PAGMULAT ng mata ni Janessa ay nasa Master's Bedroom na siya. Hindi niya namalayan kung kailan siya inilipat ni John sa silid noong nakatulog siya sa sofa sa sala. She looked at the clock sa silid. Napabuntonghininga siya nang makitang pasado alas-tres na ng hapon. Ang haba ng itinulog niya ngunit parang mabigat pa rin ang pakiramdam niya. She sneezed and touched her nose na pakiramdam niya ay barado ng sipon. She was about to get up when she felt a throbbing pain on her head. Napakapit siya sa sentido at napapikit. Siya namang paglabas ni John ng banyo at nakita ang nakakunot na noo at nakangiwing labi ni Janessa.
"Are you okay?" bakas ang pag-aalala sa boses ni John palapit kay Janessa.
"My head hurts," bulong niyang sagot kasunod ng isang malakas na paghatsing. Nakapagtakip siya ng bibig gamit ang kamay. She opend her eyes and looked around and saw the box of tissue on the bedside table. Inabot niya iyon at pinahiran ang kamay niya. May nakita rin siyang isophropyl alcohol kayat nag-sanitize siya ng kamay.
"You have a fever. Don't move. Higa ka lang muna." Nang maupo na si John sa gilid ng kama sa tabi ni Janessa ay saka lamang niya napansin ang hawak nitong maliit na basin na may tubig at bimpo. Piniga ni John ang bimpo at saka ipinatong sa noo ni Janessa.
"Sinisipon na nga yata ako."
"I'll get the soup na niluto ko kanina para makainom ka ng gamot para sa lagnat at sipon. Wait here." Ibinaba ni John sa sahig ang basin na may tubig at saka inayos ang comforter ni Janessa. Mas itinaas pa nito sa may baba ng may sakit ang blanket. Sinilip rin niya ang thermostat ng aircon at nang masiguro na nasa 25 degrees celcius ito ay saka lang siya naglakad palabas ng silid.
Hindi na tumutol si Janessa dahil pakiramdam niya ay parang binibiyak sa sakit ang ulo niya. She sighed and wondered why they have to spend time together na alternate pa silang nagkasakit. Pinaparusahan ba siya dahil naisip niyang umalis na ng bahay na iyon noong mawala ang lagnat ni John? She sighed and shook her head na mas lalo pang nagpasakit ng ulo niya.
Ilang sandali pa ay pumasok na muli si John sa silid dala ang tray na may isang baso ng tubig, mangkok na may soup at isang banig ng Paracetamol. Inalis ang bimpo sa noo at inalalayan siyang bumangon.
Hindi na nagmatigas pa si Janessa nang sinubuan siya ni John at inantay na malamnan ang sikmura bago siya pinainom ng gamot.
"Thank you. Hidi ba sumasakit ang mga sugat mo?" bulong ni Nessa nang pahigain at kumutan na siya muli ng kasama.
"Sugat lang 'to. Ikaw nilalagnat. Worry about yourself first, okay. Sleep more para maka-recover ka. Ilalabas ko lang ang mga ito."
She watched him leave the room bitbit ang pinagkainan at pinaginuman ni Janessa. Wala siyang lakas para tumutol kaya't pumikit na siya at sinubukang matulog. Kahit mabigat ang pakiramdam niya, hindi niya maiwasang maisip kung paano siya aalis sa bahay na iyon. Everything felt overwhelming for her. She acted based on her feelings. Her body betrayed her. Ngayon ay nagtatalo ang puso at isip niya. She needed time to think lalo na at nakatakda na ang kasal ni John sa ibang babae. Hindi nila napaguusapan kung anong mangyayari sa kasal nito kay Venice Valle. Deep inside, she was worried. Kahit sinasabi ng puso at katawan ni Janessa na siya ang mahal ni John, iba ang idinidikta ng isip nito. Kung siya ang mahal ni John, bakit sa iba pa rin ito magpapakasal?
She sighed and massaged her forehead. Ipinagdasal na sana ay tumigil na ang pagkirot ng ulo niya.
"Give yourself one more day. Pagdating ni Anika, you have to decide what to do, whether you want to or not," bulong niya sa sarili. She needed to hear those words para mas convincing.
Pagpasok muli ni John ng silid ay nagpanggap siyang natutulog. She felt him climb on the bed and laid down beside her. She felt him gently pulling her close, her back on his chest. Hinaplos nito ang buhok niya.
"Let me take care of you the way I should have done in the past."
With his assurance and with his body pressed to her, she finally drifted to sleep.
****
WHEN JANESSA felt better the following day ay nagpahatid na siya sa Condo Unit. Idinahilan niya ang pag-uwi ni Anika. Pumayag si John dahil marahil magkapitbahay lang ang unit nilang dalawa. Ang hindi alam ng lalaki ay hindi natuloy ang flight ni Anika papunta ng Pilipinas. Nagkaroon ng emergency apendectomy ang kaibigan nilang si Pancho kaya't hindi nakalipad si Anika para damayan si Janessa.
"I'll see you tomorrow. Magpahinga ka pa ha baka ka mabinat." Yumakap at humalik pa si John kay Janessa bago niya tuluyang isinara ang pintuan ng condo unit.
Pagsandal niya ng likuran ng pintuan ay napaisip siya kung saan siya pwedeng magtago habang nag-iisip ng sunod na gagawin. She needed time alone. Alam niyang marami na siyang oras na nasayang dahil sa galit sa puso niya ngunit dahil sa mga kaganapan nitong mga nakalipas na araw, she needed time to think without John's presence. Masyadong distracting ang presensiya ng lalaki. Hindi pa rin ito nagbigay ng assurance na hindi na matutuloy an kasal nila ni Venice Valle. It was as if he was letting her think that one of them was his spare. Kapag hindi uubra si Janessa ay babaling ito kay Venice at vice versa.
Perfect timing nang mag-ring ang phone niya.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
Storie d'amoreROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...