51-The End

127 9 0
                                    

JOHN


ILANG ARAW nang pagod si John sa paghahanap kay Janessa. Isang linggo na lang ng nakatakdang kasal niya kay Venice Valle nang mag-ring ang cellphone niya. Nakarehistro naman ang numero ng taong tumatawag ngunit nagulat siya dahil hindi niya iyon inaasahan.

"Pwede ba tayong magkita? May kailangan akong sabihin sa 'yo."

"Sige. I'll send you the location." sagot naman ni John.

Isang oras lang ang lumipas ay may nag-doorbell na sa hotel suite na tinutuluyan ni John sa Makati. Si Rolly ang nagbukas ng pintuan.

"Boss, narito na si Daryl."

Tumango si John at iminostra kay Daryl na maupo siya sa katapata na sofa sa receiving area ng Suite.

"Nakabalik na pala kayo." Dahil sa ilang kumplikasyon sa sakit ng nobya ni Daryl ay tinulungan muli sila ni John na magpagamot sa Singapore. 

"May isang linggo na rin. Successful ang mga treatments ni Feliz. Nagpapasalamat pa rin ako sa lahat ng tulong mo." Nakangiting sagot ng matagal nang kaibigan ni Janessa.

"Good to hear. Now, let's talk about business." Itinaas ni John ang isa nitong kilay, pagtatanong sa pakay ng lalaking kaharap.

"Kamamatay lang ng tiyahin ni Janessa. Nandoon siya ngayon sa bahay ng pinsan niya."

Napadiretso ng upo si John. Ilang beses niyang pinabalikan ang bahay ng pinsan ni Janessa ngunit hindi daw doon nakatira.

"They were hiding her? Paano mo nalaman?" Magkasalubong ang kilay ni John. Hindi siya makapaniwala na doon magtatago si Janessa.

"Kapitbahay nila ang kapatid ni Feliz. Nabanggit nito sa akin noong sinundo kami sa airport. Naisip ko na baka hinahanap mo pa rin siya kahit na ikakasal ka na." Napailing si Darly habang nagsasalita. Mukha itong dissapointed sa mga kaganapan kina John at Janessa.

Napabuntonghininga si John at nakasabunot ng ulo.

"She's really giving me a headache. Hindi lang headache pati heartache. Pakiramdam ko, mababaliw na 'ko. Who would have thought na doon siya magtatago? Alam ko namang ayaw na ayaw niya sa bahay ng Tiyahin at pinsan niya. 

"May isa pa kong nalaman," nagpalinga-linga muna si Daryl at nang makita na wala namang ibang tao ay lumapit ito ng bahagya kay John bago muling nagsalita, "kanina habang papunta ako dito, nakita ko sa lobby ang Stalker ni Janessa. Hindi lang ito ngayon nangyari, maraming beses ka na nilang sinusundan at minamanmanan."

Napatayo si John at lumipat ng silya, imbis na katapat ni Daryl ay sa tabi niya ito naupo.

"Stalker? What do you mean?"

Napabuntonghininga muna ng malalim si Daryl bago ito nagpaliwanag.

"Inalam ko ang nangyari sa inyo noon dahil nanghingi ng bagong identity si Janessa sa akin para daw magamit niya. I had no choice but to help her, at alam kong mali 'yon dahil nahirapan ka na namang maghanap sa kaniya, pero after ko malaman ang buong istorya, I empathized with her. Kabilang na rin doon ang paghahanap ko sa dalawang taong sumira ng buhay niya, ninyo. Hindi niya iyon inutos sa akin, pero para sa'kin, gusto kong masiguro na hindi na siya ulit guguluhin ng dalawang iyon."

"Si Rodney ba at ang Doktor Martinez ang sinasabi mo?" mabanggit pa lang ni John ang pangalan ay gusto na niyang manapak ng tao dahil sa kasamaang ginawa ng dalawang iyon sa kanila ni Janessa.

Tumango si Daryl at may dinukot sa bulsa. Ipinatong niya ang mga iyon a lamesa at sabay nilang tiningnan ni John. 

Mga litrato iyon ng dalawang taong akala niya ay hindi na niya muling makikita. Lahat ng litrato ay nasa pamilyar na lugar. Mga hotel, restaurant at cafe na pinuntahan ni John sa ilang linggong hinahanap niya si Janessa matapos niya itong ihatid sa condo sa BGC.

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon