"Are you going to punch me in public?" paghahamon ni Kiev.
"Tch," mukhang mas nainis pa ata si mokong, "If you'll provoke me, then you leave me no choice."
"Hoy tama na nga! Wag kayong gumawa ng gulo dito sa publiko!" sinusubukan ko silang awatin habang wala pang nakakapansin. Nakakahiya kaya noh.
Pero parang ang gulo parin. Ayy, mga lalaki talaga!
Ayst!
"Mokong tara na nga! Baka mamaya mareport ka pa!" pagpipilit ko kay Caleb.
"And in the end you chose to be with him," mai binulong si Kiev na hindi ko narinig.
"Hah?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya at umiling.
"Go home safe you two," sabi niya at tumalikod.
"Di ka sasabay?" tanong ko.
"Nope, Id like to explore the place more! Bukas uli Jo!" tapos naglaho na siya sa dagat ng mga tao.
"O tara na--" pagtingin ko naman kay Caleb eh tumalikod na rin siya papa alis.
Ano to? Hahabulin ko pa?
"Pst! Mokong hintay!" hinabol ko siya.
Buong oras hindi niya ako kinausap at naglalakad lang kami.
"Uy, nagsimula lang to lahat nung tinamaan mo ako ng plastic sa ulo tapos tignan mo tayo ngayon," sabi ko. Kalahati pa lang kasi kami papunta ng villa niya.
Napapanis na kasi laway ko eh. So kailangan ko na talaga magsalita.
"Eh bakit ba kasi sumasama ka kahit kanino?" tanong niya. Medyo kalmado na siya ngayon.
"Boring =_=" pasimple kong sagot.
"Ganun ba talaga ako kasamang kasama?"
"Hindi, hindi mo lang kasi ako kinakausap edi syempre mababagot ako," ano kaya problema nito sa utak?
"Mokong malapit lang ang mental hospital dito oh, baka gusto mo pa check up ka muna?" tanong ko sa kanya habang ngumiti ako ng nakakaloko.
"At bakit naman?" tinaasan niya ako ng kilay.
Parang bakla. Ew XD
"Nasisiraan ka na kasi ng bait!"
"Abap! Hoy ikaw panget ka! Baka gusto mo dumaan na rin tayo kay Vicky Belo at ipaayos mo yang mukha mo?" panggaganti niya.
Abap lechon to ah!
"Asus. Magpa EO ka nga! Eh ang ganda ganda ko!" sabi ko naman.
Shetye, 'ganda' ... Di naman siguro halata. Hohoho.
"Vain kang bakla ka!" pagsusumbat niya.
"Nagsalita!" at dinilaan ko siya tapoa kumaripas ako ng takbo.
Hinabol naman niya ako.
Ayos! Balik na kami ni mokong sa dati >xD
Magiging magulo nanaman .___. Haaays.
Mas mabuti na to kaysa sa may kaaway pa ako.
Kakausapin ko nalang rin si Kiev mamaya.
Nung nasa may villa na kami dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod rin si mokong.
"Haha, panget ka Caleb!" pang aasar ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. Mamaya sa kakataaas niyan baka manatili na yang kilay niya sa taas. Hoho.
"Diba basta huli makarating panget?" sabi ko.
"Gawa gawa =_="
"Sus ayaw aminin na panget siya!"
"Hindi naman talaga ah."
"Oh may gash, ang hangen Caleb!! Bumabagyo!" nag akma akong nalilipad ng hangin.
Ngumiti siya ng masama at tinulak ako. Swerte ko nalang na sofa ang basa harapan ko. Edi malambot ang nabagsakan ko :p
"Bully ka talagang mokong ka!" ngumuso ako.
"Pero gwapo naman," ngumiti siya.
"Ew. Yuck. Gross," ano kaya kinakain nito? Hangin?
Konsensya: Ui.. Sila na uli :3
Umeksena ka nanaman?!
Konsensya: Yun nga role ko diba? Hoho. Ui kilala mo yung magandang babae kanina?
Hindi eh. Si Caleb nalang tanungin ko.
"Pst, mokong nakita mo yung magabdang babae? Parang kakilala niya kasi si Kiev tapos parang na bad vibes si Kiev nung nakita niya yung girl," sino nga kaya yung babae?
Tinaas nanaman niya ang kilay niya, makakuha nga ng mighty bond sasunod, "Concern ka ata ah?"
"Syempre kaibigan ko si Kiev. Tska kawawa yung girl, chinapa niya lang eh."
"Ah," napaisip si mokong. Naging seryoso mukha niya. Oi, MEDYO gwapo siya tignan.... Meh, baka nagha-hallucinate lang ako.
Lumingon siya sa akin, "Its better if you ask Kiev, baka kasi may masabi akong dapat pala hindi mo naman malaman."
Ahh.. May point si mokong ah? Por da pirs taym! X) "Tama ka, sige mamaya nalang... Uy pakainin mo na ako Caleb, gutom na akow!"
Kumakalam nanaman ang tyan ko eh =_=
Dumagundong naman ang tawa ni Leb sa villa, daig pa ang kapre ah =_=, "Oh siya, siya, maghahanda na ako ng hapunan!" tapos dumiretso na siya sa kusina.
"Yipeeee! :D"
Kakain nanaman! ^_^
**************************
A/N:
Enjoy these updates :D
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...