MAHIGIT tatlong linggo na ang nakalipas simula nang magkita sila ni John. Dalawang araw na lang ay kasal na ni John kay Venice Valle."Hindi ko talaga alam bakit nagtitiyaga ka rito. Hindi ba mayaman ka naman, may condo at may kotse pa?" Nakakunot ang noo na tanong ni Jen habang naghahain sa mesa para sa pananghalian. Ito ang bungad ng pinsan sa kaniya. Nakatingin ito sa kaniya habang inilalapag ang mga plato at kubyertos sa ibabaw ng lamesang kahoy nang pumasok si Janessa sa Dining area ng bahay ng pinsan at namayapang tiyahin.
"I'm paying for every cent of my stay here kaya 'wag kang magreklamo. I bought the groceries and paid all the bills since I came here. Hindi ba ipinaayos ko pa nga ang bubong ninyong tumutulo?" Hindi na lang binanggit ni Janessa na siya rin ang gumastos sa hospital bills, burol at libing ng Tiyahin niya. Nakataas ang kilay ni Janessa. Bumuntonghininga ang pinsan bago nagsalita ulit. Malumanay na ang boses nito na para bang naalala rin ang mga ginawa ni Janessa para sa kanilang pamilya simula noong pumunta ito ng ospital tatlong linggo na ang nakalipas.
"Kain na. Nagtatanong lang naman, hindi naman ako nagrereklamo. Sorry. Nasanay lang ako na laging ganito tayong mag-usap."
Tumango si Janessa. Sa ilang linggo niyang pamamalagi sa bahay na iyon at pagdamay sa pinsan na tuluyan nang naulila ay maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa.
"Sorry din napasigaw ako. Tara kain na. Nasaan nga pala ang mga bata?" Nagpalinga-linga si Janessa para hanapin ang mga pamangkin niya na madalas sumasalubong sa kaniya tuwing lumalabas siya ng kwartong inayos ng pinsan niya para tulugan niya. Mag-uumaga na siya nakatulog kaya't tanghali na nang magising siya.
"Sinundo ng tatay nila. Doon muna sila sa mga biyenan ko hanggang sa isang araw habang may mga job interview ako," sagot ni Jen bago naupo sa katapat na upuan ni Janessa. Nasa magkabilang dulo sila ng parihabang lamesa.
"Sigurado ka na ba na maghihiwalay na kayo ng asawa mo?" tanong niya habang sumasandok ng Sinampalukang manok at kanin mula sa mga mangkok sa hapag kainan.
"He's dragging me down hindi ba ang sabi mo. Isa pa, kailangan ko maghanap ng trabaho. Wala na ang nanay ko. Hindi naman tama na aasa pa rin ako na magbibigay ka pa rin ng allowance namin." sagot ni Jen. Inintay muna nito na matapos si Janessa sa pagkuha ng pagkain bago ito naglagay ng kanin at ulam sa sariling plato.
"Jen, I was only trying to make you realize something when I said those things," nakakunot ang noong sagot ni Janessa. Marami siyang nasabing masasakit na salita sa pinsan noon. Ang akala ni Janessa ay sadyang makapal lang ang mukha ni Jen. Hindi niya alam na it was only a facade to make her seem like she's still the same bad ass bitch na nang-bully kay Janessa noong doon pa siya nakatira sa bahay ng mga pinsan.
Nakita ni Janessa na nangingilid na naman ang luha ng pinsan. She was trying to look tough pero alam na ni Janessa ang mga paghihirap nito. Nakita niya kung paano inalagaan ng pinsan ang Tiya Loleng niya sa ospital sa dalawang araw na naroon siya bago ito tuluyang pumanaw. Nakita ni Janessa kung paano mag-asikaso ng tatlong anak at maging ang pagtapos ng lahat ng gawaing bahay habang inaasikaso rin ang burol ng namayapang ina. It was very different from the image she had of her cousin. Malayong-malayo sa pasosyal, mayabang at ma-ere niyang pinsan noon.
"Alam ko naman. Sa ngayon, gusto ko sana bigyan muna ng oras ang sarili ko na ayusin muna ang buhay ko para sa mga anak ko. Nag-usap na rin kami pati ang mga magulang niya kinausap na rin siya. Kung hindi siya magtitino at titigil sa pagsusugal, kung hindi siya hahanap ng trabaho, hindi ko na siya pababalikin dito." Nagpunas ng luha si Jen saka sumubo ng isang kutsarang umaapaw sa kanin at ulam.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...