Fraud 40 : Ang Mag-Ama

409 17 2
                                    

Pagkatapos nung mala-Chichay kong speech tumakbo ako kaagad sa kwarto ko at dumiretso sa banyo.

Dumiretso ako sa lababo at sinuka ko na lahat ng mga tinatago kong nararamdaman.

Konsensya: Pasintabi nalang po sa mga kumakain. Trip lang po ni Jo na magkunwaring babaeng buntis para tumaas raw ang ratings ng teleserye na ito.

Anong trip ka diyan?! At tska anong teleserye?! 'Wag ka ngang mangarap, ni hindi nga tayo lumampas ng 5k reads eh!

Konsensya: Libre lang naman mangarap diba?

Napakamot nalang ako sa batok ko, "Ay takte! MOUTHWASH NGA PALA!" naghanap-hanap ako ng mouthwash o kahit alchohol pwede na basta anti-bacterial na ipangmumumumog!

Nakakadiri kasi yung pinagdra-drama at pinagsasabi ko kanina eh! Pwede ko namang sabihin na hindi kakayanin ng pride ko na tumikwas ng ganun pero hinde eh!

Iba yung lumabas sa bibig ko! Eww!

And drama ko pa kasi! Whut iz wrong with me? TT _ TT Mamaya baka patungan pa nung tatay ni mokong yung ulo ko ng malaking halaga para lang mahanap ko, dead or alive!

Konsensya: 'Wag kang OA, ngayon humahallywood ka na?

Sabi mo libre lang mangarap eh~ Teka asan na ba yung lintek na mouthwash?!

Nakakita ako ng kulay green na mouthwash duon sa iabbaw ng cabinet at kinuha ito, "...Glisterine? Safe ba 'to? Parang imitation lang eh," nagtataka kong sabi, may kapangalan kasi 'to na brand eh.

Medyo pareho naman rin ang itsura eh.

"Bahala na!" kumuha ako ng isang baso at diretsong naglagay ng maraming mouthwash at minumog ito.

"ANGRRG ANGRRRGHANGRRG!" sa sobrang anghang at tinde nakatulon pa tuloy ako ng konti bago ko idinura ng tuluyan sa lababo, "Letse ang lakas pala nito eh!"

Konsensya: Hayy, ngayon lang talaga ako nakakilala ng ganitong klase ng babae...

[] MOKONG'S POV []

Ilang araw nalang at aalis na yung bakla dito. Bwiset, nakakalungkot naman.

Konsensya: So aminado kang gusto mo si Jo?

Crush lang noh!

Konsensya: Alam mo ba ang pagkakaiba ng crush sa pag-ibig?

Oo, ang crush ay paghanga, yung pag-ibig ginagawang alien yung isang tao.

Konsensya: ...Pero hindi ka humahanga kay Jo at parang mas lalo ka nae-alien ngayon.

Pwede ba hindi pa nga ako sigurado sa nararamdaman ako! Lagi nalang ako nalilito! Dahil sa baklang 'yun kung ano-ano nalang naiisip ko.

Tska lalaki ako! Hindi ko siya pwedeng magustuhan ano!

Konsensya: Alam nating dalawa na niloloko mo lang ang sarili mo Caleb Valdez.

Sari-sariling diskarte nalang pare. Kung pwede nga sasabihin kong 'its complicated' ang magiging relationship ko sa Facebook pero mga kirida lang o homosexual o kaya pedophile ang naglalagay nun.

Konsensya: So hindi ka homosexual?

HINDI!!!

"Huh? Sino 'yon?" may nakita akong lalaki na nakaitim na trench coat at naka kalo ang lumabas mula sa villa ko. Kahina-hinala naman tong tao na 'to.

Hindi kaya chinop-chop na nun yung baklang si Jo?!

Tapos naalala ko nalang bigla kung sino 'yon.

Naramdaman kong uminit yung ulo ko at parang tumataas ata ang pulso ko dahil sa mga naisip ko na posibleng nangyari at mangyayari.

Ano nanaman kaya ang pumasok sa isipan niya?

Pumasok ako kaagad ng walang kakatok-katok sa study room ni papa at pabagsak na isinara yung pinto, "Pa, sino po ang pinaimbestigahan niyo?!" naiirita kong tanong sa papa ko na nakaupo lang at nakatingin sa kawalan.

Yung lalaking kakalabas lang kasi ang isa sa mga P.I ni papa.

Ilang segundo at napansin niya rin ako at tinaasan ako ng kilay, "Why?"

Sinuntok ko ang ibabaw ng lamesa niya kaya nalaglag yung ibang dokumento niya sa sahig, "I saw you're damn PI go out of my villa," sabi ko habang nagkadikit yung mga ngipin ko.

Tumawa naman siya, minsan hindi ko naiintindihan si papa, "You're gay girlfriend, I wanted to know who he really was," sabi niya tapos kumislap yung mga mata niya na parang may nalaman siyang napakainteresante.

"What did you do to Jo?" naiinis ko namang sabi. Ano ba kasi problema niya?! Pati yung bakla pinapakealaman niya pa!

"Nothing, I asked him why he chose you," nababagot na sabi ni papa, "And do you know what he said?"

Bigla namang napahinto sa pagtibok yung puso ko panandalian at napalunok ako sa kaba. Ano kaya sinabi nung panget na bakla na 'yon?

"What?" pabulong kong sabi. Parang hindi ko mahanap yung boses ko habang kumakabog ng malakas yung puso ko. Baka naririnig na rin 'to ni papa.

"That I have nothing to worry about since it's a one-sided relationship," simpleng sagot ni papa.

"...One-sided?" mahina kong tanong.

Hindi kaya alam na ni Jo na may kaunti akong nararamdaman para sa kanya, tapos wala naman siyang gusto sa akin?

Hindi kaya alam na ni papa ang lahat lahat?

"He thinks you don't like him at all, and he thinks you're just doing this in the name of the contract you made with him," mahinang sabi ni papa at napabuntong hininga siya.

"...Ah, trabaho lang 'to para sa amin pa, 'wag ka sana magalit," napakamot ako sa batok ko, "'Wag po sana kayo magalit, pero sa ngayon wala akong planong magkajowa, I have no plans in settling down yet," mahina kong sabi.

Konsensya: SINUNGALING! Aminin mo na kasi nababakla ka na kasi nagugustuhan mo na rin yang si Jo!

Hoy 'wag kang sawsaw! Sabing crush pa lang eh! Pero sa tingin mo? Totoo kaya yung sinabi ni papa na gusto ako ni Jo?

Konsensya: Ayan, umaasa ka! HAH!

Hoy curious lang ako! Bawal bah?

Narinig kong nagbuntong hininga uli si papa, "Ano pa ba ang magagawa ko? Eh yun ang desisyon mo Caleb, rerespetuhin ko 'yun. I just want to see you happy before I die my son."

"Pa 'wag kang OA please? 49 years old ka pa lang, 'wag kang nagmamadali diyan. Tska kung may makakasama man ako panghabang buhay gusto ko yung sigurado na," napakamot naman ako sa batok ko, si papa talaga nasobrahan nanaman ng teleserye.

Tumawa naman siya na parang si Santa Claus, "O siya, siya. It seems to me that you're actually having fun anyway so I'm happy," tumindig siya at inanyaya ako sa isang yakap.

Tinawanan ko naman siya at niyakap siya habang tinatapik niya ang likod ko.

"Nak, a phrase of advice, if you think you're really inlove, never hesitate."

Tumango naman ako, pero ano ba kasi yang lechong pag-ibig na yan?

Konsensya: Ang magamang 'to, daig pa yung mga istorya sa MMK. Itong si Caleb naman mas tanga pa ata sa ipis eh -.- haay.

A/N:

Haha, heeyyer, may nagbabasa pa ba nito na parte ng chapter? XD O siya para masaya susubukan kong paabutin to ng anim-na-pong chapters, SUSUBUKAN XD HAHA, medyo nauubusan ako ng ideya kasi lagi nalang akong nakakulong sa kwarto o kaya naman nanunuod ng anime XD HAHA pasensya na~

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon