NAKABIHIS na ng puting t-shirt at red na sweat pants si John at nakahiga sa kama nang bumalik si Janessa dala ang maliit na container na may laman ng isang rolyo ng benda, alcohol, bulak, ointment, gunting at transpore tape.
"Lagyan natin ng gamot ang daliri mo. 'Wag na band-aid para may ointment akong mailagay."
Bumangon si John at naupo. Nakasandal sa headboard ang likod at ulo. Nang palapit na si Janessa ay bahagya siyang umusog sa may bandang gitna ng kama para magkaroon ng espasyo sa gilid ng kama. Si Janessa naman ay naupo sa tabi ni John. She reached for his right hand. May kuryentent naramdaman si John nang maglapat ang mga kamay nila.
"Ang init ng kamay mo. Uminom ka ulit ng Paracetamol pagkatapos ko lagyan ng bandage ang mga sugat mo. 9 pm pa sunod na inom mo ng antibiotics."
Tahimik lang si John habang nakatitig sa mukha ng personal nurse niya. He hissed when he felt the dab of cotton with alcohol on his cut.
"Konting tiis lang. Mahaba lang ang cut pero hindi naman daw kailangan ng stitches. Next time, kung magliligpit ka ng bubog, don't use your hands. Pwede namang walisin lang." Magkahalong pagkainis at pag-aalala ang narinig ni John sa boses ni Janessa. Magkasalubong pa ang mga kilay nito.
"Hindi ko na naisip. I was in a hurry to clean things up. I'm sorry for being careless. Nahihirapan ka tuloy dahil sa 'kin."
Napabuntonghininga si Janessa at tumingin sa mukha niya. Nang makitang nakatitig si John ay ibinaling muli ang mga mata sa kamay na nilalagyan ng ointment.
"I was partly to blame dahil ako ang nakabasag ng mga 'yon. Sana lang umokay na 'tong mga kamay mo pati mawala na ang lagnat mo para--"
"Gusto mo bang mamasyal bukas? Baka okay naman na 'ko bukas ng umaga." He intercepted bago pa matapos ang sasabihin. Kinabahan si John dahil pakiramdam niya ang sasabihin ni Janessa ay para makauwi na siya para makaalis sa bahay na iyon. Napatingin si Janessa sa kaniya. Napataas ang isang kilay nito.
"Sabi mo I'm stressed and tired kaya ako nagkasakit. I have an idea. Mag-destress na lang tayo habang nandito. I know I'm not in the position to ask you for a favor pero baka naman pwede? I can't even use my two hands properly. Baka pwede mo akong samahan?" He made his face look as if he was a lost puppy. Dati ay gumagana iyon kay Janessa. It was worth a try.
Mula sa pagkakataas ng kaliwang kilay ay napakunot ang noo ni Janessa. He knew that he needed more reason for her to come with him pero wala na siyang maisip na iba.
"Mag-destress?" tanong nito habang nilalagyan ng transpore tape ang benda ng mga daliri niya sa kanang kamay.
"Yes and I also want to thank you for taking care of me kaya pumayag ka na sana na mamasyal tayong dalawa."
Kita ang pagdadalawang-isip sa mukha ni Janessa. Mas lumalim ang pagkakakunot ng noo nito at napabuntonghininga pa ng malalim.
"Please?"
Tumingin si Janessa sa kaniya. Ilang segundo rin silang magkatitigang dalawa bago ito nag-iwas ng tingin at bumaling muli sa kamay niya. She placed his palms on top of her hand para sipatin kung maayos ba ang ginawa niya. Then she sighed and answered him.
"Sige. Pero kapag hindi ka pa okay mamayang madaling araw, hindi tayo aalis. We could go the following day if you really want."
Napigilan niyang mapasigaw ng Yes. Napakagat siya ng labi kasabay ng ng puso niya sa sinabi ng dalaga.
"I'll make sure I'll feel better soon," he said with a smile on his face.
"Okay na 'to. Ang kabilang kamay mo naman."
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...