Fraud 53 : Aminado

364 11 8
                                    

[] still MIKE'S POV []

[ A/N: Wag kayo magalala, halos POV na ni Caleb ang chapter na 'to ]

Akalain mo ba naman na alam pala ni Johanna yung plano ko? Pero wala lang siyang ginawa kundi sinapok ako ng malakas sa ulo at tinawag na 'ulol'.

Akala ko nga rin nuon nagkagusto siya sa akin pero ang sabi lang naman niya ay, "Wala akong pake sa mga lalake."

Kaya friend zoned lang ako sa huli. Pero ano ba ang magagawa ko? Eh sa mahal ko 'tong baboy na si Johanna eh.

Kaya naman kahit nakapgraduate ako bilang isang engineer pinagpasyahan kong magtrabaho kasama si Johanna dahil gusto ko siyang suportahan.

Ang pinagtatakahan ko lang ay siguro sobrang manhid din tong si Johanna kasi naman nagulat pa siya na anak mayaman ako. Eh dapat alam na niya 'yun nung pinuntahan niya ako doon diba?

'Wag mong sabihin inaakala niyang nakikirenta lang kami ng papa ko doon? Ano ba naman 'yan.

Pero si Johanna kasi ang pinag-uusapan dito eh, kaya malamang 'yun ang iniisip niya.

Pero hindi lang talaga ako makapaniwala nung isang araw na lang ay sinabi niyang magtratrabaho siya bilang isang baklang jowa ng isang mayaman na gunggong.

Alam ko naman na mukhang pera siya eh pero grabe na 'to ah.

At ngayong bumisita pa ako akala mo naman kung umasta yung boss niya ay pagmamayari niya si Johanna!

Eh kung pakainin ko kaya siya ng panis na pancit?!

Tska bakit ba? Eh sa pagkakaalam niya bakla naman si Jo diba? Hindi kaya bakla rin pala 'tong lalakeng 'to?

Ah basta! Hindi ko isusuko si Johanna sa isang tulad niya!

[] MOKONG'S POV []

"O tapos?" naasar kong tanong at tinaasan ko siya ng kilay.

Eh ano nga ba naman kung 'mahal' niya si Jo? Eh mahal ko naman rin si Jo eh!'

Konsensya: Ang pagkakaiba, si Mike kasi sinabi niya, ikaw tumahimik lang. Gets?

Ang sama mo, pero may powent ka.

Konsensya: Aamin ka?

Ano ako gungong?! Ayoko nga baka isipin pa nila na abnormal ako!

Konsensya: Eh sino pa ba ang normal na tao na nagkakagusto sa kapwa lalaki niya?

"Anong 'o tapos' ka diyan? Eh sa mahal ko yang bestfriend ko, may problema ka?" paghahamon niyang tanong. Aba eh kung ihampas ko kaya yang mukha niya sa pader?!

"Pake ko ba? Bakit uulan ba ng baboy kung sinabi mong mahal mo 'tong panget na 'to?" sagot ko naman na pabalang.

Parang napikon siya sa sinabi ko, "Kahit papaano totoo yung nararamdaman ko sa kanya hindi kagaya mo na ginagamait lang siya!"

Napatahimik ako bigla, pota. Eh kung isigaw ko rin kaya sa kanya na mahal ko si Jo?!

"Eh bakit ba? Tapos kung totoo yang lab lab mo, maisasangla ba yan ni Jo sa pawnshop? Hindi naman ah!" pagganti kong sabi.

"Bakit ba ayaw mo ng pakawalan yang si Jo eh tapos naman yung trabaho niya! Hindi ka ba naawa sa lahat ng pinagawa mo sa kanya?" tinaasan nanaman niya ako ng kilay.

Eh kung kumuha kaya ako ng razor dito at ahitin ko yang kilay niya?

Akala naman ng sira na 'to na alam na niya ang lahat!

Akala niya lang wala akong pagmamahal na nararamdaman para kay Jo pero meron! Meron!

Tska bakla din pala 'tong bestfriend ni Jo eh! Nagkakagusto rin sa bakla?! Kainis naman kasi eh.

Pero tama siya...

Kung hindi ko man masabi-sabi kay Jo na mahal ko siya dapat pinaalis ko na siya at binayaran na siya para sa pagtratarbaho niya.

Pero hindi ko kaya...

Ano ba ang gagawin ko? Ano ang isasagot ko sa kumag na 'to?

Tapos may kakaiba akong tunog na narinig... Yung 'pruut'.

Tapos maya-maya nalang bumaho yung paligid.

"Bweset ano 'yun?!" gulat na tanong ni Mike at umatras.

"Leche! Amoy kambing!" napatalon kong sabi.

Tapos lumingon kami ni Mike kay Jo na abalang kumakalikot ng ilong niya. Kadiri naman 'to! Hindi ba siya sinabihan na 'don't pick your nose in public'?!

"O tapos na drama ninyong dalawa? Pasnesya na ah, hindi ko na kasi kinaya, kaya nagrelease nalang ako," nababagot niyang sabi.

Tapos napakamot siya sa batok niya, "Tska ayos rin kayo ah? Kayo ang nagdedesisyon para sa akin," nagsalita bigla si Jo at sumimangot ako sa kanya.

"Jo ambaho!" sigaw ni Mike.

Inirapan siya ni Jo, "Eh may utot ban a mabango? Sige nga.'

"Kahit na! Pwede magwarning ka naman?!" dagdag ko. Naamoy ko parin kaunti yung utut niya. Anak ng, ambaho talaga!

Parang umaapoy yung ilong ko! Mamaya hindi na talaga ako maka-amoy nito eh!

Nung medyo nawala na yung amoy lumingon ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay habang nakasimangot.

"Sinabi mo pala sa kanya na trabaho lang 'to? Eh paano kung malalaman ng iba? Edi walang kwenta lang rin?" nanghihinayan kong tanong. Magdra-drama nalang ako dito.

Tumawa naman siya ng pabiro, "Ahehe, eh bespren ko naman siya eh."

Tapos ngumit siya, "Tska 'wag ka mag-aalala sigurado naman ako na hindi ka na lalapitan ng mga babae kasi akala nila bakla ka, tska ayos naman si papa Charles sa kahit anong gusto mo eh!"

Malakas niya akong hinampas sa balikat ko kaya medyo napahakbang ako ng paabante. Anlakas naman ng baklang 'to!

Mas lalo rin ako suminagot, "Sira ka talaga."

Kumindat siya, "Salamat."

Agad naman akong nandiri at pinagtawanan siya, "Yaaaks! Kadiri mong bakla ka! 'Wag ka nga kumindat-kindat diyan!"

Sinuntok naman niya ako sa tiyan, "Sira! Pinapagaan na nga ang hangen dito kokontrahin mo pa?!"

"Hangin?" nagatataka kong tanong. "Eh utot mo lang naman yung pumapaligid dito ngayon eh!"

Tumawa naman si Mike, "Oo nga, haha may aftershock pa rin!"

Nakitawa rin ako at ngumuso naman si Jo.

Teka karibal ko siya! Dapat sinabi kong 'korni mo pare!'

"Mga sira!" Lumingon si Jo kay Mike, "Tska Mike, ayos lang naman sa akin na manatili ako dito hanggang sa huling araw. Tutal yun naman din yung pangako ko."

Tapos napalingon siya sa gilid, "Tska may importante rin akong dahilan kung bakit gusto kong manatili dito."

Agad namang tumibok ng malakas yung puso ko sa narinig ko. Shet, hindi kaya mahal na rin ako ni Jo?

"Anong rason?!" sabay naming tanong ni Mike. Tinaasan nila akong dalawa ng kilay at lumingon nalang ako kung saan sa hiya.

Ano ba 'yan ni hindi na ako marunong kumalma!

Napabuntong hininga si Jo at umiling, "Simple..."

Mas lalo lumakas yung tibok ng puso ko sa kaba.

"Ang ganda kaya rito! Susulitin ko na rin yung pamamalagi ko dito!" Masaya niyang sabi.

ANAK NG TOKWANG BABOY NI MARIA! 'Yun yung importanteng rason niya?!

Tumawa ng malakas si Mike, "Yun lang naman pala eh!"

Medyo napikon naman din ako, "Tska hindi ka nga pwede umalis hanggang sa huling araw mo."

Lumingon naman si Jo sa 'kin na nagtataka.

"...Dahil may pangatlo pa akong rason kung bakit kita kinuha para magtrabaho sa akin."

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon