Fraud 4 : Ansaya ni Mama!

1K 52 48
                                    

"Jo, andyan ka na pala!! Akala ko nirape ka na nung gwapong manyak na yun!" sabi ni Mike (picture down thurr) nung pagsalubong niya sa akin habang nakapasok na ako sa shop.

At syempre, binatukan ko lang naman siya, "Ulol ka?! Anong rape?!"

"Aray Q _Q syempre babae ka diba? Mukha rin kasi yung adik sa kanto eh.." sabi niya sabay himas sa ulo niya.

Natawa pa tuloy ako, "Gagu, akala nga nung mokong na bakla ako, HAHAHAHAHAHAHAHA!!!!" para akong si Goliath kung maka tawa.

Pero si Mike mukhang di natuwa, "Aba gago yun ah? Pinagakala niyang bakla ka?! Asan na yun at uupakan ko yun!!". Pinatunog niya na yung knuckles niya na parang handa na makipag suntukan, daig pa ang Pacman VS Marquez.

"Ulol! Hayaan mo na!" pumunta ako sa mesa ko at nagsimula na rin akong ayusin ang mga kagamitan ko sa cashier.

Lumapit siya sa akin na naka taas ng kilay, "....Dahil?"

Kilala na talaga ako ng ulol na to, syempre, kaibigan ko na to simula nung 2nd year highschool pa ako eh.

"Dahil mai pakinabang siya sa akin. Akalain mo nagkatrabaho ako ng extra?" natutuwa kong sabi habang nagsusulat ng records.

"At ano naman ang kailangan mong gawin?" sabi niya habang umupo sa tabi ko.

"Magpanggap na gay girlfriend niya sa loob ng limang buwan, baket?" -_- at chismoso rin siya.

"Ano?! Mamaya ibenta ka niya sa sindikato o kaya naman kidnapin ka for ransome!!!" napapanik niyang sabi.

"Anong sindikato?! Tska di na niya ako kailangang kidnapin dahil ubod sa yaman ang gagong yon!!!" sabi ko sa kanya sabay kurot sa gilid niya.

Tinignan niya ako ng seryoso at matalim, "Jo, mag-ingat ka, kahit mayayaman marunong na rin sumali sa sindikato!"

Binatukan ko nanaman siya, "Nasosobrahan ka na sa kakanood ng teleserye! Sige na! Balik sa trabaho! Maya-maya magsasara na tayo!"

Napabuntong hininga nalang siya habang hinihimas ang ulo niya, "Oo na ho, basta ingat ah?"

Tapos bumalik na siya sa pwesto niya.

Ang wirdo talaga ng tae na yun =___= Ansarap iparehab.

Pero sa kaduluduluhan ng kaisipan ko, sinasabi nito na: "Ano ba naman tong pinasukan mo?"

Sinagot ko naman, "Trabaho malamang"

"Abap! Pilosopa! Gulo ang pinasok mo ineng!"

"Hoy! Isip lang kita! Tska anong gulo? Trabaho lang to! Walang masamang mangyayari sa akin!"

"Siguraduhin mo lang yan dahil kung hindi patay ka.."

"Malamang mamatay ako kasi napahamak nga ako diba? Tanga lang?"

"Bastos ka!!! Ikaw kaya ang tanga dyan! Kung ano ano ang pinapasukan mo!"

"Ops, talo ang pikon, tska pwede ba katawan ko to at buhay ko, singit ka lang! Sino ka ba para sabihan ako ng ganyan ah?"

"Ako ang iyong konsensya~~~~"

"Ah... Sorry, wrong timing ka pumasok eh, di kita kailangan ngayon... Tsupe!!"

"Che!! Hinding hindi na ako magpapakita sayo kahit kelan!"

"Magpapakita? O magsasalita? Di kasi kita nakikita ngayon, kinakausap lang kita eh"

"Aaaaaaaaaahhhh!!!!!! Nakakasira ng bait!!! Makalayas nga!"

At umalis na siya!! Hahahahaha!! Akong panalo!! Mwahahahahaha!

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon