29-First Step

91 7 0
                                    




NAPANGITI si John sa ala-alang iyon dahil iyon ang umpisa ng pagiging malapit nilang dalawa ni Janessa. He sighed and closed his eyes, wanting to relive their happy times together.

"What do you mean you're serious about her?" tanong ni Jonna pagdating nito ng bahay. She was referring to his response to her message. Ang mensahe nito kung anong plano niya kay Janessa.

"Sit down and eat," nakangiti niyang sabi sa kapatid. Kauuwi lang ni John mula sa paghatid niya kay Janessa sa apartment nito. They spent the rest of the afternoon together. He used the excuse of helping her buy a new phone and tablet dahil alam niyang kailangang kailangan ito ni Janessa. Pagkatapos noon ay nag-aya siyang magmerienda sila. Pinaunlakan naman ito ni Janessa ngunit hindi siya nakakain masyado dahil sa kakatitig nito sa magandang dalaga ng palihim.

"You cancelled your flight and all your appointments for this week? Seryoso ka ba, Kuya? You even turned off your phone kanina pagkatapos kong tumawag sa 'yo!" He sighed and nodded his head. Kung kaya lang niyang i-turn off rin ang tainga niya sa boses ng kapatid ay ginawa na rin niya ngunit alam niyang hindi siya tatantanan ni Jonna kung hindi niya sasagutin ang mga katanungang ibinabato nito sa kaniya.

"I want to spend time with her. Mahirap bang intindihin 'yon? It's simple. Isa pa, hindi ko kinansel ang appointments ko. I just sent someone else to handle those meetings. The company will survive a week without me. I'll also be on call at isa pa, follow up meetings na lang naman 'yon. All those deals have been signed. I also have some things to do here for the US branches at malamang dito na rin ako ulit mag-stay long term after I tie some loose ends sa Europe branches. At yes, oo, seryoso ako," he answered her while looking at her intently para malaman nitong seryoso talaga siya. Si Jonna naman ay nakanganga lang at parang nagdidigest pa ng sinabi niya. In shock yata si Jonna dahil sa mga pinagsasabi ni John.

"Anong gusto mong kainin?" dagdag ni John. Iniabot ni John ang menu ng hotel restaurant kay Jonna. May bahay sila at apartment sa US ngunit mas gusto niyang sa hotel tumuloy para mas convenient.

"Kuya! I'm talking about Janessa!" she exclaimed when she recovered from her shock. Inilapat pa nito ang dalawang kamay sa lamesa ng hotel restaurant kung nasaan sila.

"I know and I answered your question already. Ito na lang, favorite mo. Sit down para hindi naman akward." Itinaas ni John ang kamay para tumawag ng waiter. Agad naman itong lumapit at sinabi niya ang pagkain na para kay Jonna. Si Jonna na kauupo lang at nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kaniya.

Nang silang dalawa na lang muli sa lamesa ay saka ito muling nagtanong.

"What did she say? Pumayag ba siya sa suggestion ko? Talagang binilhan mo siya ng phone at tablet?"

"Yes, pumayag siya sa proposal ko," inemphasize ni John ang salitang 'ko'.

"We bought her stuff together but she insisted that she pay for it. Kaya sabi ko na lang hindi mo siya babayaran for three months worth of tutoring," dagdag ni John.

"Three months?! Do you even know how much she's being paid? It may not be enough! Isa pa, kailangan niya ang pera na 'yon for her other expenses! Dapat pinilit mo na lang na 'wag niyang bayaran!" gigil nitong sabi na nanlalaki pa ang butas ng ilong sa inis.

"Naguguluhan na 'ko sa'yo. Ano ba talagang ikinasisigaw mo? Naiinis ka ba na binilhan ko siya ng phone at tablet o naiinis ka na babayaran niya? Ang gulo! Isa pa, babaan mo nga ang pitch at volume level niyang boses mo at nagtitinginan ang mga tao."

Nagpalinga-linga si Jonna. Wala naman talagang tumitingin sa kanila dahil hindi naman kalakasan din ang boses nito. She was just gritting her teeth as she nags on her brother.

"I don't care who pays but just so you know, it would be better if you just don't let her pay. It was your fault anyways. You jumped on her," nakataas ang kilay na sabi ni Jonna.

Tumango si John. In layman's term, siguro nga iyon ang tamang description. He was the one who made her things fall, napangiti siya nang maisip na sana pati ang puso nito ay mahulog na rin sa kaniya.

"I also just find it weird that you're acting that way. Ikaw na hindi nga lumilingon kahit na beauty queen title holder na ang lumalapit sa'yo, ngayon, you're even giving up your working time just so you can spend time with a woman?!"

Napatingin si John sa kapatid. Tama naman ang sinasabi ni Jonna. Before, he was never interested in dating dahil sa tingin niya noon ay waste of time lamang ito.

"Hindi ba ikaw ang may suggestion nito? Ikaw ang nagsabi na maging kami na lang para walang issue--"

Napanganga si Jonna, umirap at napabuntonghininga na parang bumuwelo pa bago nagsalita.

"Sabi ko mag-pretend kayo, hindi ko sinabing totohanin mo!"

"Sandali nga. Be honest. You don't want Janessa for me? Hindi ka ba boto? Hindi ba kami bagay?"

"Of course! She's too good for you! Baka sasaktan mo lang siya in the end. Kapag nangyari 'yon, she would be devastated. She might even hate me too! May balak pa 'kong magtapos ng pag-aaral, Kuya. Please lang."

"Ayon! Sariling interes mo naman pala ang iniisip mo, akala ko pa naman concerned ka talaga sa 'kin."

"I'm more concerned about her. Hindi siya makakaadjust sa mundo mo, Kuya. You have too much on your plate and she's---"

"She's what?"

"I'm sure she wouldn't really agree to being with you. Baka napilitan or nakulitan lang."

"I don't believe you. Hindi kailangang mag-adjust ni Janessa sa mundo ko dahil siya na ang magiging mundo ko simula ngayon. I'll make sure to take care of her kaya tumahimik ka na. End of discussion."

"Ang baduy mo! Mag-isip ka muna--"

Itinaas ni John ang kamay at umiling. He didn't want his sister to ruin his happiness.

"I'm serious. To correct any misunderstanding, hindi siya napilitang sagutin ako at pumayag sa proposal ko. I'm just too charming and I guess she fell for me too," nakangiti niyang sabi habang tiningnan ang kadarating lang na main course niyang steak at pasta. 

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon