Fraud 32 : Mga Sikreto

467 15 3
                                    

"Lime? Aba guma-gwapo ka ngayon ah!"

=_= (Ako)

"Talaga po? Haha, salamat!"

=_= (Mokong AKA Caleb)

Ansaya naman ng tatay nitong si mokong. Akalain mo bang mas may topak pa to kay Spongebob?

Konsensya: Pasintabi lang po sa fans ng Spongebob. No offense po.

Nasa sunod nanaman kami na laro ni Kiev at andito kami ngayon sa malaki nilang 'park' naghihintay. Sus parang gubat na nga to sa laki eh, lintek!

Ang swerte talaga ng mga mayaman na to. Parang walang kaproblema-problema sa buhay. Nakakapikon ah...

"Hoy mokong ano gagawin natin diyan sa tatay mo?" pabulong kong sabi sa kanya. Katabi ko siyang naka upo sa bench habang abala yung tatay niya na nagfri-frisbee kasama si Lime.

Ewan ko ba at basta nakakakita ako ng Frisbee mga aso agad ang naiisip ko = w =.

"Aba eh malay ko! Kaya nga kita kinuha diba? Trabaho mo kaya 'to!" pabulong niyang sabi habang yung mukha mukhang naasar at naiinip sa kakahintay.

"Ah, oo nga noh? Hehe," napatawa ako at napakamot sa batok ko. Asar, anherap naman ng last job ko, psh.

Natadaan ko tuloy yung panahon na nacancel yung laro ni Kiev.

"Wala akong pakealam sa kanya." Yun yung sabi ni mokong.

Ay shet, hanggang ngayon inaalala ko pa yun? Eh syempre naman wala siyang pake diba? Hello, bakla kaya ako sa tingin niya tska trabahante lang naman niya ako diba?

Diba?

DIBA?!

Konsensya: Denial ka nanaman ah!

Che! Anong denial ka diyan ah?!

Konsensya: Ewan ko sayo. Ang manhid mo! Parang kailangan mo pang sampalin para matauhan ka!

Sampal ka diyan! Kahit sampal-sampalin mo pa ako ng ilang beses wala kang makukuha sa aken!

Konsensya: Talaga? Sige nga, sample naman.

"HETO!" sigaw ko at sinampal ko yung sarili ko ng malakas na malakas at nag-echo ang tunog sa buong lugar (Pak~ Pak~ Pak~). Yung sampal na halos pinasabugan ng blush on yung isa kong pinsge habang yung isa tinipid ng blush on sa sobrang putla.

"ARAAAAAAAAAAAYYYYY!!!" Lintek na tokwang pusang baboy! ANSAKET!!!

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon