24-The Real Deal

123 8 0
                                    



EKSAKTO pa sa mga naiisip ni Janessa ang sumunod na narinig niya mula sa labas ng pintuan.

"Nessa, you remember that time na una kayong nagkakilala ni Kuya?"

"I don't want to remember," sagot ni Janessa kahit na tumatagos na sa ala-ala niya ang mga tagpong iyon.

It was their first day back to University after their semestral vacation.

Naglalakad si Janessa papasok ng campus nang mag-ring ang phone niya. Maraming estudyanteng nag-uusap sa paligid. Kahit malawak ang University ay mukha itong crowded dahil sa sabay-sabay na pagdagsa ng mga estudyante sa Campus Hall kung saan naka-flash ang ilang banners at announcements ng University sa pagsisimula ng semester. Sa ikalawang ring ay kinuha na niya iyon mula sa bulsa ng suot na trench coat at inilagay sa tainga pagkasagot ng tawag.

"Hi there. Nessa here-" sagot niya habang inaayos ang nakasukbit na backpack na dumulas sa balikat niya.

"Friend, I have a favor to ask."

"Kakasimula pa lang ng sem, may ipapagawa ka na kaagad?" pabiro niyang tanong. Malutong na tawa ang narinig niya mula sa kabilang linya.

"No. This is really just a favor. I'm running late right now, actually I'm still here sa Cabin in the woods, you know."

"Kasama mo si Jeremy?" si Jeremy ang Fil-Am long time boyfriend ni Jonna since high school na parang switch ng ilaw. They are on and off almost every other month. Pinakamatagal na hindi sila nag-away ay three months dahil nacommatose si Jeremy noon at during that time lang sila hindi nag-away habang walang malay ang isa sa kanila.

"Yes and no. We had a fight so he left me here kaya I asked my driver to come pick me up kaso wala pa siya so I'm stuck--"

"Nag-away na naman kayo? Parang kahapon lang sabi mo, magpopropose na siya sa'yo hindi ba?" Napabuntonghininga si Janessa. 21 years old na sila ni Jonna at ayon sa kaibigan niya, iyon ang target marrying age niya and Jeremy knew that from the start na nag-date sila during their high school days. She was really expecting that he would propose. Mukhang hindi natuloy. Narinig ni Janessa ang ilang kalabog sa kabilang linya bago muling nagsalita si Jonna.

"Well, that's a different story at ayokong uminit ang ulo ko kaya later na lang natin pagusapan. I'm just so pissed off right now na nalimutan kong may usapan kami ng kapatid ko today, well, specifically, right now."

Napatigil sa paglalakad si Janessa dahil may nakasalubong siyang magka-holding hands at muntikan siyang mamagitan sa dalawang taong iyon. She stopped in her tracks and the pair moved to her left na hindi pa rin nagbitiw ng pagkakahawak kamay.

"Kapatid?" nakakunot ang noong tanong niya. Isa lang ang kapatid ni Jonna at wala iyon sa US. Nasa iba't-ibang bansa iyon at hindi pa niya nakilala kahit isang beses dahil abala sa negosyo. Hindi pa niya nakita ng personal ang kapatid ni Jonna. Sa litrato na nakadisplay sa apartment ni Jonna lang niya iyon nakita.

"Oo, 'di ba ang Kuya ko na nasa London, apparently ay nandito kagabi and he was supposed to pick me up sa Campus like, right now na dahil aalis na siya ulit for another Business trip after lunch pero for sure hindi na ako aabot kahit sa airport. He wanted to see me and he's going to give me something daw kaso nga that stupid Jeremy left me here. I'm stranded!" Isinigaw ni Jonna ang word na stranded kaya't inilayo pa ni Janessa ang phone sa tainga niya.

Napatingin si Janessa sa suot niyang relo at nakitang 10:30 na ng umaga. Alam niya kung nasaan ang Cabin na sinasabi ni Jonna at five hours ang biyahe mula roon papunta ng University nila.

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon