"Janessa, wait!"
She didn't care if people were looking at them. She didn't care if she was running in her high heels with a handsome man on her heels. Sa puntong iyon, ang gusto lang ni Janessa ay ang makalayo sa lalaki at babaeng iyon. It was not the first time it happened pero ngayon pa lang sila nagkita ng harapan muli.
Alam ni Janessa na hindi siya makakatakas nang basta-basta ngunit kailangan pa rin niyang subukan. She was not ready to see him especially his sister.
Eksaktong paglabas niya ng lobby ng hotel ay may kabababa lang ng taxi. Isasara na sana ng lalaking pasahero ang pintuan nang hawiin niya iyon at saka siya sumakay sa loob. She closed and locked the door. Sinipat ni Janessa kung malapit na ang humahabol sa kanya. Patakbo na ito sa taxi na hindi pa rin umaandar.
"Pakilock ang pintuan, please. Sa BGC tayo. Pakibilisan po. Please."
Sumunod naman ang driver dahil siguro sa nakita nitong panic sa mukha ni Janessa at sa paulit-ulit niyang pagsabi ng please. Umabot pa ang lalaki sa pintuan ng taxi ngunit naka-lock na iyon at paalis na ng tapat ng hotel.
"Janessa! Nessa! Shit!" Sinubukan pa nitong habulin ang taxi ngunit bumilis na ang takbo nito at hindi na rin naman niya aabutan kahit anong pilit pa niya.
Humahangos pa rin si Janessa at naghahabol ng hininga sa ginawa niyang pagtakbo. She looked behind and when she could no longer see him, she forced herself to relax. Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone niya. It was her Boss.
She did not answer the call dahil alam naman niyang wala ring patutunguhan. Nang tumigil ang pag-ring ng cellphone ay si Ria naman ang tinawagan niya. Nang sumagot ito ay hindi niya binigyan ng chance na magsalita.
"Ria, anong pangalan ng ka-meeting ko kanina?"
"Ma'am, Mr. Del Prado is here---"
"Anong pangalan ng ka-meeting ko dapat kanina! Answer me! Dalian mo!" Alam niyang hindi niya kailangang sigawan si Ria ngunit hindi niya na makontrol ang emosyon niya. That meeting shook her to the core.
"You were meeting Mr. John Foul. May problema ba Ma'am Nessa? Si Mr. Del Prado---"
Napamura si Janessa nang makumpirma na totoo ang hinala niya. He found her again. Pangapat na trabaho na niya iyon sa loob ng isang taon.
"Tell him I'll be working online from now on until I officially file my resignation. Don't ask any questions. This is just the way it should be. I'll turn off my phone now, Ria. I'll communicate with you via email."
Naka-apat na palit na rin siya ng postpaid cellphone number at ilang bayad na ng 550 pesos para lang mapalitan ito. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya inililista ang totoong home address niya sa mga inaaplayan niyang trabaho. She uses her old friend's Philippine address. Walang tao sa bahay na iyon dahil nasa America ang kaibigan niya at pamilya nito kaya't sakto lang na hindi siya matutunton gamit iyon.
"Ma'am, excuse me po. Saan po sa BGC tayo pupunta?"
"Sa Fort Strip. Salamat po, Manong," sagot niya. Noon lang niya napansin na matanda na pala ang taxi driver. Naalala niya ang kotse niya na nasa hotel pa. She turned her phone on again para bilinan si Ria. Bago niya ma-dial ang number ni Ria ay may unknown number na tumatawag. She knew who owns that number kahit hindi niya pa sagutin. She rejected the call and dialled her secretary's number.
"Ria, please pick up my car at the hotel's valet service. Nadala ko ang claim stub pero gawan mo na lang ng paraan. Pakitaan mo na lang ng documents. I don't know how, just try to claim it and send me an email kapag okay na so I could meet with you to get it. Kapag hindi talaga pwede bukas ko na lang kukuhanin."
"Ma'am, okay lang ba ka--"
"Pasensiya na, Ria. Thank you." She turned off the phone immediately dahil sa takot na may makalusot pang tawag.
She didn't want to be rude but the circumstances was forcing her to be one. Kung sana kaya niyang ipaliwanag sa iba kung bakit siya nagkakaganoon dahil lang sa impromptu meeting na iyon ay ginawa na niya, ngunit kailanman ay hindi niya kaya.
She was silent all the way to BGC. Nang matanaw niya ang lugar kung saan siya nagpahatid sa taxi driver ay nakahinga-hinga na siya ng maluwag. She knew it was far enough.
Paghinto ng taxi ay nakaready na ang pambayad ni Janessa. Wala pang 300 ang babayaran niya na nakalagay sa metro pero buong 500 pesos ang iniabot niya sa driver.
"Ma'am, pahintay lang po sa sukli--"
"Hindi na po. Sa inyo na po 'yan. Salamat," sabi niya na may ngiti sa labi. Tumango ang matandang lalaki at sumagot din ng ngiti.
"Salamat din. Sana kung ano man ang problema mo ay maayos din," mahina man ang pagkakasabi nito ay naramdaman ni Janessa na sinsenro naman ang matanda nang sabihin iyon.
Bumaba si Janessa ng taxi bitbit ang mga gamit. Sa isang bookstore sa lugar na iyon ang punta niya. It was not her first time to go there kaya't kilala na siya ng staff nang pumasok siya sa loob. Ngumiti ito sa kanya at bumati.
"Good afternoon, ma'am. We have newly released books delivered today."
"Thanks. I'm just here to look. Can I use the table at the back?"
"Of course, ma'am. You're very welcome."
Tumango at ngumiti si Janessa.
Ang bookstore na iyon ay may reading area kaya't doon siya madalas magpunta. Marami na rin siyang nabiling libro mula roon. Non fiction and business books mostly ang binabasa niya. Kung fiction naman ay suspense thriller at crime series ang interest niya. Lahat ng klase ng libro ay interesting para sa kanya maliban ang isang genre, romance.
Pagdating sa lamesa ay ipinatong ang mga gamit sa ibabaw noon, hinila ang upuan, naupo at saka inilabas niya kaagad ang laptop mula sa bag nito. She opened a saved document from her cloud drive, ang kanyang resignation letter na pang-apat na beses na niyang gagamitin simula nang bumalik siya ng Pilipinas.
Pinalitan lang niya ng addressee at date at saka isinend sa kanyang boss na naka blind carbon copy ang kanyang sekretarya.
Nakalagay doon sa resignation letter na may isang linggo lang siya to tie up any loose ends of her work. Alam ni Janessa na kaya niya iyon gawin ng isang linggo lang dahil sa mga pinanggalingan niyang trabaho ay ganoon ang ginawa niya.
She closed her lapto at tinutop ng dalawang kamay ang mukha, nakapatong ang magkabilang siko sa lamesa.
She knew she couldn't go on living like that. Tuwing mahahanap siya ay tatakas siya at lilipat ng trabaho. It was starting to feel exhausting for Janessa. The first three times na muntikan siyang mahuli ng pinagtataguan niya ay nakaiwas siya bago sila magharap. She was able to see the person before their meeting started ngunit sa kaso sa araw na iyon ay wala siyang change para makapaghanda. Dahil sa nangyari sa sementeryo at sa coffee shop ay hindi niya naisip na posibleng ang lalaking iyon pala ang kameeting niya. She was foolish to even think that he was just there to wait for her at her parents' grave.
Sinabunutan ni Janessa ang sarili dahil sa katangahan at saka napabuntunghininga ng malalim. Gusto niya na sanang iuntog ang sarili sa lamesa nang may kumapit sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...