7-Worse

163 11 1
                                    


NAGBALIK sa kasalukuyan ang atensiyon ni Janessa nang sunud-sunod na busina ang narinig niya. Nasa interseksiyon siya at hindi namalayang naka-green na pala ang traffic light sign.

She realized her foot was pressing too hard on the brake pad. Inilipat ang paa sa accelerator at saka pinasibad ang kotse. Siguro ay matagal nang naka-green ang ilaw dahil nang umandar siya ay nag-pula agad ang traffic light. She hated whenever her mind drifted to her past, lalong-lalo na sa mga pangyayari matapos siyang manirahan sa Tita Loleng niya.

Mabilis ang naging biyahe ni Janessa. Hindi rin naman siya naabutan ng buhol-buhol na traffic. Pagparada ng kotse niya sa parking lot ng Memorial Park sa Paranaque ay nagpalit muna ng sapatos si Janessa dahil malayo-layo rin ang lalakarin niya. Napairap siya sa sarili nang mapagtanto na naka-heels siya nagmaneho papunta roon. Dapat sana ay nagpalit na kaagad siya ng driving shoes na kinapa niya sa ilalim ng upuan.

"Hindi ka na naman nakapag-focus, Nessa," bulong niya sa sarili matapos kunin ang puting handbag, bumaba ng sasakyan at i-lock iyon.

Nagpapasalamat siyang maaliwalas ang panahon at hindi gaanong katirikan ng araw. Marami ring lilim ang mga puno. She walked towards her parents' grave with a serious expression. Malinis ang sementeryo kahit na isa't kalahating linggo pa lang ang nakalipas mula ng All Soul's Day. Alam naman niyang pupunta rin siya ng death anniversary kaya't hindi na siya nakipagsabayan sa mga tao. Hindi na rin bumili ng bulaklak si Janessa para ilagay sa puntod ng mga magulang dahil alam niyang may bulaklak na roon. Tuwing Lunes ay pinalalagyan niya ng bagong bulaklak ang libingan ng mga magulang sa isa sa mga katiwala ng sementeryo.

Habang naglalakad ay nag-ring ang phone niya kaya't kinuha niya muna iyon sa bag. Ang sekretarya niya ang nasa kabilang linya.

"Ria, yes, good morning," bati ni Janessa. Agad namang nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Ma'am Nessa, Mr. Del Prado asked to update your schedule. He said you've already talked about it--" bakas ang pagkainis sa boses ng sekretarya. Alam ni Janessa na ayaw nito na nagbabago ang schedule niya lalo na sa mga minsanan niya lang na off sa trabaho.

"Yes. I was in a rush this morning, hindi na kita na-update. Since I don't have appointments this afternoon, I said yes."

"Okay, ma'am. There's something weird about it though. Parang isiningit lang din ang meeting. That was not in the agenda discussed on the last briefing. Pero sige po, I'll send you the details later."

Napakunot ang noo ni Janessa ngunit hindi na lang niya inisip mabuti dahil minsan naman ay biglaan rin ang mga meeting with potential clients and investors. Ang investment firm nila ay isa sa mga growing companies sa Asia kaya't puspusan ang pagtatrabaho ng Director niya.

"Thanks, Ria."

"Enjoy the rest of your morning, Ma'am."

Napangiti siya at ibinaba na ang tawag. Abala siya sa telepono kaya't hindi niya kaagad napansin na malapit na siya sa puntod ng mga magulang. Hindi niya rin kaagad nakita na may nakatayong lalaking naka-itim na suit malapit doon. Natigilan siya at dali-daling kumubli sa pinakamalapit na puno. She was thankful that the Memorial Park was like a forest laden with trees dahil nakapagtago siya kaagad. Matangkad at matipuno ang pangangatawan ng lalaki kahit na likuran lang nito ang nakikita ni Janessa. Dahil sa sinag ng araw ay halatang-halata ang dark brown nitong buhok. She knew who the man is just by looking at his backside. Mas lalong dapat siyang magtago dahil hindi siya maaring makita ng lalaking iyon. She stared at him from afar. Kahit na likuran lang ang kita niya ay pakiramdam ni Janessa na tatalon palabas ng dibdib niya ang puso niya. Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya ngunit pumapaibabaw pa rin ang matinding galit. Sa pagangat ng braso at pagtingin sa relong kumislap pa ay bahagyang nakita ni Janessa ang kurba ng mukha nito, ang matangos na ilong, mapulang mga labi at ang naniningkit na mata marahil dahil sa sinag ng araw.

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon