38-Step One

71 10 0
                                    




PASADO ALAS-KWATRO nang hapon nang muling magising si Janessa. Hindi niya nalabanan ang antok. Hindi niya alam kung sinong naunang nakatulog sa kanila ni John. She looked at him. Nakapikit pa rin ito at steady ang paghinga. Dahan-dahang bumangon si Janessa. Kinuha niya ang thermometer at tiningnan muna niya ulit ang temperatura ng lalaki. 37.5 na ito. She sighed in relief. Mukhang stable na at pawala na ang lagnat ni John. Napatitig siya muli sa mukha ng lalaki. Nakakunot ng bahagya ang noo nito. Napangiti siya at saka hinaplos ang noo ni John para maalis ang pagkakakunot nito. It was effective just like before. Inayos niya ang kumot nito at sinilip ang temperature ng aircon display sa silid. Nang masigurong maayos na ang lahat ay marahan siyang lumabas ng silid.

Bumalik siya ng Master's Bedroom at dumiretso sa banyo para maligo. She sighed when she realized na simula nang maligo siya noong hapon at matuklasan na nilalagnat si John ay ngayon pa lang talaga siya nakapag-relax. She was awake the whole night hanggang madaling araw sa pagmonitor ng lagnat ni John. Umaga na siya nakatulog kaya siguro antok na antok siya. Hindi na rin tama ang oras ng kain nilang dalawa dahil isang beses lang sila nakakain sa dalawang araw na iyon. Kailangan nilang kumain ng dinner para lumakas ang pasyente niya. She smiled as she lathered her body with her favorite body wash. Lahat ng gusto ni Janessa ay naincorporate sa banyo na iyon pati ang mga gamit. She felt pleased that he remembered every detail. She felt happy and excited to spend every day in that bathroom and in that house. Natigilan siya sa pagkuskos ng katawan nang marealize niya kung papunta saan ang takbo ng isip niya.

"No, Nessa. This is not your house. Hindi ka rito titira. Hindi ka rito titira, Janessa."

Inulit niya ang mga kataga na iyon ng tatlong beses. She wanted to convince herself. Sa ilang beses niyang pag-ulit ng mga salitang iyon ay pabigat ng pabigat ang pakiramdam niya hanggang sa naramdaman na lang niyang tumutulo ang mga luha at humihikbi na siya sa pag-iyak. She was in that state for a few minutes bago siya tumahan at umahon sa shower. Nakatapis ng puting tuwalyang may burda ng pangalan niya, tinungo niya walk in closet. Kumuha ng ternong puting underwear mula sa drawer at nagsuot ng loose t-shirt na itim at leggings na itim din mula sa shelf ng mga damit. Amoy hangin ng America ang damit na suot niya. Malamang ay uwi pa iyon ni John galing ng US. Matapos niyang magsuklay ay hinanap niya ang bag niya at cellphone na doon daw sa closet na iyon inilagay ni John. Battery empty ang phone niya. Paglabas niya ng kwarto ay naghanap siya ng charger. Kung lahat ng gamit sa kwartong iyon ay nakatune in kay Janessa, naisip niyang may charger din doon ng cellphone brand niya. True to her thinking, sa loob ng drawer ng side table ng kama ay may charger para sa phone niya. Nakaseal pa ang kahon nito. She smiled and opened the box to charge her phone. Naupo siya sa gilid ng kama habang inaantay na mag-on ang cellphone niya.

She checked the time, mag-iisang oras na simula nang bumangon siya. Nang mag-on ang phone ni Janessa ay saka niya nakita ang sampung missed calls mula kay Anika at mga chat sa messenger.

Anika: Have you seen this?!

Are you sure you're letting this happen?

Ito ba ang gusto mo? My God, Janessa! Wedding! Marriage! Sa ibang babae!!!

Call me when you see this message.

Where are you, Nessa? I can't reach you.

Besh, nagpatiwakal ka na ba? Magreply ka!!!

Kasunod ng unang mensahe ang screenshot ng balita tungkol sa wedding ni John Foul kay Venice Valle. May ilang minutong pagitan ang mga mensahe ni Anika sa kaniya. Marahil ay in between trying to call her ang mga mensaheng iyon.

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon