41-Sweetest Dream

78 10 0
                                    


HINDI maalis ang ngiti ni John sa mga labi. He felt like he could conquer the world. Binilisan niyang buksan ang supot ng rasin wheat bread at halos isubo ang buong slice ng tinapay. He was grining while chewing his food. Mukha man siyang tangang nakangiti habang ngumunguya at papikit pikit pa ay wala siyang pakialam. Nakadalawang slice siya ng tinapay bago niya inabot ang gamot at tubig niya sa kabilang side table ng kama. Gaya ng naunang bote ng tubig, inubos din niya iyon matapos niyang isubo at lunukin ang malaking puting antibiotics tablet. When he was done taking his medicine ay saka siya tumayo para mag-banyo marahil sa dami niyang nainom na tubig. He jumped five times paglapat ng paa sa sahig. He needed to distract himself dahil sa naka-attention niyang alaga. When he was satisfied with how it calmed down, saka siya naglakad palabas ng kwarto. Sa bathroom sa common area siya nagpunta dahil nasa loob ng banyo pa rin si Janessa. Ilang minuto lang ay natapos na rin siya at nagpunta sa Dining area para kumha ng isa pang bote ng tubig. He knew he would take another medicine in a few hours at ayaw niyang palabasin pa si Janessa ulit kapag nagkataon. Napansin niya ang cellphone niyang gumagalaw sa ibabaw ng mesa. He saw the caller ID, ang kapatid niya ang tumatawag. He pressed the green button.

"Hello."

"Kuya, I've been calling you since this afternoon."

"Nagpapahinga ako. Bakit ba?"

Narinig niya ang malalim na hugot ng hininga ni Jonna bago ito muling nagsalita.

"Tumawag ang Managing Director mo sa UK. May problema raw sa bagong investment ninyo sa Tech Company doon. He needs you to go there as soon as possible."

Napabuntonghininga si John at napakunot ng noo. Hindi naman kalakihan ang investment na nabanggit pero dahil emerging company iyon ay dapat pa rin niyang asikasuhin, kaso ay hindi niya planong umalis lalo na ngayong nagiging maayos na ang pakikitungo sa kaniya ni Janessa. Tumingin siya sa may daanan papuntang Master's bedroom kung nasaan si Janessa at saka siya bumulong sa cellphone.

"I won't be leaving anytime soon. The soonest siguro after a week or two pero hindi pa rin ako sigurado. I'll send an email later. For now, if someone contacts you, tell them to wait for my advise. I'll be sending out my instructions later."

Gusto na niyang tapusin ang usapan kaso ay ayaw pang bumitiw ni Jonna.

"Bago 'yan ha. You're not panicking because of your business deals. Iba talaga ang epekto ni Janessa sa 'yo."

"Tumigil ka na nga. Ano ba may sasabihin ka pa? Magpadala ka pala ng breakfast ulit bukas. Ikaw na ang bahala. I don't even want to be bothered by ordering food."

"Oo na nakaplano na lahat ng menu ninyo ng real sister in law ko. Teka, mabalik nga tayo, are you sure you're going to issue an instruction via email? Paano ka mag-type hindi ba puro sugat ang kamay mo? Carlos told me about the number of cuts you have at mukhang isang linggo pa bago gumaling 'yang mga 'yan." Natatawang sabi ni Jonna sa kabilang linya. Malamang ay naiimagine nito ang kamay niyang puro benda.

"If there's a will, there's a way. Sige na. Sumasakit ang ulo ko sa'yo."

"I'll just tell them you're busy with your pre-honeymoon with my real sister-in-law-to-be," ipinagdiinan pa ni Jonna ang salitang real.

"Bye." John pressed the end call button because of his annoying sister.

He sighed and checked his phone calls. May isang missed call siyang nakita galing kay Venice. May text message din ito.

Venice: Sorry. Napindot ko lang. I wasn't really calling you. Anyways, thanks for the headline. I guess your solution is indeed effective. Will get in touch if needed.

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon