TWENTY TWO

477 19 1
                                        

Bea's POV

Iba pala talaga sa pakiramdam yung masabi mo sa mahal mo na mahal mo siya....tapos alam mo din sa sarili mo na mahal ka niya...

Hindi ko nga akalain na ganito pala kiligin....Lalo na kung halos ulit ulitin na niya yung pagsasabi na mahal ka niya at kung gaano siya kasaya kasi kayo na....

Malapit na kami sa bahay ngayon...at habang nagdadrive si Jake...panay yung pacute niya sakin...Ewan ko ba dito pinapakilig pa ko lalo e kinikilig na nga ako....

Jake: Bea...alam mo sobrang saya ko..

Bea: bakit..

Jake: kasi akin ka na....

Bea: naks naman...ang keso naman...

Jake: ikaw ba masaya ka..?

Bea: oo naman...masaya....

Jake: sasabihin na ba natin kina Tito?

Bea: uhm..wag muna ngayon...hanap tayo ng tyempo.....E ikaw sasabihin mo na ba kina Tita at kay Rina?

Jake: uhm..bahala na...tyempuhan ko din...basta ang mahalaga ngayon...diba you are mine...

Bea: oo naman ...at akin ka na din...

Jake: i love you Bei..

Bea: i love you too....

*just minutes after nakarating na kami sa bahay....Hindi ko na pinababa si Jake kasi medyo gabi na din....nagdinner pa kasi kami bago umuwi.....

Mommy: oh baby anjan ka na pala...

Bea: opo...

*lumapit ako sa kanila ni Daddy na kasalukuyang nag uusap sa may living room namin....kiniss ko sila sa pisngi nila...tapos umupo din muna ako sa isang silya katapat nila.

Daddy: nasan si Jake anak...

Bea: ah..pinauwi ko na po...kasi medyo gabi na din...

Mommy: sabagay...e san ba kayo pumunta

..?

Bea: ah e...kay ate po...tapos kumain kami sa labas....

*kita ko yung tingin ni Mommy....siguro ganun talaga ang mga ina...ramdam nila pag may hindi sinasabi ang anak nila...

Daddy: kumusta naman ang panliligaw niya anak....

Bea: uhm...ok lang naman po..ikaw Dad ha..sinumbong mo pa yung pagpapalipas ko ng gutom...

*napatawa naman si Daddy..

Daddy: e nagbaka sakali lang naman ako na baka makinig ka kay Jake...e nagkataon naman na tama ako diba...kasi oraorada...kumain ka..

Bea: So planado pala talaga un..

*napangiti na lang sila pareho sakin....

Daddy: anak...syempre...ayaw ko lang naman na pabayaan mo ang sarili mo...

Bea: daddy...hindi ko naman po pinababayaan ang sarili ko..pero mangangako ako hindi na ko magskip ng meal....

Daddy: fair enough...pero maiba anak....kumusta naman kayo ni Jake...?wala ka pa bang plano na sagutin siya...

mommy: oo nga anak....ikaw rin baka mainip si Jake...

Bea: haiiii..Ma...Dad...magkano bang binayad sa inyo ni Jake...at talagang gustong gusto niyo siya..

Mommy : anak...kahit hindi niya ako bayaran..gusto ko siya para sayo...alam ko deserve niya yung tiwala na binigay namin sa kanya...

Daddy: oo nga anak ...pero syempre kahit naman gusto namin siya para sayo nasa iyo pa din ang desisyon.....

KNA(Re-Published Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon