Fraud 51 : Ang Paghihiganti

364 13 4
                                    

[] MIKE'S POV []

( A/N: Ito ang sobrang major flashback ni Mike, haha, kailangan kasi eh. Para maintindihan niyo naman ang side ni friend ;) Bakit nga ba minahal niya si Jo? Dalawang chapters po ata 'to. )

"O paano ba 'yan tabachoy? Iniwan ka na ng mga minions mo!" ngumiti ng masama yung inaaway kong tomboy na kaklase namin.

Tapos bigla niyang sinundot yung bilbil ko, "Haha! Antaba-taba mo pati bilbil mo sumasayaw ng chacha!" dagdag niyang asar sa akin.

Umiyak naman ako at lumabas ng silid aralan.

"Bwiset yung batang 'yun! Ampanget-panget niya!" sabi ko habang humihikbi.

Maghihiganti ako sa kanya!

[ Pagkahighschool ]

Johanna Marie R. Dela Cruz, patay ka sa akin.

Ilang taon rin ako naghintay sa pagkakataon na 'to, nagpapayat ako at nagpagwapo. At ngayon maghihiganti na ako sa taong pinagtawanan ako nung bata pa ako.

Nagtanong-tanong ako kung ano pangalan niya at kung ano-ano pa.

Konsensya: Stalker ka niya ano?

'Yung tomboy na 'yun is-stalk ko? Ano ako, tungaw? Tska bakit ako papatol sa pangit na 'yun eh ang daming mga babaeng nagkakadaranpa sa akin?

Konsensya: Hangen, ambweset naman. Makakahanap ka rin ng katapat mo!

Ewan ko sa 'yo. Basta sisiguraduhin kong makakaganti ako sa kanya.

Konsensya: At paano mo naman gagawin 'yun?

Tutal hindi naman tomboy yung Johanna na 'yun at ubod naman ako ng gwapo, syempre papaibigin ko 'yun sa akin tapos sasaktan ko siya sa huli. Ganoon ka simple.

Konsensya: Pustahan tayo ikaw masasaktan sa huli.

Hoy kung magkakalablayp man ako, ayoko ng cliché! Gusto ko yung kakaiba at classy!

"Pare, nasa kabilang section yung babaeng hinahanap mo," lumapit sa akin yung kabarkada ko at pinatong niya yung kamay niya sa balikat ko, "Mag-ingat ka, amazones daw 'yun." Babala niya.

Tinawanan ko naman siya at tinapik sa balikat, "Tutumba rin 'yun pag nakita niya ako."

Napasimangot at umiling siya, "Hay, goodluck nalang pare."

Umiling rin ako at ngumisi sa kanya at dumiretso na ako sa kabilang silid aralan. Humanda ka ngayong tomboy ka.

Napaisip tuloy ako, ano kaya istura nun? Baka panget parin, kawawa naman. Maswerte nga siya at kahit papaano pinapansin ko siya.

Habang papunta ako sa kabilang section nakikita kong kinikilig at nagbubulungan yung mga babae pagdaan ko. Yung iba nga kumakaway pa. Napailing nalang ako at ngumiti.

Inayos ko yung buhok ko bago ako tuluyang pumasok, "Excuse me, sino sa inyo sa Johanna?" nung saktong pagtanong ko, may lumipad na eraser sa mukha ko.

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon