Fraud 34 : Surprisa

399 11 2
                                    

"HAAAAY! It's so frostrating! (frustrating po yan)" tinapon ko ang sarili ko sa malambot at pang mayamang kama. Bumalik ako sa kwarto ko pagkatapos ng almusal. Napagdesiyunan kasi ni papa Charles na magjogging.

Sa totoo nga inimbitahan niya pa ako pero sabi ko pass muna dahil hindi pa naman lumalaki ang bilbil ko eh.

Konsensya: Nagjo-jogging ka lang kapag malaki na yang bilbil mo?!

Oo kaya 'wag kang echos diyan! Tska parang ayaw ko talagang kasama yang si papa Charles. Kinikilabutan ako sa kanya!

Nagring bigla yung cellphone ko. Asar naman, bakit pa kasi nasa banyo yung cellphone!

"Sandali lang!" patuloy pa rin sa pagri-ring yung cellphone ko habang medyo paslowmotion pa akong bumangon. Kung kelan ba naman kasi ako nagre-relax.

Pagkapunta ko sa cr tumigil na yung pagring.

"...Teka saan ko ba nalagay yun?" nag-ikot-ikot ako. Anlaki ba naman kasi ng cr! Daig pa ang isang kwarto!

Nagring nanaman. Sinundan ko yung tunog at napunta ako sa may inidoro.

Konsensya: Yaaks! Paano napunta yan diyan sa loob?!

Sinabi ko bang sa loob?! Andyan lang sa ibabaw ng takip oh!

Konsensya: Ay, sorry haha. Ge sagutin mo na bago pa mag-end call.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ang screen, "Si Mike? Ano nanaman kaya kailangan nito?" natawa ako kaunti tapos sinagot ko yung call.

"Jo, may sasabihin ako sa 'yo, importanteng importante, 'wag ka sanang magulat," sabi ni Mike na medyo nag-aalala. Yung parang maiihi ka sa nerbyos?

"Malamang, kaya ka nga tumawag diba? Tska bakit ako mag-aalala?" tinawanan ko siya pero tahimik lang ang kabilang linya. Ano bang meron? Kinakabahan tuloy ako.

[]PAPA CHARLES' POV[]

"Oh anak, mukhang nauubusan ka na ng stamina ah! Haha!" pangungutya ko sa anak ko na mukhang kinaasar niya at inunahan niya ako.

Tumawa lamang ako. I really find my son amusing.

Mag-iisang oras na habang nagjo-jog kami. Ang plano naming ay libutin ang buong country club at mukhang nakakakalahati na kami.

"Oi anak hintay!" hinabol ko naman siya. Tumatagaktak na ang pawis mula sa mukha niya at ganoon rin sa akin.

Nakasimangot lang siya sa akin na parang bata na kinunan ng kendi. Haha ang kyut.

Okay! Papa Charles' interrogation mode, switch on!

Habang patuloy kami sa ginagawa namin, "Anak, bakit mo napagdesiyunang magkajowa kaagad?" tanong ko habang tumitingin sa kanya.

Tinaasan naman niya ako ng kilay, "Eh sa gusto ko po yung tao eh," pasimple niyang sagot.

"Gusto mo oh dahil sa narinig mo sa lolo mo na plano naming ipakasal ka sa isang babae na hindi mo kakilala?" tanong ko muli. Pero kumunot lang ang mga kilay niya.

Napagusapan lang namin yun ng lolo niya eh. Hindi naman naming plano ituloy yun.

Nagbuntong hininga siya, "Dad, it's not because of that..." huminto siya at tumindig.

Huminto rin ako, "Then what?"

"I really love Jo," seryoso niyang sabi sa akin, pati yung mga mata niya umaapoy ng determination.

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon