KINUHA ni Janessa ang tubig na inilapag ng bartender sa harapan nila at saka ito ibinuhos sa sariling mukha. Hindi kay John kung hindi sa mukha niya. Dahil sa magkalapit sila ay nabasa rin ng malamig na tubig ang suot na polo ni John. Tumalsik din ang tubig sa mukha, leeg at braso niya. May ice cubes pa ang tubig at napunta ang isa noon sa damit ni Janessa. Ang isa ay tumalbog sa may leeg ni John bago tuluyang mahulog sa sahig.
Kahit ayaw niyang bumitiw ay napilitan siyang bahagyang lumayo para kunin ang panyo niya sa bulsa. Janessa was standing upright in an instant nang bumitiw si John sa kanya.
"Now I'm sober. I can go home by myself," mahinang sabi ni Janessa na pinabayaan lang na basa ang mukha, leeg at dibdib niya maging ang tube top. Inalis ang coat na nasa balikat at ibinato ito kay John. She grabbed her bag na naipatong nito sa ibabaw ng counter at saka tumalikod at naglakad na parang wala lang nangyari. Kahit namumula ang pisngi at mapungay ang mata, diretso ang lakad nito palayo sa kaniya.
When he realized what was happening, he ran to her and was beside her in an instant. Ang coat na hawak ni John ay inilagay niya muli sa katawan ni Janessa, ensuring na nakatakip pati ang dibdib nitong basa ng tubig. He could see some patrons of the bar looking at them at marahil napansin din iyon ni Janessa kaya't hindi na ito gumawa pa ng ibang eksena.
She did not fight him off. Pinabayaan lang niyang maglakad sila na nakaabkay si John sa kanya. Pagdating nila ng exit ng bar ay naroon na ang SUV ni John. Hindi na kailangan pang utusan ang security escort nila dahil may isang nasa loob ng bar na nakamasid at nag-abiso sa driver na palabas na sila. Nakabukas na ang pintuan at nag-aabang na lang ng pagsakay nilang dalawa.
"I need a cab--" sabi ni Janessa sa bouncer sa may pintuan.
"No. You don't. She's with me. We'll go home."
"I'm not with you!" Pinalis ni Janessa ang braso ni John na nakapatong sa balikat kasama ng coat.
Lalapit na sana ang bouncer nang harangin ito ng dalawang security ni John at binulungan ang bouncer. Nagpakita rin sila ng ID at nag-abot ng Business card.
Agad naman itong tumango at bumalik sa pwesto.
Napabuntonghininga si John at saka pinangko si Janessa para ipasok sa loob ng SUV.
"Ang kulit mo sinabing bitiwan mo 'ko!" sigaw nito sa kanya habang nagpipilit na bumaba sa pagkakakarga niya. He didn't mind na itinutulak nito ang panga niya palayo at ang isang kamay ay kumurot sa braso niya. He held on to her until he was able to place her inside his car. Susubukan sanang lumabas ni Janessa sa kabilang side ng pintuan ngunit nakalock ito. Mayroon ding security personnel sa kabilang side ng pintuan.
Ilang segundo pa ay nakaupo na si John sa tabi ni Janessa, nakasara na ang pintuan at umaandar na ang sasakyan na iyon.
"This is kidnapping! Tulungan ninyo 'ko! May manyakis dito!"
"Sa Villa tayo," sabi ni John sa driver na tumango lang sa kanya.
May partition ang malaking SUV na kung tintingnan ay parang isang compact limousine sa luwag ng loob. Nagkaroon ng harang o privacy divider na naghihiwalay ng front portion ng sasakyan at ang likuran kung saan sila nakaupo nang pindutin ni John ang isang button.
"Saan mo 'ko dadalhin? Kidnapping talaga 'to!" she still looked drunk pero hindi sapat para makalimutan niya kung sino si John sa buhay niya o ang galit nito sa kanya. Nakatulong din ang pagbuhos nito ng malamig na tubig sa sarili para mas magising siya at gumana ang isip.
"I just want to take care of you, just let me--" lumapit siya at sinubukang hilahin ang babae para dumantay sa kanya.
"No!"
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...