Jake's POV
Hawak ko sa aking kamay ang huling rosas na ihahagis ko bago sarahan ang pinaglagyan sa walang buhay na niyang katawan....
Kasabay nun ang realisasyon na wala na kaming bukas....wala na ang lahat ng plano na unti unti kong binuo sa aking isipan....Ang mga bagay na pinangarap ko para sa aming dalawa....
Para akong unti unting sinasakal habang nakikita ko na ipinapasok siya sa kanyang huling hantungan....Ang baby ko.....ang babaeng kay tagal kong inalagaan sa puso at isipan ko..Ay iniwan na ako.....
Ngayon pa lang naiisip ko na...pagkatapos nito..paano na ako....Paano ko magagawang ipagpatuloy ang buhay na wala na siya...Kaya ko ba?Alam ko masamang magtanong....Pero bakit sa dinami dami ng pwedeng mawala...bakit siya pa...Bakit kailangan pa na kami yung magkalayo...bakit kailangan na masaktan ako ng ganito.....
Ako...Ako si Jacob Akihiro De la Paz....at ito ang aking kwento....
Bea's POV
Kung tutuusin dapat sa yaman ng pamilya namin dapat masaya ako....Pero paano ako mapapasaya ng materyal na bagay lang....Hindi lang naman yun ang importante e..kase mas matimbang yung atensyon at pagmamahal....
Napakaswerte ko daw ayon sa mga nakakakilala sa akin...Pero lingid sa kaalaman ng lahat na sa likod ng nagkikislapan kong alahas,magagarang gamit at kasuotan ay isang babaeng tanging simpleng atensyon lang ang kailangan..
Noon,hindi ko masyado nararamdaman ang lungkot...kasi anjan pa siya....anjan pa si Ate...para suportahan ako...alagaan ako...pasayahin ako sa oras na nalulungkot ako....Wala.man oras ang magulang namin samin ayos lang kasi anjan naman siya....Pero ngayon...para akong unti unting nanghihina..Kasabay ng pagtulo ng luha ko....ang kaisipan na wala na ang kakampi ko...wala na siya.......Inalis ng mga tauhan ng funeraria ang takip sa pinaglalagyan ni ate....Kaya lumapit ako sa kanya at marahan ko siyang hinalikan sa may noo niya....ang ate ko....na naging sandalan ko sa mga panahon na wala akong makapitan....ay wala nang buhay ngayon.....
Muling bumuhos ang aking luha nung tinakpan na ang ataol niya at binuhat para ipasok sa huli niyang hantungan....Sa tabi ko ang mga magulang namin pero magkalayo sila...Hiwalay kasi sila...Umiiyak din sila tulad ko...Siguro dahil sa nagsisisi sila na ni hindi nila nkasama ang ate ko sa mga huling araw ng buhay niya...
Ginala ko ang aking tingin hanggang sa dumako ang tingin ko sa kanya...He looked miserable just like me....Who wouldnt...Losing my sister changes everything...And i know starting my tommorrow will not be the same...
I am Beanca Sofia Buenavista...and this is my story....
//////////////////////////////////
Bea's POV
Nagising ako dahil sa boses ng nagiisang kakampi ko sa buhay...Napatingin ako sa relo sa bedside table ko at nakita ko na mag aalas syete pa lang ng umaga...
Bea: Ate.....ang aga pa.....
Ate: ay..hindi...babangon ka na..may pasok tayo ngayon...
*sabi ng ate ko...Si Julianna Michelle Buenavista...Sabay kase kami everyday pag napasok sa school...College na kami parehas...Second year na ako...Fine Arts....tapos si Ate naman Graduating na Business Management naman siya...sa totoo lang pinilit lang siya ng Daddy namin na mag Business Management...gusto nya kasi talaga maging Teacher..pero sabi ni Daddy dapat daw business related kasi may negosyo kami...Dapat nga pati course ko pakikialaman niya e..kaso sinabi ni Ate sa Daddy namin na wag na akong hadlangan sa pangarap ko..kasi siya na yung bahala sa negosyo namin...tama na daw na siya na lang ang magsakripisyo ng pangarap niya...Love na love ako niyang si ate kasi...love na love ko naman din siya...
![](https://img.wattpad.com/cover/42896542-288-k436280.jpg)
BINABASA MO ANG
KNA(Re-Published Version)
Fanficso here it is..the RePublished Version of Kaputol na Alaala May mga bagay na hindi natin inaasahan..na hindi natin iniisip na mangyayari...Buong akala natin lahat ayos na...na lahat perfect na..Na umaasa tayo na forever na...pero laging dumarating y...