessa. Tumalikod ito sa kanya at mabilis na nagtungo sa isa sa mga kwarto. Malakas ang pagsara ng pintuan at narinig ni Jonna ang tunog ng door lock. Naiwan siyang nakaluhod sa sahig. Ilang minuto pa ay tumayo siya at naupo sa sahig sa tabi ng pintuan na pinasukan ni Janessa. She knew she cannot leave just yet. She sighed and decided to push her luck.
NANGINGINIG ang buong katawan ni Janessa pagkasara niya ng pintuan at napaupo siya sa sahig at sumandal sa likuran ng pintuan. Bukod sa ayaw niya nang makipagusap sa bisita ay hindi niya kayang makita siya ni Jonna na mahina kaya't nagtago siya sa kanyang silid. Her tears fell like a broken dam when she got inside her room. Parang umalingawngaw muli sa isipan nya ang sinabi ni Jonna.
I'm your friend but I was the one who caused you troubles.
"Friend?" nanginginig ang mga labing bulong niya sa sarili. Napairap siya at yumakap sa sarili. Pilit na pinapakalma ang damdamin upang hindi na maapektuhan pa ng mga sinabi ng babae sa labas.
"Nessa, please let's talk. Namimiss ka na namin lalong lalo na si Kuya. Namimiss na kita, Nessa. Ikaw lang ang kaibigang nakapagtiyaga sa ugali ko. I'm so sorry at nagsisisi talaga ako sa mga nagawa ko. Maniwala ka sana."
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...