44-Chill

92 10 0
                                    



ALAS KWATRO Y MEDIA ng madaling araw nagising si John. He felt cold. When he opened his eyes and tried to look for his source of body heat, saka niya napansin na wala na pala siyang katabi at kayakap. Napabalikwas siya ng bangon sabay kapit sa dibdib niyang puno ng kaba at takot. Iniwan na ba siya muli ni Janessa? Kinapa niya ang switch ng ilaw malapit sa headboard ng kama. Janessa might have turned off the light dahil naka-on iyon bago sila natulog na dalawa.

He stood up and did not even bother to wear slippers. Una niyang tinungo ang banyo ngunit walang tao doon. Kada hakbang ni John ay bumibigat ang dibdib niya sa takot. Sumilip rin siya sa walk in closet nila ngunit wala rin doon si Janessa. Imbis na magmadali ng paglakad palabas ng kwarto ay dahan-dahan lang siya. His heart was throbbing painfully with dread. When he emerged from the corridor of the Master Bedroom leading to the Receiving area ay saka lang nakahinga ng maluwag si John. Nakita niya roon si Janessa na nakaupo sa sofa at hawak ang remote ng malaking TV na nakabukas ngunit wala namang sound. When she saw him, agad itong ngumiti at kumaway sa kaniya.

"It's too early to wake up. Bakit nakakunot ang noo mo at parang namumutla ka?" tanong nito sa kaniya.

"I thought you left," bulong ni John. He picked up his steps at ilang segundo lang ay nakaupo na ito sa tabi ni Janessa. Yumakap siya at isiniksik ang mukha sa pagitan ng balikat at leeg ni Janessa.

"I felt hungry kaya bumangon ako. Then I couldn't go back to sleep kaya hindi muna ko bumalik ng kwarto. Gusto mo?" Janessa pointed to the two pieces of toasted bread na nasa plato sa ibabaw ng center table ng Sala. Sa tabi ng plato ay may orange juice bottle.

"Are you done eating?" tanong ni John habang inaabot ang isang toast. Natawa si Janessa dahil pinilit niyang abutin ang tinapay na hindi umaalis sa pagkakayakap nila.

"Yes. I made four," nakangiting sagot ni Janesa. Dahil hindi maabot ni John ang toast ay ito na ang kumuha noon at isinubo sa kasama, "have a bite," dagdag pa niya. Umayos ng upo si John na nakaangkla ang braso sa braso ni Janessa. Nakasiksik siya rito kahit na maluwag at mahaba ang sofa. He looked at her as she was staring at the TV. He smiled when he realized na music videos ang pinapanood ni Janessa ngunit naka-mute ang sound. Inabot niya ang remote na nasa lap ni Janessa at nilakasan ang volume ng palabas. She looked at him and smiled.

"Baka kasi magising ka kaya naka-mute," paliwanag nito sa kaniya. He nodded his head and continued to eat the bread with his other hand habang ang isang braso ay nakapulupot lang sa katabi.

"Thank you," bulong ni John nang maubos niya ang dalawang Toast. Iniabot naman ni Janessa ang bote ng orange juice na kalahati na lang ang laman. Isang tungga lang ay ubos na rin ito ni John.

"Pwede ka na ulit uminom ng gamot. I'll get it--" tatayo na sana si Janessa ngunit hinila siya ni John.

"Ako na lang," he said at saka siya tumayo at mabilis na naglakad patungong kwarto. Nadaanan niya ang tubig na ipinatong niya sa Dresser at binuksan iyon, di alintana ang sakit ng kamay. He took his medicine and finished the bottle of water. Napansin niyang nakaayos rin ang mga gamot niya at wala na ang mga basyo ng tubig sa side table. Napangiti siya bago lumabas ng silid dala ang basyo ng tubig. Paglabas niya ng Sala ay wala roon si Janessa maging ang plato at bote ng juice. Sa kusina dumiretso si John. He saw her washing the plate near the sink. Binilisan niya ang lakad at niyakap si Janessa sa likuran. He was hugging her from behind na paborito niyang ginagawa.

"Tapos na 'ko dito. Gusto mo bang mahiga ulit o manood?" tanong ni Janessa na pumihit paharap sa kaniya at yumakap.

"Whatever you want to do. Pasyal tayo?" tanong ni John. Tiningnan niya ang kayakap sa mukha nang tumingala ito sa kaniya. She looked pale at namumula ang ilong. Suminghot din ito ng dalawang beses. Hindi niya iyon napansin kaagad noong nasa Sala pa sila.

"Are you okay?" nakasalubong ang kilay at nakakunot ang noong tanong ni John. He tilted her chin so he could look at her face more closely.

"I'm not feeling very well. Baka dahil malamig sa kwarto. Parang sinisipon ako. Why don't we just stay here and chill?"

Napangiti si John sa salitang chill. She looked innocent and adorable as she looked at him. Kung siya ang masusunod, hindi niya gugustuhing lumabas ng bahay at kwarto.

"Chill talaga?" tumango si Janessa at ngumiti rin.

"I'm sorry. Dahil sa'kin nagkasakit ka pa. Tara na ulit sa kwarto."

"Sa sala na lang. Let's watch Korean Drama. May bagong show si Lee Dong Wook at Kim Bum." Napangiti si John. Alam niyang paborito ni Janessa ang mga palabas ng dalawang aktor na nabanggit.

"Okay. But if you feel sleepy and tired, babalik na tayo sa kwarto."

Nang tumango si Janessa, he lifted her bridal style na walang kahirap-hirap. Awtomatiko naman ang mga kamay nito na umangkla sa batok ng lalaki. Napahinto si John nang halikan ni Janessa ang leeg niya sa parte na may hickey. Nang maka-recover siya ay binilisan niya ang lakad at nakapangko pa rin si Janessa nang maupo ito sa sofa.

John reached for the remote control ng Android TV. Naglog-in si Janessa sa Streaming App at namili ng papanoorin. Nakakandong lang si Janessa sa kaniya habang nanonood sila. Nakakalahati na sila ng episode nang bumangon si Janessa. Hinila siya pabalik sa kandungan ni John. Napabuntonghininga ang babae bago nagpaliwanag.

"Lie down tapos tabi tayo. Mangangalay ka masyado. Ang bigat ko."

Tututol pa sana si John ngunit tinaasan na siya ng isang kilay ni Janessa. He nodded his head and did as she asked. Nahiga siya na nakatagilid at nakasandal sa sandalan ng mahabang sofa. It was wide enough to fit them both kahit nakahiga pa sila parehas, pero dahil nanonood sila ay nakaharap si John sa TV. Pumuwesto si Janessa sa tabi niya. Isinandal ang likuran sa harapan ng lalaki. They looked like they were spooning. Ang kanang braso ni John ang unan ni Janessa habang ang kaliwa naman ay nakayakap sa kaniya.

"This is way better," bulong ni Janessa. They watched the series silently. Sabay silang natatawa sa mga funny scenes. Nakakatatlong episode na sila nang mapansin ni John na nakatulog na ang babaeng katabi. He smelled her hair and pulled her body closer to him. He sighed in contentment. Pakiramdam niya ay normal na ang lahat at wala na talagang problema.

Napapapikit na si John nang marinig niya ang tunog ng keypad ng door lock ng bahay. Tiningnan niya ang clock sa Sala. It was almost eight in the morning and time for their breakfast to arrive.

Nang pumasok ang Driver ni John ay may bitbit itong apat na paper bag. Nang mapansin ng driver na natutulog si Janessa, he mouthed Good Morning, Sir bago dumiretso sa Dining Area para ibaba doon ang mga pagkain. Umalis din kaagad ang Driver at isinara muli ang pintuan.

He closed his eyes and enjoyed the feel of her on his arms. Sinamantala niya ang pagkakataon na maamoy ang buhok at mayakap ng matagal si Janessa. If only he could freeze that moment and stay there with her, naisip niya. Hindi man niya naipasyal si Janessa sa araw na iyon, gagawa siya ng paraan sa ibang araw. Ang dami niyang gustong gawin at puntahan kasama si Janessa. Noong ay hindi sila masyadong nakapagtravel dahil sa busy ito sa pag-aaral at si John naman sa negosyo. He would let her go with him in some business trips ngunit madalang lang iyon at kulang pa sa oras. Nagplano siya ng travel itineraries sa isip niya bago siya tuluyang nakatulog. 

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon