Fraud 61 : Aayusin ko 'to

327 10 11
                                    

[] Jo's POV []

Agad akong pumunta sa sinabing kwarto nung masungit na receptionist. Akala mo naman maganda eh nagpakulay lang naman siya ng buhok. Feeling foreigner.

Binalewala ko nalang yung bruhang receptionist na 'yun na kamukha na ni Mirabella o Maribella? Ah basta, 'yun siya! Yung maitim na bersyon!

Nung papalapit na ako sa kwarto nung masungit at matapobre na tatay ni linta nakita kong medyo nakabukas kaunti yung pinto. At dahil may lahing ninja ako, patahimik akong pumasok sa suite nila.

Nagtagao ako sa likod nung kitchen counter nila na halos yung itusra eh walang gamit kahit ni isang beses. Tapos dun ko nalang nakita si mokong na kinakausap yung matanda na nagsisigarilyo pa.

Diba non-smoking establishment 'to? Bweset naman, basta mayaman ka kahit pwede na nilang gawin! Kaya naman yung mga mismong dapat nagpapabuti ng ekonomiya siya pa ang sumisira!

Konsensya: Koya Kim istatue?

'Wag kang mais diyan, akala mo naman kung sinong magaling, kahit papaano meron akong lab por my cowntry anoh!

Konsensya: Daming satsat, o siya makinig ka nalang nga at ichismis mo sa akin kung ano ang nangyari.

Diba dapat malaman mo parin kahit hindi kita sabihin dahil konsensya kita, por short nasa utak kita.

Konsensya: Special kasi ako, kailangan ko ng byuti rest anoh!

Bahala ka na nga diyan.

Narinig ko nalang na tumawa ng masama yung matapobreng tatay ni linta at parang inaasar niya pa si Caleb. Anak ng tokwang baboy ni hindi ko marinig yung pinagsasabi nila! Anlayo ba naman kasi ng pwesto ko!

Teka, lip-reading nalang ang gagawin ko. Expert ako nito.

Nakita kong tumayo yung si tatay tapos tinapon niya yung yosi niya dun sa karaha, "I'm single that ales you my doctor yell bee da season of your own prepren's sorry."

(Translation:"I'm saying that unless you marry my daughter you will be the reason of your own boyfriend's misery.")

Ano raw? Single siya tapos pinaalis ni mokong yung doktor niya tapos siisgaw siya ng bubuyog na season ng sarili niyang prepren's patawad?

Konsensya: Re-Regaluhan kita ng cotton buds sa susunod na bertday mo!

Maya-maya nalang napansin ko nalang na may nilabas na baril si mokong.

Anong binabalak niya?! Naisisiraan na ba siya ng bait?

Nakaramdam ako ng kakaibang lamig na dumaloy sa buong katawan ko. Bweset anong gagawin ko?

Nakita ko nalang na itinutok ni mokong yung baril sa ulo nung matapobreng matanda.

Gulat at takot ang makikita sa pagmumukha nung matanda at nairirinig mo ng sumisigaw si Nicole.

"Pagkatiwilaan mo ako"

"I'll fix this problem."

Natatandaan ko yung mga eksatong sinabi ng mokong na 'yun.

Pinagkitiwalaan ko nga siya at malalaman ko nalang na papatay siya ng tao para matapos na 'to?! Sira ulo talaga siya!

"Caleb 'wag!" agad naman akong pumagitna sa baril at sa matanda at nung eksaktong paghila niya ng gatilyo eh maririnig nalang sa buong paligid ang ingay ng pagputok.

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon