PANGWAKAS

498 14 13
                                    

“Sino ako?...Nasaan ako?...” napalingon ako sa puting semento sa harapan ko.

Bakit wala akong maalala?

 

Ambigat ng puso ko… Parang may kinalimutan akong importanteng bagay.

“JOHANNA MARIE R. DELA CRUZ!” napalingon naman ako sa gilid ko, “Baka mahuli ka sa trabaho mo!” narinig kong sigaw ni mama mula sa kusina.

“Ah opo! Papaalis na po ako!” tapos ibinalik ko yung tingin ko sa TV, “Pa, ampanget naman po ng pinapunuod niyo. Eh sa huli, sila parin nung lalaki ang magkakatuluyan eh…” napakamot ako sa batok ko.

Tumawa naman si papa, “Ganyan talaga basta mga teleserye at palabas nak, masyado ng cliché.”

Tapos naging seryoso yung mukha ni papa, “Nak, minsan lang dumarating ang pag-ibig, tandaan mo ‘yan.”

Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti, “O sige po, mauuna na ako pa,” lumingon ako sa may kusina, “Ma! Aalis na po ako!”

“Sige ingat ka anak,” sabi ni papa, “Pasalubungan mo ako ng chicharon ah?” pabulong niyang sabi habang ngumingisi.

“Pa ‘di ba mataas ang kolesterol ninyo?” sumimangot ako kay papa pero tumawa lang siya.

“Minsan minsan lang naman nak.”

Agad namang lumabas si mama na may sabon pa ang kamay, naghuhugas ata siya ng plato, “Ingat Jo, baka marape ka, gumaganda ka pa naman.” Tawa ni mama.

Tinaas ko naman yung kilay ko at umiling, “Si mama talaga. Ma kung meron mang mangra-rape sa akin siguro bulag na!”

Sumimangot si mama, “Nak maganda ka naman talaga eh.” Tapos napatingin siya ng medyo nanghihinayan, “’Wag mong hayaan na sirain ka ng nakaraan.”

Alam na ng pamilya ko ang lahat ng nangyari…

Tumango nalang ako, “O siya ma aalis na po ako at baka nakasimangot na sina Mike pagdating ko doon!” agad akong tumakbo papaalis ng bahay.

Baka sermonan nanaman ako ni mama.

“Johanna! Ayusin mo yang tayo mo!” pahabol na sigaw ni mama.

Grabeh daig niya pa yung nakatira sa bundok!

Nung pagdating ko sa shop namin sumalubong sa akin ang nakasimangot na mukha ni Mike habang nakataas yung kilay niya.

“Pasensya na po,” natatawa kong sabi. Pero nakasimangot parin siya kaya napanguso ako, “Bakit ba?”

“Pangatlong beses mo na ‘tong malate ah! Boss ka pa naman naming lahat!” pagsesermon ni Mike habang nakacross arms siya.

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon