Jake's POV
Now i know kung bakit ganun na lang ang takot niya...Yun pala yung nagpapaalala sa kanya na once in her life may umiwan sa kanya...
Pero alam nyo...yung pag iwan...para lang siyang pag lubog ng araw...Oo..didilim...mawawala...pero kinabukasan...o sa mga susunod na araw at panahon muli yung babalik...
Gaya ng pag alis ni Tita....dumating naman sa point na bumalik siya....siguro nangyari ang mga nagyari para may matutunan...
Pag dating namin sa bahay sinalubong na kami nina tita...tapos niyaya na nila ako na dun na kumain...hindi na naman ako tumanggi...umakyat muna si Bea tapos nagbihis siya ng damit....Tapos pagkababa niya nagstart na kaming kumain...Pero dahil kumukulog pa din pansin ko na medyo kabado pa din siya...
Siguro pansin din ni tita..kaya inakbayan niya si Bea..
Tita: im here baby...dont be afraid...
*simpleng ngiti lang naman si Bea..tapos kumain na kami...
After eating sinama ako ni tito sa study room niya sa taas..katabi nun ang room ni Bea at Julie..saka yung kwarto nila..
May diniscuss lang si tito about sa business ..then sabay na kaming lumabas...sakto naman na paglabas ko bukas pa yung room ni Bea..kaya inakay ako dun ni Tito...
Akala ko nga gising pa e...pero tulog na pala...nakaupo si tita sa kama niya tapos hinahaplos yung noo niya...
Tito: how is she..?
Tita: ok na...nung pinatugtog niya ang CD na bigay ng ate niya nakatulog na siya...
*dun ko lang napansin na boses pala ni Julie yung naririnig ko...Boses pa lang pampakalma na...
Tito: naawa ako sa anak ko...alam ko mas mahirap para sa kanya ang pagkawala ni Julie...
Hijo sana...lagi mo din siyang alalayan ah...
Jake: opo..
Tita: i know partly its my fault kung bakit siya ganyan pag kumukulog..kasalanan ko...
Tito: dont say that Hon...one day makoconquer din ni Bea yung fear niya...
Tita: sana nga...Jake..thank you for taking care of her...
Jake: wala po yun tita...binilin po sakin ni Julie si Bea....
*napangiti naman sila...tapos tumingin kay Bea na mahimbing na ang tulog...She looked like an angel...habang tulog siya...so beautiful....
After nun nagdecide na akong umalis...matutulog na ako...nakahiga na ako sa kama ko nung napatingin ako sa picture ni Julie sa bedside table ko...
Bigla kong naalala ang laman ng video na iniwan sakin ni Julie...
.....Flashback.......
dinala sakin ni Bea isang araw ang CD na iniwan dw ng ate niya...nasa bahay ako nun...pumunta lang si Bea kasi magkasama sila ni Rina na lalabas...
Kinuha ko agad ang laptop ko at pinanood ang video...nakangiting mukha ni Julie ang bumungad dun...
Video...
Julie: Hello babe....pag napanood mo to...malamang nasa heaven na ko at nakikipagdate sa mga guardian angel sa langit....heheh..Joke lang....
Pero ito seryoso...Gusto kitang pasalamatan sa loob ng mga panahon na magkasma tayo at nagmamahalan..alam mo..hindi ko pa din lubos akalain na magiging tayo...kasi alam ko naman na hindi ako yung nauna jan sa puso mo....
At sa kabila ng pagtanggi mong sabihin kung sino siya...Alam ko kilala ko siya...sana lang hindi ako nagkakamali...
Pero alam ko at ramdam ko naman na Mahal mo din ako...
Pero Babe...alam mo...ngayon pa lang sinasabi ko na sayo...once na wala na ako gusto ko magmahal ka ulit...lakasan mo ang loob mo na hanapin ang one true love mo...Magiging masaya ako pag natagpuan mo ang babaeng magmamay ari ng puso mo sa takdang panahon...
Sana kahit wala na ako hindi mo ako makalimutan...at sana wag mo pababayaan ang kapatid ko..diba alam mo naman na ako lang yung takbuhan niya kaya pag nawala na ako ikaw na ang pumalit sakin para alalayan siya...lalo na pag kumukulog at kumikidlat...kantahan mo siya...kahit sa phone lang...at maramdaman niya na hindi siya nag iisa....na may taong anjan para icomfort siya....Para sakin..sana mapagbigyan mo...
I will always be thankful na naging part ka ng buhay ko....
Mawala man ako.....lagi mong tatandaan..ikaw ang nagiisang lalaki bukod kay Daddy na minahal ko...Hindi man ako ang first love mo...ikaw naman ang first and one and only love ko....i love you Babe...Goodbye for now....
END OF VIDEO...
*nagflying kiss pa siya after nun.....
End of flashback..
Si Julie...mahal ko siya...sobra...Pero alam ko may plano ang Diyos para sa lahat...marahil hindi kami yung nakatakdang magsama habang buhay...Pero masaya na din ako na minsan sa buhay ko dumating ang isang tulad niya...
Siguro tama si Julie. ....isang araw...makikilala at matatagpuan ko din ang totoong babaeng nakatadhanang mahalin ko habang buhay...
To be continued.....
BINABASA MO ANG
KNA(Re-Published Version)
أدب الهواةso here it is..the RePublished Version of Kaputol na Alaala May mga bagay na hindi natin inaasahan..na hindi natin iniisip na mangyayari...Buong akala natin lahat ayos na...na lahat perfect na..Na umaasa tayo na forever na...pero laging dumarating y...