Ilang araw na ang lumilipas at nagpatuloy ang laro.
Minsan si Lime nananalo, minsan naman si Caleb.
At sa bawat oras na pagpapanggap ko ang lumilipas ay mas bumubigat ang pasan ko na problema. Pahirap ng pahirap ang pag-amin. Pero kasi, hindi ko pa natatapos ang deal.
Tapos parang, ewan, may mali?
Magulo na kung magulo, kaso hindi ko naman alam ano ang gagawin ko.
"Jo, kain na tayo," tawag sa akin ni Leb na sumilip sa kwarto ko ngayon lang.
Lumingon ako at ngumiti, "Ah, oh sige, bababa na ako."
Tumango nalang siya at umalis na.
Napabuntong hininga ako. Lechong baboy. Eto naman din si Leb, pabait ng pabait. Nakakain siguro to ng kung ano.
Konsensya: Baka nag drugs
Sa tingin mo?
Konsesnya: Ah? BV ka ata?
Di ah...
Konsesnya: Pfffft, wala ka namang gana.... Nahihirapan ka na ba?
Medyo...
Konsensya: hmmm...
Sige bababa na ako, kain muna ako.
Nasisiraan na ata ako ng bait.
Pati sarili ko kinakausap ko na. Tsk tsk.
Pagkababa ko.
*Amoy* *Amoy*
Wuaaaaaaah!!! Shets! Ang bangooooo!!! WAHAHAHAHA!!!
Merong steak! Palabok! Spag! atbp! YIIIIZ!!!
PAGKAEN! PAMBAWI NG LAKASSSSS!!!!
Umupo na ako dahil mukhang ako nalang inaantay ni Leb. Hehe.
Kakain na sana ako ng, "Teka, nakalimutan ko mag pray... Bless us oh Lord and this thy gifts which we are about to recieve from thy bounty thru Chirst our Lord AMEN! CHIBUGAN NA!"
Habang lumalamon ako narinig ko nalang tumawa si Leb ng pagkalakas.
Yung nag echo na talaga sa buong villa ang tawa niya. Adik nga siguro to.
"Bakit ba?" tanong ko, puno ang bunganga ko.
"Wala, cute ka lang kasi," sabi niya at tumignin sa plato niya.
Nabilaokan naman ako sa sinabi niya, "Hoy Leb, aminin mo, nag dru-drugs ka noh?!"
Tinaas niya kilay niya, "Di ah, pag tumawa, adik agad?"
"Ay pilosopo ang lechon."
"Tao ako."
"No comment"
"Bakit ka nagsalita?"
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
PIGILAN NIYO AKO AT BAKA PUGUTAN KO TO NG ULO! ANO BA TO?! NAKIKIPAGLOKOHAN?! ANSARAP NIYANG KULAMIN TAPOS PATAYIN TAPOS BUHAYIN PARA PATAYIN ULI AT ITAPON ANG BANGKAY SA KUNG SAAN NA MARUMI NA LUGAR!
*huff* *huff*
Grrrrrrr..
"Hay, wag nang pikon, sige ka, mas papanget ka niyan!" Pang-aasar niya sa akin.
"Pwe, ang hangin mo rin ah! Bakit gwapo ka?" sagot ko.
"Aba oo, kaya nga marami ang nagkakagusto sa akin eh."
"Ah, nahiya naman ako sayo eh, hala sige, ikaw na."
Napangiti nalang siya at umiling.
Pero kahit ganito kami araw-araw, natutuwa ako.
Hindi ko alam kung bakit. Basta komportable kasama si Leb. Parang yung pakiramdam na kasama ko si kuya. Na kahit nag aaway kami, ayun, BASTA.
Namiss ko na tuloy pamilya ko tska yung si Mike. Tatawagan ko nalang sila mamaya.
Pero sa ngayon. Kakain muna ako! MWAHAHAHAHAHAHA!!!
=============================================================================
A/N:
Pasensya na at ngayon lang po ako nakaupdate :) Babawi ako sa susunod. Sadya lang po na abala ako ngayon.
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...