ILANG buwan ding nawala sa radar ni John si Janessa. He thought he would lose her for good nang isang balita ang ibinahagi ng mga tauhan sa Pilipinas.
Nasa headquarters ng opisina nila sa New York si John noon at naghahanda para sa board meeting ng bagong tayo niyang kumpanya nang matanggap niya ang report ni Bong at Rolly na iniwanan niya upang maghanap sa napakailap na nawawala niyang fiancee.
"Any news?" tanong ni John habang nakatingin sa floor to ceiling glass window ng opisina niya sa 55th floor ng isang sky rise building na headquarters nila. Nakaloudspeaker ang kausap sa cellphone na nakapatong sa lamesa. Kababalik lang ni John mula sa iba'-ibang business trips at naging abala siya na hindi niya nasagot ang ibang importanteng tawag.
"Boss, hindi namin kayo ma-contact last week. May ipinadala kaming mga video clips at news articles sa email ninyo. May isinend din akong mga litrato."
Umikot si John at naglakad patungo ng lamesa niyang gawa sa salamin. Nakapatong doon ang isang Mac PC at tablet. Sa computer siya nagpunta at nagscroll gamit ang mouse niyang wireless. He clicked a newly sent mail na tinukoy ni Bong.
Pagbukas ng email attachments ay ang unang bumungad kay John ay ang full body pictures ng dalawang babae. Dalawang magkatabing larawan iyon. Ang isa ay litrato ni Janessa noong huli silang magkita sa hotel at ang isa ay hindi kilala ni John. Makapal ang salamin ng isang babae at matangos ang ilong. Mahaba rin ang baba nito at walang kakorte-korte ang katawan. Magkaibang-magkaiba ang itsura ng dalawang babae.
Ang sunod na attachment na nabuksan ni John ay nakazoom in na mukha ng dalawa. Ang pinagkaiba lang ay walang suot na salamin ang babaeng mahaba ang baba. Ang sumunod na litrato ay nakablur ang ibang parte ng mukha ng dalawang babae bukod sa mga mata.
"Boss, hindi sinasadya na nakabangga ko ang babaeng nasa litrato noong nautusan ako na magdala ng dokumento sa N.O. Realties para sa proposal na merger." Ang N.O. Realties ay subsidiary ng Valle Realties at magiging parte ng expansion ng Realty company ng pamilyang Foul sa iba't-ibang bansa sa Asya, Europa at Pilipinas.
"Anong kinalaman ng babaeng 'yan? Bakit kailangang izoom mo pa sa picture?" tanong ni John habang tinititigan niyang mabuti ang mga litrato. Kahit anong tingin niya ay magkaibang-magkaiba ang kabuuang itsura ng dalawa. Napakunot ang noo niya nang titigan niya ang mga mata dahil may pagkakaparehas ang mga iyon.
"Ang isang babae ay kinikilalang Fanny Sernan na sekretarya ni Oswald Navarro ng N.O. Realties. Nang magkabanggaan kami ay nahulog ang salamin niya. Napansin ko ring parang nalulusaw ang mukha niya sa bandang baba."
"Nalulusaw?" nakakunot ang noo niyang tanong.
"Boss, buksan mo ang video attachment number 1."
Sinunod naman ni John ang sinabi ni Bong. Pag-pindot niya ng video ay agad itong nag-play. May simulation na ipinakita kung saan pinag-merge ang dalawang litrato. Nang magtapat ang dalawang mukha ay parehong-pareho ang hugis ng mga mata at ilong. Ang pinagkaiba lang ay ang baba. Nang tapyasin ang chin part ng isa pang litrato ay nag-match ang facial features ng dalawa.
"Anong---"
"Naghinala kami ni Rolly na iisang tao lang sila Ma'am Janessa at si Fanny Sernan. Nakumpirma ang hinala namin. Pakibuksan mo po ang isa pang video--"
Napanganga si John nang makita ang pagpasok ng babae sa isang public restroom. Nakasuot ito ng pangopisina. Halatang-halata ang walang korte nitong katawan dahil sa suot na damit at flats na sapatos. Paglabas nito ay nakasweatshirt, sweatpants, rubbershoes na ito at sumbrero. Nag-zoom ang footage sa mukha ng babae na wala ng salamin.
"Nessa---"
"Yes Boss. Kaya hindi natin siya mahanap ay nagpalit siya ng itsura at pangalan. Napagalaman naming ang dati niyang kaibigang si Daryl ang nagbigay ng pangalan at papeles kay Ma'am. Hindi ba pamilyar ang pangalan, Boss? Hindi ba at Fanny Sernan ang pangalan ng kapatid ng isa pang con artist na nakausap ninyo nooon? Ang ipinagamot ninyo sa Singapore ilang buwan na rin ang nakalipas?"
Naalala na ni John. Fernando Sernan ang lalaki at ang kapatid nito ay Fanny naman ang pangalan.
"It was too obvious that we missed it," bulong ni John.
"Kung hindi ko napansin ang mukha niya noong nagkabanggaan kami ay hindi ko maiisip na prostethics at makeup pala ang nagtatago sa kanya. Noong magtaka ako ay sinundan na namin siya at saka minanmanan."
"Ano naman itong mga iba pang video at may news clippings pa?"
Dahil sa sobrang excitement na nakita na nila si Janessa ay hindi kaagad naintindihan ni John ang relevance ng video at ng iba pang litrato. Then, it suddenly hit him.
"Wait. Is this what I think it is?" Nilukuban ng kaba si John at napakapit sa gilid ng lamesa ang isang kamay habang ang isa naman ay napadiin ang kapit sa mouse ng computer.
"She worked for N.O. Realties na subsidiary ng Valle Realties. Naalala ninyo noong huling punta ninyo ng Pilipinas ay ipipilit ng mga magulang ninyo na makipagsosyo sa mga Valle para mas lumaki pa ang market sa ibang bansa?"
Naalala ni John na naging malaking debate sa kanilang mag-anak ang suhestiyon ng mga Foul na makipag-arranged marriage sa mga Valle para maging mas final at binding ang planong merger.
"Yes and I disagreed right away. Anong nangyari bakit---"
"Apparently, iba ang nakarating kay Ma'am Janessa. Ito ang resulta---"
Napapikit si John at napaupo sa swivel chair niya.
"Paano ninyo nasiguro na siya ang may gawa ng lahat?" He doesn't want to believe it.
"Si Daryl ang nagsabi sa 'min. Dahil nasukol namin siya sa pagtulong niya na magtago si Ma'am Janessa, nagbigay siya ng impormasyon. Alam niyang kasama sa kasunduan ninyo na magsasabi sila kapag magpakita at magpatulong muli si Ma'am Janessa sa kanila."
"She wanted to ruin me so much na pati ang hindi naman dapat ay nadamay?"
Hindi sumagot ang kausap tanda marahil ng respeto. Ano rin nga ba ang masasabi nito kung hindi manahimik na lang.
"She exposed Venice Valle's true identity. Ang dalawang nasa larawan na magkasintahan ay si Oswald Navarro at Fiona o ang heredera ng mga Valle na si Venice. Siya rin ang naitsismis na papakasalan mo."
"Pero---" nanlamig pang lalo si John nang makita ang iba't-ibang balita tungkol sa dalawa.
May naglabas ng artikulo tungkol sa pagiging heredera ni Venice Valle at ang pagkuha niya kay Oswald bilang manager trainer. Masamang-masama ang imahe ng babae sa article na 'yon. Pinaratangan siyang gumamit ng kapangyarihan at pera para makuha ang lalaking gusto. Ang mga impormasyong iyon ay nakuha lang sa boardroom kung saan may illegally installed na camera at mic na nag-record ng mga paguusap nila maging ng mainit na make out session ng magkasintahan matapos ang meeting.
Hindi pa doon natapos ang eskandalo. Ang lalaki si Oswald ay napagbintangang ginagamit lang si Venice dahil sa pera. Pinapalabas sa ilang article na iyon na ginagamit lang nila ang isa't-isa. Naungkat din ang nakaraan ni Oswald na isang babaero at party animal. Dalawang linggo na halos araw-araw ay may bagong artikulo tungkol sa kanila. The last strike was a sex scandal video na si Oswald naman ang bida. Napatunayan raw na hindi talaga ang lalaking iyon ang nasa video ngunit nadawit pa rin ang pangalan ng dalawa.
"Boss, hindi ba pamilyar lahat ng balita? Iba lang ang tema pero ang atake ay parehas---"
"I know. Uuwi ako ng Pilipinas ngayon din. Find out where this Venice Valle lives. Gagawa tayo ng paraan para maayos ang gulong nangyari at mabawi si Janessa--"
"Sige, Boss. Antayin namin kayo dito. Hindi namin lulubayan ng bantay si Ma'am."
"Salamat."
Napakapit sa ulo at napasabunot ng buhok si John. He knew very well how dangerous and traumatizing those types of articles were dahil pinagdaanan iyon lahat ng babaeng pinakamamahal niya dahil sa katangahan niya. Ilang beses na mas malala lang ang kay Janessa kaysa sa nangyari sa dalawang magkasintahan sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...