4-Nightmare 2

211 13 0
                                    


PARA sa isang katorse anyos na bata na nakaranas ng labis na pagmamahal at pagaaruga sa mga magulang, hindi katanggaptanggap na wala na ang mga haliging sinasandalan niya. Sa isang iglap ay naglaho ang dalawang taong pinakamamahal niya. Isang pinakamasalimuot na bangungot noong makita niya ang dalawang puting ataul na nakapila at halos magkadikit sa salas ng kanilang bahay. Nang dumating ang mga mag-aayos ng burol ay natutulog si Janessa kaya't paglabas niya ng kwarto na suot pa rin ang kanyang uniporme ay tumambad sa kanya ang maliwanag na sala na umaalingasaw sa amoy ng mga bulaklak.

Sa pagtanggi niyang makita sa ospital ang mga magulang ay nag-taxi siyang mag-isa papauwi. Nakatulog na siya sa paghihintay sa mga magulang na dumating mula sa flight nila sa Cebu. Pilit niyang kinakalimutan ang mga nangyari sa eskwelahan at ang pagtakbo niya papalayo sa tiyahin noong dumating sila ng ospital para sumakay ng taxi at sa bahay maghintay.

Walang suot sa paa, sa bawat hakbang ni Janessa sa malamig na marmol ng bahay papalapit sa dalawang ataul ay siyang panginginig at panlalamig ng buong katawan niya. Pakiramdam niya ay lumulutang siya. Ang maliit na espasyo ay parang kay layo at kay tagal marating.

"Nessa-" bulong ng Tita Loleng niyang bitbit ang dalawang picture frame. Lumapit ito sa kanya kaya't napukaw ng paningin niya ng mga larawan sa frame. Isang larawan na ang mga magulang niya lang ang laman. Ang isa naman ay silang tatlong mag-anak. Nang ilapag ng tiyahin ang family picture frame nila sa isang ataul at ang frame na laman ang litrado ng mag-asawa sa isa, ay saka lang huminto sa paglakad si Janessa. Humarap siya sa dalawang kahong naglalaman ng puso niya. Nasilayan ang kakaibang anyo ng mga taong nasa loob. Napapikit siya at doon na nagsimulang tumulo ang mga luha. Nag-flash back sa kanya ang mga panahong kumpleto pa sila at isang buong pamilya. She silently cried while her heart broke apart.

Iyon lang ang pagkakataong umiyak siya. Hindi rin siya nagsalita mula noon hanggang sa mailibing ang mga magulang tatlong araw matapos ang insidente. Tumatango at umiiling lang siya sa mga nakiramay at ang tiyahin niya ang sumasagot sa mga katanungang ibinabato sa kanya.

"Sa bahay ka muna titira. May mortgage pa ang bahay na ito at hindi natin kayang hulugan. I-give up na lang natin para makadagdag rin sa pambayad ng utang. May naiwang pera sa bangko ang mga magulang mo pero hindi sapat iyon pati ang negosyo para bayaran ang mga utang ninyo." Tumango lang si Janessa sa tiyahin habang ineempake nila ang mga damit niya. Ang ibang mga gamit sa bahay ay naibenta na rin lahat at ang mga gamit ng mga magulang niya ay kasama sa mga iyon. Ilang alahas at pictures lang ang naiwan sa kanya. Eksaktong dalawang buwan ay nilisan niya ang bahay na naging saksi ng pagmamahalan nila bilang isang pamilya.

Alam ni Janessa na hindi sila mayaman ngunit nagsusumikap ang mga magulang niya para maibigay ang maalwang buhay sa kanya. Hindi niya alam na marami palang pinagkakautangan ang mga magulang para maipatayo at palaguin ang negosyo nilang kasabay nilang nawala.

NAPABALIKWAS ng bangon si Janessa nang mag-ring ang kanyang cellphone. Nagpalinga-linga pa siya at nakahinga ng maluwag nang marealize na nasa sarili na siyang silid at ala-sais na ng umaga ayon sa wall clock nyang nakasabit sa dingding ng kwarto. Malayo na siya sa bangungot na parang ginawang yearly event na dumadalaw sa kanya in sequence tuwing death anniversary ng mga magulang.

She checked her smart phone's caller ID and saw that it was her boss on the other end of the line.

"Good morning, Mr. Del Prado." magalang niyang bati kahit na kinukutuban na siya kung anong naghihintay sa kanya. She knew what happens each time her boss of three months would call her early in the morning. May ipapasa na naman itong trabaho sa kanya. With her academic records and qualifications, mga trabaho ang humahabol sa kanya. Literal siyang hinahabol dahil kahit ilang beses pa siya magresign at mag-apply ulit ay agad siyang natatanggap. Agad din nilang ginagamit ang full potential niya dahil kadalasan ay sa kanya ibinibigay ang mga high risk at malalaking accounts.

"Ms. De Luna, we have a special investor from the US who would like to meet with you. Are you free this lunch time? This is with regards to the investment proposal that you prepared. You know, the one worth 1M dollars? They loved it and would like to meet with you in person."

"I'll be available, Sir after lunch. I am on leave this morning due to an important appointment but I may be able to meet the US investors afterwards. I hope it's near the Makati office since I still have to go back after we meet up." sagot niya sabay bangon sa kama at pagtungo sa closet kung saan kukunin ang business suits na usual niyang isinusuot sa opisina. Beige na ternong pantalon at coat na hapit sa kanya ang isusuot sa araw na iyon kapares ng pulang high heels shoes na isinusuot lamang niya kapag may special ocassion at mayroong million dollar deals siyang pinupuntirya.

"That could be arranged. I'll send them a note. I'll ask your secretary and have her schedule the time and place. I just called to make sure you know. I'll let her know you already agreed." Napairap na muli si Janessa. Alam naman niyang hindi dumiretso sa sekretarya niya ang kanyang Director dahil sasabihan siya nitong puno na ang schedule ni Janessa dahil iyon naman ang totoo. She was booked the whole day dahil pina-block niya ang afternoon calendar niya para tapusin ang ilang presentation na nakapila.

Sa normal na araw siguro ay sasabihan niya ang boss niyang siya na ang makikipagusap sa sekretarya ngunit dahil wala siya sa mood dahil sa pakikialam ng director niya sa mga plano niya. Iyon pa naman ang pinaka-ayaw ni Janessa, ang nasisira ang kanyang plano. 

"Thank you, Sir." Siya na ang nagbaba ng tawag. Ihahagis na sana ni Janessa ang cellphone sa kama nang mag-ring ulit ito. Napabuntonghininga siya at nagdalawang isip kung sasagutin ba iyon o pababayaan na lang. After several rings, she decided to do the latter kaya't inihagis ang phone sa kama at nagtungo na siya ng banyo upang maligo at magbihis.

It was already past seven in the morning nang makatapos sa pag-aayos si Janessa. Her pink lipstick and light blush on her cheeks were the only make-up she wears on a daily basis. Sa ilalim noon ay mayroon lamang sunscreen para maprotektahan ang porselana niyang balat. She took her laptop bag and purse na iniayos niya ang mga nilalaman matapos niyang maligo. Ikinandado na niya ang pintuan at lumabas ng gate ng bahay para magtungo sa puti niyang kotseng sa tapat lamang nakaparada.

She was about to go inside her car when she felt strange. Parang may mga matang nakamanman sa kanya. Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit wala naman siyang nakitang kakaiba bukod sa tatlo pang kotseng nakaparada rin sa gilid ng daanan. She sighed and shook her head.

"Focus, Nessa. Another day, another lie." Iyon ang mantra niya sa buhay na araw-araw niyang binabanggit para manatili siyang matatag at matapang na harapin ang lahat ng bagay.

Sumakay siya ng kotse at inilock ang pintuan. Bago pa siya makaalis sa tapat ng bahay ay may tumakbo papalapit ng kotse niya at kumatok sa bintana. Nang magtama ang mga mata nila ng tao sa loob ay napamura ng malakas si Janessa.

"Are you fucking kidding me?!" 

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon