26-Gatekeeper

97 8 0
                                    


PAGPASOK ng sasakyan ni John sa condominium parking lot ay napanganga siya sa nakita. Hindi siya maaring magkamali. Kilala niya ang babaeng nakapulang tube top, black leather pants at knee length high heeled boots. Kahit pixie cut ang buhok nito at makapal ang kolorete sa mukha, he knew who she is. Bukod sa kabisado niya pati lakad ni Janessa ay hulmang-hulma ang damit nito sa katawang kilalang kilala niya rin. Palabas si Janessa ng elevator noong nakita niya ito.

"Slow down," utos niya sa driver ng itim na SUV na sumunod naman agad.

"I'll get off for now pero umikot ka pagtawag ko sa'yo at may susundan tayo," dugtong pa niya.

Sinipat ni John kung saan sasakay na kotse ang babae at nang makitang nakasakay na ito ay eksaktong pababa na siya ng sasakyan. He was contemplating how he would approach the car without being obvious dahil baka biglang umalis ito at hindi niya maabutan.

Nakatalikod siya noon at nagiisip kung paano lalapit sa kotse nang bigla itong bumusina. Sigurado si yang hindi iyon sinasadya kaya't iyon ang ginamit niyang excuse para lumingon at dahan-dahang lumapit sa kotse.

He was almost at the car nang mag-ring ang phone niya. Ang security na inatasan niyang magbantay kay Janessa ang nasa kabilang linya.

"Boss, nawala po si Ma'am, hindi namin nakitang lumabas ng kwarto--"

"I'm not sure. My sister is there but yes, sure, I'm coming right up," nilakasan niya ang boses para masigurong maririnig ni Janessa. Pagtalikod niya sa sasakyan ng babae at ilang dipa na ang layo ay bumulong siya sa cellphone, "she's at the parking lot and about to exit the building. Follow her. I'll be joining you in a while."

Pagsakay ni John ng elevator ay naroon pa rin ang kotse ni Janessa. She must be shocked to see him, naisip niya.

He called his driver na agad namang sumagot, "Paglabas ng kotseng asul sa may unang parking slot, ikutan mo ako ulit sa may elevator," bilin ni John habang papasok ng staircase mula sa ground floor. Dahil nasa basement ang parking at hindi niya pwedeng gamitin ulit ang elevator ay naghagdanan na lang siya.

"Boss, nakalabas na po," sagot ng driver niya. Eksaktong palabas na siya noon ng stairwell exit kaya't patakbo siyang nagpunta sa papalapit na sasakyan.

"Follow that car without being noticed," utos niya.

The drive to the bar where she went to was fast kahit na ilang stop light ang nadaanan nila. Siniguro ni John na nakapasok na si Janessa sa loob ng bar bago ito sumunod papasok. He saw her sit at the booth kung nasaan ang bartender.

Naupo si John sa isa sa mga table doon na bakante. Hinubad niya ang itim niyang coat at ipinatong sa upuan sa tabi niya. Eksaktong madilim sa pwesto niya at medyo sulok iyon. He could see her from afar. Maingay sa loob ng bar dahil sa malakas na musika kaya't hindi niya naririnig si Janessa pero nakikita niya kung gaano iyon kabilis uminom ng mga order nitong cocktails.

John saw a man wearing a fitted muscle shirt at hapit na rugged pants na papalapit kay Janessa. Galing ito sa isa sa mga table doon na maraming nakaupo. Mukhang mga college students ang mga lalaki sa table na iyon. Bago pa man tuluyang makalapit ang lalaki sa lamesa ni Janessa ay hinarang na ito ni John. Inilapit niya ang mukha sa tainga ng lalaki. Di hamak na ilang pulgada ang tangkad niya sa lalaking iyon. Baka nga mas matangkad pa si Janessa rito.

"You're approaching the woman wearing the red top?"

"Who the hell are you?" sagot ng lalaki. Nakita niyang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa likuran ni Janessa at kay John.

"I'm her fiance so don't even dream about going near her--"

"What's your proof, old man?!"

Napataas ang isang kilay ni John at kinuha ang cellphone sa bulsa. He pressed a button para makita ang lock screen niya.

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon