MARAHANG dumilat ang mga mata ni John. Mabigat ang pakiramdam at parang nanghihina. Napapiikit siya muli nang makitang may nakadantay na maputi at makinis na braso sa may dibdib niya. He remembered his dream vividly. Napakunot ang noo niya at napaisip. Panaginip nga ba iyon? Kung hindi panaginip, isa ba iyong milagro?
Idinilat niya ang isang mata at sinubukang silipin kung may braso pa ring nakapatong sa katawan niya. Napamulagat ng mga mata, napahugot siya ng hininga at sabay pagkagat ng labi. Lumingon pakaliwa at mas nanlaki pa ang mga mata niya. Pagtapos ay pinigilan niyang huminga o kumilos muli. He wanted to freeze that moment as he stared at her sleeping form. Hindi siya nananaginip. He could now feel the arm and leg that was draped over his body. Kahit may comforter na namamagitan sa mga katawan nila, aware na aware na si John sa pakiramdam ng katawan ni Janessa. He slowly released his breath that he was holding and tried to regulate his breathing. Ayaw niyang magising si Janessa. Hindi niya alam kung kailan mauulit ang pagkakataong iyon na magkatabi silang dalawa at nakayakap sa kaniya ang babaeng pinakamamahal niya.
Hindi niya inalis ang pagkakatitig sa babaeng katabi. Her curly long lashes na natural na nakapilantik at mahahaba. Ang ilong niyang matangos at makipot. He wanted to lift his hand and caress her soft and smooth cheeks. He wanted to glide his fingers to her pink inviting lips kaso lang ay nasa loob ng comforter ang dalawang kamay at braso niya. Walang nagbago sa mukha ni Janessa. Ito pa rin ang mukha ng babaeng pinakamamahal niya at gusto niyang makasama habang buhay. If only he could turn back the clock, hindi na niya uulitin ang mga pagkakamali niya. He knew he messed up both their lives at ang buhay ng sanang magiging anak nila. Kahit ilang beses pa magmakaawa at humingi ng tawad si John kay Janessa, alam niyang hindi sapat iyon kaya't gusto niyang pagbayaran ang lahat ng kasalanan niya. Janessa stirred in her sleep. Napangiti si John nang mas sumiksik pa ito sa katawan niya. Ang mukha ni Janessa na nasa unan noong una ay lumapit at sumiksik sa kaniya. Parang nakuryente ang katawan ni John nang dumikit ang labi ni Janessa sa leeg niya. Para ring may sariling buhay ang katawan niyang bumaling pakaliwa upang mas magdikit pa ang katawan nilang dalawa. He hated the comforter between them and he definitely hated the fact na nasa loob din nito ang mga kamay niya kaya't hindi niya mayakap si Janessa. All he could do was stay still and feel her breath on his neck and feel her body pressing on his own. He closed his eyes and tried to steady his breathing. Maya-maya pa ay nakatulog na ulit siya.
SHE loves that smell. Gusto niyang singhutin pa lalo ang amoy na iyon. When her nose and lips touched something warm, she froze. Nang gumalaw at pumihit papunta sa kaniya ang katawan na iyon ay pinigilan ni Janessa na kumilos. His breathing was steady at mukhang tulog naman ito ngunit ayaw makipagsapalaran ni Janessa. Nagbilang siya ng isangdaan sa isip niya. Kung matapos ang pagbibilang niya ay hindi pa rin gumagalaw si John, safe na ngang i-assume na tulog ito. She sighed. She wanted to know what time it is dahil papainumin niya ng gamot ang may sakit. Every four hours ang pang-lagnat at every eight hours naman ang antibiotics. Bago siya natulog ay kapapainom lang niya ng gamot dito. Hindi lang niya alam kung ilang oras na ba siyang nakatulog. Nang pumunta ang doktor na kaibigan ni Jonna ay inaapoy pa rin ng lagnat si John. Kinuhanan ng blood sample at tiningnan din ang sugat. Sabi ng doktor, marahil stressed daw at pagod si John kaya't mababa ang immune system. Antibiotics ang nireseta dahil sa pamamaga ng kamay na na-infect at sa mataas na lagnat. Si Jonna ang nagpabili ng thermometer at gamot ni John sa driver na pinapunta nito para raw hindi na lalabas si Janessa. Kailangan pa rin ng follow up checkup kapag may resulta na ang blood test.
Matapos magbilang ng isangdaan ay dahan-dahang inalis ni Janessa ang pagkakayakap niya kay John. Marahan siyang naupo sa kama. She looked at his sleeping form and sighed. Namumula ang mukha nito. She took the infrared thermometer from the bedside table. Itinapat niya ito sa noo ni John, 38.2 degrees. Nilalagnat pa rin ito. Hindi na kasingtaas ng temperature nito noong madaling araw ngunit may lagnat pa rin. She then looked at the clock sa ibabaw rin ng lamesa. Alas dose na ng tanghali. Pito at kalahating oras na simula nang pinainom niya ng antibiotics ang pasyente niya. Pwede na rin niyang painumin ng Paracetamol. Inabot niya ang cellphone ni John na nakapatong sa side table at nag-dial ng numero.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...