Fraud 33 : Edi Wow!

397 13 1
                                    

Maririnig mo ang hampas ng alon at ang pag-ihip ng malamig na hangin sa tabing dagat ng lugar na ito. Sobrang tahimik, pero panandalian lang yung katahimikang ninanamnam ko.

"Hi Jo," tumabi sa akin yung tatay ni mokong habang nakangiti. Ano nanaman kaya ang pinaplano nito?

"Ah, hello po," ngiti ko sa kanya. Syempre kailangan maging mabait ako anoh? Trabaho lang po. Tska may respeto ako sa mga mas nakakatanda sa akin.

"Are you enjoying your stay here?" nakangiti niyang tanong sa akin. Pero ewan ko bah, biglang tumaas ang mga balahibo nung ngumiti siya.

Hinde, "Opo, lalo na po at andito si Caleb," ngumiti ako balik sa kanya. Boom! Hoy Caleb dagdagan mo yang sahod ko! Nagsisinungaling na ako dito!

"Ah..." bigla siyang napaisip at tumingin sa akin, "Jo anong gusto mong regalo? Sabihin mo lang kahit ano, ibibigay ko sa 'yo."

Kumunot naman ang mga kilay ko, "Di ko naman po bertday ah."

Tumawa siya ng mahina, "Regalo ko as papa ni Caleb. Since girlfriend ka niya, parang welcoming gift ko na sa 'yo."

Ahh, sige bah! "'Wag na po, basta't okay lang po sa inyo ang relasyon namin ni Caleb, yun na po ang pinakamagandang regalo na maibibigay niyo," pasimple kong sabi. Ano ba yan? Libre na nga eh.

Konsensya: Eh bakit ka huminde?

Ewan ko rin kung bakit. Parang feel ko lang.

Lumingon ako sa papa ni Caleb na medyo nagulat ata sa sagot ko. Hah? Bakit kaya?

Ah! O nga pala! Hindi ko pa alam anong pangalan niya!

"Ano po ba ang pangalan niyo?" tanong ko sa kanya na medyo nahihiya.

Napatawa naman siya, "Charles Valdez, pero papa Charles nalang ang itawag mo sa akin," tapik niya sa balikat ko.

"Ah, o-okay po, papa Charles," ang awkward sabihin, pramis. Parang nakakadiri na ewan. XD

"Jo! Dad!" napalingon kami at dumating si mokong.

"Anak!" bati ng tatay niya na mas lumaki pa yung ngiti sa mukha niya. Mahal na mahal nga niya siguro si Caleb.

Sumunod naman din dumating sina lemon at Kiev.

"Jo~" tawag ni lemon pero hindi ko siya pinansin kaya umiyak siya na parang bata.

"Oi Kiev, 'wag mo sabihing maglalaro nanaman kayo?" tanong ko.

Nagthumbs up naman si Kiev, "Yeah we are! Its surfing!" tapos may lumabas na mga surf board sa gilid niya na kung saang lupalop nanggaling.

Magic?! O.O

Pagkatapos ng explanation at lahat nagbihis na sina mokong at lemon.

"Ahohoho~" lumingon ako sa gilid ko at nakita kong naka beach shorts si papa Charles at naka topless!

Lumingon ako sa ibang direksyon, yaks, ano ba naman.

Tapos bumalik na sina mokong at lemon. Naka topless din silang dalawa! Yaaak!

"Oh Jo? Nasisilaw ka ba sa abs ko?" pangungutya ni mokong habang nakangiting nakakaloko.

Lumingon ako sa kanya at nakita ang six pack abs niya. Shet, gwapo nga siya... HAH?! "YAAK! LUMAYO KA NGA! ANG PANGET MO!" tinulak ko siya palayo.

"Jo?! Inaway ka ba ng Caleb na to?" lumapit naman si lemon.

"ISA KA PA!" tinulak ko rin siya dahil naka topless rin siya.

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon