TATLONG oras din silang nagpa-salon, kasama na ang pag-shopping ng isusuot nilang damit para sa anniversary celebration nina Janessa at John kinabukasan. Pinadagdagan na rin ni Jonna ang mga damit na pinamili ni Janessa kahit ayaw ng huli. Ang dahilan ni Jonna ay anniversary gift niya ang mga ipinangshopping niya kay Janessa.
"Mag-dinner muna tayong dalawa. Ito na lang ang isuot mo," iniabot sa kaniya ang isang damit na kasama sa pinagpilian nila.
"Parang practice para sa dinner ninyo ni Kuya bukas," nakangiti at tumataas pa ang kaliwang kilay na sabi ni Jonna habang ipinasusuot sa kaniya sa Designer Boutique kung nasaan sila ang isang light green formal long dress na off shoulder. Fitted ang itaas at flared naman ang palda. May pleats ang palda at side slit din. Perpekto ang disenyo nito para kay Janessa. Mukha itong elegante, classy but sexy at the same time. Ang isusuot naman niya sa dinner nila ni John ay ganoon ring estilo ngunit pula naman at mas mataas ang side slit. Ang high heeled closed shoes at designer hand bag niya na cellphone lang at wallet ang kasya ay green din ngunit two shades darker.
"Saan ba tayo kakain dalawa bakit kailangan naka-formal pa?" tanong ni Janessa. Hindi na siya tumutol dahil nakakapagod ang kakulitan ni Jonna.
"Its my first night back here in New York City kaya mag-splurge tayo a little, okay?" kumindat pa ito sa kaniya.
"Splurge?"
Tumango naman si Jonna sa tanong niya.
Napabuntonghininga si Janessa. Ilang libong dolyares na naman kaya ang mauubos ni Jonna sa gabing iyon? Literal na buhay prinsesa si Jonna kahit na nasa middle school na nalaman ni Jonna at John na mayaman sila. Americano ang Tatay nila at Pilipina ang nanay. Sa America ipinanganak ang dalawang bata at dinadala lang sa Pilipinas kapag lampas isang taong gulang na. Naunang nanirahan ng matagal sa America ang Mama nila John at Jonna noong limang taong gulang pa lang si Jonna. Ang dahilan nila noon ay hindi pa maayos ang papeles ng dalawang bata ngunit sabi ni John kay Janessa, sinadya raw iyon ng Nanay nila upang maiparanas sa kanila ang normal at low key na buhay sa Pilipinas at masiguro na matututo silang magsalita at gumamit ng wika ng bansang pinagmulan ng kanilang ina. Ipinaalaga sila sa Lolo at Lola nila ngunit noong nasa Grade 6 na si John at Grade 4 si Jonna ay magkasunod na pumanaw ang Lolo at Lola nila sa atake sa puso kaya't dinala na sila ng mga magulang sa America. Sa Public School sila nag-aral noong nasa Pilipinas pa.
"Let's go!"
Eksaktong alas-otso ng gabi nang dumating sila sa isang hotel. Isa ang hotel na iyon sa mga pagmamay-ari ng pamilya Foul. Alam iyon ni Janessa dahil ilang beses na rin silang nag-dinner doon ni John.
"Oh, shoot! I forgot something inside the car. Mauna ka na, susunod ako. Sa hotel restaurant, okay? Sa may events hall ka pumunta doon ako nagpa-reserve."
Nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay ni Janessa ngunit tumango naman siya. Bakit kaya sa events hall? Naisip ni Janessa. Nakakapagtaka rin na si Jonna mismo ang babalik ng kotse. Usually ay iuutos lang ni Jonna ang pagpapakuha ng gamit kung sakali ngang may naiwanan siya. Dahil kumakalam na ang sikmura niya ay sinunod na lang niya ang sinabi ng kaibigan. Nagtaka siya na wala siyang kasabay na tao habang naglalakad ng hallway papunta ng hotel restaurant. Nakasara rin ang pintuan na usually ay bukas. May dalawang gwardiya na nakapwesto sa pintuan. Binuksan naman agad nila ang isa sa mga pintuan nang makita si Janessa. Dalawang layer ang pintuan na iyon. Pagpasok ay may reception area pa dahil events hall ang pinuntahan niya. May isa pang pintuan sa loob papasok mismo ng events hall ngunit doon ay wala ng guwardiya.
Napakunot ang noo niya nang binuksan niya ang pangalawang pintuan at humakbang siya papasok.
"Bakit ang dilim?" Lalabas na sana siya ulit nang may magliwanag sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...