14-The Letter

136 10 2
                                    



SA isang hotel suite sa Makati na may dalawang kwarto, reception area, small kitchen na kumpleto sa appliances at isang mini office ay kalalabas lang ng kwarto ang isang lalaki. Katatapos lang nitong maligo sa banyo roon at nagtutuyo ng buhok gamit ang isang tuwalyang maliit.

"What are you doing with my laptop?" tanong ng lalaking nakabihis na ng kaswal na puting pantalon na malambot ang tela at isang light blue polo shirt. Ang kapatid niyang tinatanong ay nahuli niyang nakayuko at may pinipindot sa laptop na naiwanan sa lamesa mini office ng hotel suite na iyon. Matangkad ang lalaki sa height niyang 6'2". Aside from being tall, he is buff, lean and masculine kaya naman mukha siyang intimidating. He gives off that powerful and commanding aura. Kung titingnan naman ang makinis at maputing mukha ay pointed ang ilong nito at maganda ang hulma ng cheekbones at panga. His eyes looks like it could see right through a person lalo na kung nakatitig ito. He looks mysterious pero kapag ngumiti na ito ay parang nagliliwanag naman sa kaputian ang mga ngipin at may lumalabas na dimples sa magkabila nitong pisngi. He's not only tall, fit and handsome, he's also a hefty billionaire. Mayaman ang pamilya Foul ngunit mas yumaman ito simula noong teen ager pa si John nang makapaginvest siya sa mga stocks at bonds na na mas nagpayaman pa sa kanila.

"Naiwan mo kasing nakabukas saka may nag-email din nag-pop up lang nabasa ko nang hindi sinasadya--" sagot nito ng babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng pulang summer dress kahit na hindi naman summer. Kung titingnan ang babae ay parang manika ang mukha nito dahil sa ganda. Matangos na ilong at makipot na mga labi. Mataas din ang cheekbones at natural na mamula-mula ang pisngi ng maputi at makinis na balat. Matangkad din ang babae sa 5'7" nitong height at balingkinitan ang katawan.

Walang ibang sinusuot ang babaeng iyon kung hindi sundress na iba't-ibang kulay. Pabalik-balik ang magkapatid ng America at Pilipinas kaya naman hindi sila maka-adjust ng mabuti sa mainit na klima. Umakmang aalis na ang babae at dahan-dahang tumayo mula sa silyang kinauupuan ngunit napatigil ito nang makita ang kapatid na nagmamdaling lumapit sa kinaroroonan niya nang mabanggit niyang may nagsend ng email.

Halos magkandapatid si John na inihagis ang tuwalyang maliit papunta ng gilid ng kwarto at lumapit sa lamesa at ibinaling ang laptop paharap sa sarili. Pag-click niya ng inbox ay nabasa niya kaagad ang ipinadalang email address ng Investment Firm na ka-appointment niya noong ding araw na iyon. He was waiting for that the whole day dahil hindi naibigay ng Director na kausap niya ang mobile number at email address ng babaeng ka-meeting niya isang oras lang ang nakalipas. Itinanong niya iyon muli sa Director noong tumakas ang Manager na kameeting dapat niya tungkol sa investment na balak niyang gawin sa Pilipinas. Napakunot ang noo ni John at nagsalubong ang kilay nang mapansing na-read na ang message. Naglalaman iyon ng apology note at ang mobile number at email address na ni-request niya.

"Lalabas na muna 'ko pupunta ko sa mall na wala masyadong tao--" Paalis na sana ang kapatid nang hilahin ng lalaki ang laylayan ng suot nitong blouse para maupo muli sa silya.

Napansin ni John na aligaga si Jonna kaya't sinilip niya rin ang sent items. Napanganga ito bago napasigaw ng malakas. Namula ang mga tainga ni John sa galit habang si Jonna naman ay napako sa kinaroroonan dahil sa pagpigil sa kanyang lumayo.

"You sent an email, Jonna!" napapikit ang babae at nagtakip ng mukha. Nabisto kaagad ang ginawa niya kahit na kaka-send niya lang ng email sa address na nabasa niya mula sa inbox ng nakatatandang kapatid. Kahit dalawang taon ang agwat nila ay parang malaki ang kanilang age gap dahil sa sobrang pag-aalaga ni John kay Jonna. Nasanay ang huli na siya ang laging focus ng kapatid at walang ibang inaalala ito kung hindi ang business nila at siya lamang. Nang makarecover si Jonna sa pagsigaw ni John ay inalis nito ang takip sa mukha at tumingin ng diretso sa mukha ng kapatid. Tinaasan pa niya ito ng kilay at saka nameywang habang si John naman ay namumula pa rin sa galit dahil sa mensaheng ipinadala ni Jonna.

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon