13-A Fucking Lesson

147 11 1
                                    



"Grabe ka namang makatingin, parang binabasa mo na ang buong kaluluwa ko. Kumusta na? It's been, what? More than 7 years! Saan ka na nagtatrabaho ngayon? Huling balita ko sa'yo sa US nag-aral?" Nakaupo na si Daryl sa upuan sa tapat ni Janessa at nakatingin sa kanyang puno ng kuryosidad. Napabuntonghininga si Janessa at napasabunot ng buhok. Nang humarap siya muli sa kausap ay sinubukan niyang ngumiti ngunit hindi niya magawa, bagkus itinuon niya ang paningin sa bookshelf na malapit sa lamesa nila. May hilera ng mga non fiction books doon at documentaries. Naisip niya kung magkakaroon siya ng libro ano kaya ang nilalaman noon? Anong klaseng istorya na naman kaya ang malalathala tungkol sa kanya? Katotohanan na kaya o kasinungalingan pa rin?

"Janessa?" she was lost for a moment at nang mapagtanto kung anong tinatanong nito ay saka lang siyang sumagot. 

"It's a very long story. Trabaho? Right now, I just resigned. I figured I cannot really work here in the Philippines kahit gusto ko pa." Malalim na buntonghininga na naman ang pinawalan niya. Bigla siyang nainis sa sarili na nagkataong kay Daryl na naman siya naghihinga ng mga reklamo at problema ng kasalukuyan.

"Bakit naman? Mukhang manager ka na nga sa trabaho mo."

"Enough about me. Ikaw kumusta? Si Feliz?" Janessa asked with a smile.

Noong una ay natigilan siya ngunit ilang segundo pa ang nagdaan ay napasimangot si Daryl at pumormal ng upo.

Hindi na kaya sila okay na dalawa? Napaisip si Janessa.

"Long story rin pero hindi ko gustong pag-usapan. Ako? Okay naman. May modelling/advertising agency akong negosyo pero maliit lang. Alam mo na, pa-raket raket pa rin." Tinaas-baba pa nito ang magkabilang kilay at ngumisi. Napabuntonghininga naman si Janessa bago muling nagsalita.

"Sa dati pa ring raket ba 'yan? Akala ko ba nagbago ka na?" Binuksan ni Janessa ang laptop niya para silipin kung sumagot na ba ang sekretarya. Automatic na naka-connect sa WIFI ng bookstore ang laptop niya dahil na rin sa dalas niyang pagpunta roon. She looked at her mailbox and waited habang pinakikinggan din ang kwento ng dating kaibigan.

"Diskarte ko na ngayon kaya mas tamed na ang mga ginagawa namin at pinipiling mabuti ang tatanggaping kliyente. Hindi na kagaya noon."

Napailing si Janessa nang maalala na ibang-iba ang mundong ginagalawan niya ngayon kaysa noong kasama pa niya sa raket si Daryl. It was a world that taught her how to handle different types of people and to be independent and strong.

Ang trabahong iyon din ang nagturo sa kanya kung paano gamitin ang kahinaan ng iba para magkapera. Nasa gitna sila ng pag-uusap nang may dumating na isa pang lalaki.

"Boss, the client is await. He want you to see each other," diretsa nitong sabi kay Daryl. Kung titingnan ang lalaki ay hindi aakalaing hindi ito marunong mag-Ingles dahil mukha itong mayaman. Makinis ang kutis, matangkad at matipuno ang pangangatawan. Medyo kinulang lang ito ng ilong pero hindi halata dahil may makeup ito sa nosebridge.

"The client is waiting. He wants to see you. Hindi each other! Sabi ko naman sa 'yo, Funny hindi ka funny. Mag-aral kang mabuti para hindi nakakatawa tuwing nag-eenglish ka. Kahit anong train ko sa'yo kung ganyan ang actual performance mo, balewala pa rin. Nagmessage na 'ko sa kanya kanina sabi ko bukas na kami magkita." Mahina lang ang boses nito pero rinig na rinig ni Janessa dahil sila lang ang tao sa lamesang iyon.

"Its cant be helped really."

"It can't be helped. Walang s ang its at kahit wala na ring really!" Madiing bulong ni Daryl. Napangiti naman si Janessa.

"Sino naman itong magandang dalag na ito?" napanganga si Janessa dahil hindi niya inaasahan iyon. Kasabay ng paglalahad ng kamay ng bagong dating na lalaki na pinalis naman kaagad ni Daryl.

"Dilag! Ano ba, mapa-English o Tagalog, mali pa rin?!" Napakamot ng ulo si Daryl habang si Janessa ay binura ang ngiti sa mukha dahil baka ma-offend niya ang taong kaharap.

Ilang sandali pa ay ipinakilala na rin ni Daryl ang kasama.

"Nessa, si Fernando Sernan, Funny for short. He's trying to learn the ropes. Simula kasi nang magkasakit ang kapatid niya kailangan niya ng malaking pera. Ginagawa ko na lang munang assistant ko dahil hindi pa pwede. Model rin siya sa agency for print ads lang."

"'Wag mo naman akong ichikababes sa magandang bunibuni."

"Binibini!" sabay pang sabi ni Daryl at Janessa na magkasunod na natawa.

"Grabe ka, ginawa mo akong sakit sa balat!"

"I'm sorry. Im just can't spoken flutely," seryoso nitong sagot sa kanya.

Napanganga si Daryl at napakamot na naman ng ulo kaya't si Janessa na ang umentrada.

"I just can't speak fluently ba?" nakangiting sabi ni Janessa. She was starting to feel lighter because of her two companions nang mag-beep ang laptop niya. Ibig sabihin noon ay may bago siyang email.

Hindi niya inaasahang manggagaling sa taong iyon ang mababasa niyang mensahe.

Nessa,

Please let's talk. I don't want to do this anymore. I can't keep on chasing you everywhere you go. Stop running away. I have a life and I need you, I want you to be a part of it again. Kung hindi ka pa babalik ngayon, I don't have a choice but to go ahead with my family's plans. I'm giving you your last chance, Nessa. Come back or else I will marry someone else. I'll be waiting at the hotel where we met earlier. Just ask the receptionist for my room number.

John

Nanginig ang buong katawan ni Janessa sa galit. Isinara niya ang screen ng laptop at saka tumingin sa dalawang kaharap. Her chest was heaving with anger. Pakiramdam niya nasa ulo niya lahat ng dugo na dumadaloy sa katawan niya. Anong karapatan ng lalaking iyon para bigyan siya ng ultimatum? Hindi ba siya nahiya sa pinagsasabi niya? Why would she even want to go back to him kung hanggang sa ngayon ay wala pa ring kwenta ang trato nito sa kanya. He or anyone from his family are not in the position to dictate to her what to do, after what they did to her.

"Are you okay? May problema ba, Nessa?"

"How much do you ask for your clients? I mean, ano na ba ang rate per transaction ngayon? Moderately difficult lang ito."

"10,000 ang basic fee namin--"

Inabot ni Janessa ang bag niya na nasa may tapat ni Daryl at kumuha ng ballpen at isang booklet sa loob.

"Daryl, I'll hire you for a job right now. I need to teach someone a fucking lesson."

Nagkatinginan si Funny at si Daryl at kahit na hindi pa nila alam kung ano ang ipapagawa ni Janessa ay umoo ang dalawa nang mag-issue ng 30,000 pesos payable into Cash na cheke at inalis ito sa booklet.

"Anong kailangan naming gawin?" seryosong tanong ng dating kaibigan habang nakatingin sa chekeng iniabot sa kanya.

"I want to frame up a man," ibinulong niya kay Daryl ang gusto niyang mangyari. She took her phone and typed something on it. Nag-search siya ng larawan ng lalaking pinupuntirya niya, "here is his photo. Do it tonight dahil baka aalis na 'yan bukas."

Bago iharap ni Janessa ang phone niyang may naka-flash na litrato ay nanginginig ang labi sa galit na tinitigan niya ito sabay sabi, "When I'm done with you, tingnan ko lang kung may magpakasal pa sa'yong gago ka. Sige. I'll stop running away. Now, it's payback time." 

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon