Fraud 14 : Tara Laro Tayo!

584 23 8
                                    

// Pagkabukas //

"Pssssssssst!!"

O_- ?

"Psssssssssst!!"

-_O ?

"Joooooooooo!!! Yahuuuu?"

-_-

Hindi ko pinansin yung ingay dahil natutulog ako dito....

*BASAG!*

O__O

Nabasag yung bintana sa gilid ng higaan ko tapos may batong lumusot.

Ano to? Akyat bahay gang?! O baka raid?! Rape?! O ^O

Konsensya: Hoy! Wag ka ngang mangarap dyan! Anong rape?

Pwet mo, inggit ka?

Konsensya: and why would I be? Im gorgeous!

Aba, englesh espeking? Pwe! Wala ka ngang mukha kasi konsensya ka lang diba?

Konsensya: ampfuuuuu !! *poof*

-.- tsk tsk..

"Joooo!! Pssst!! Alam kong gising ka na! Pag di ka tumingin dito itatapun ko na tong hawak ko na upuan diyan!" sabi nung boses na natutuwa.

Teka, parang kilala ko yun ah -.-

Tumindig ako sa kama kahit yung buhok ko parang binagyo, tapos lumapit sa bintana na may malaking butas! O.O

Patay, ako pababayarin ni mokong nito! T ^T

Pagsilip ko sa labas, tumingin ako sa baba kasi nasa pangalawang palapag ako ng villa.

At tama nga ako, ang taong nanggugulo sa akin ay walang iba kundi si Lime na may hawak na upuan na naka angat na, na parang handa na siyang itapon to.

Seryoso nga siya!!

"Hoy Lime!! Anong ginagawa mo dito?! Tska ibaba mo nga yung upuan! Di mo ba nakikita na natutulog ako?!" tinignan ko yung orasan, "aba eh!!! Ala sais pa lang ng umaga eh nanggulo ka na!"

Ngumiti naman siya at binaba ang upuan at niluhod niya ang isang paa niya, yung isa naman naka taas tapos yung nga kamay niya naka posisyon na pataas.

Ano to? Magbabalagtasan siya? -.-

"Oh patawarin mo ako mahal ko, ni hindi ko maidlip ang mga mata ko sa kaka isip ko sayo buong gabi, patawarin mo ang aking panggugulo, aking mithi lamang ay makita ka at ipahayag ang pag-ibig ko para sayo------ auurrrghhhhdfffff!!!" napatindig siya bigla sa gulat dahil sinabuyan siya ng tubig galing sa direksyon ko.

Hindi ako yung bumuhos ah?

Tumingin ako sa gilid ko, si mokong na naka simangot na kahit ang aga aga pa. At may hawak siyang balde na may mga kaunting mga tulo ng tubig pero wala nang laman.

Mukhang napunta to kay Lime ah -_- mehehehehe...

"Ay, may tao pala sa baba" sabi ni mokong na may suot na nakakalokong ngiti.

"Ay wala Leb, isang gwapong anghel lang naman to," sagot ni Lime na may nakakaloko ring ngiti.

"Ah akala ko kasi tae lang, kaya sinabuyan ko ng tubig,"

Napatawa naman ako dun, nakakatawa naman kasi talaga.

Pero tumingin sa akin si mokong ng masama, edi ako tumahimik bigla at tumingin sa gilid.

"Hoy Leb! Mamaya hinaharass mo na yang Jo ko ah? Wag kang ganyan!"

Namula naman ako sa kahihiyan, "Hoy lemon!! Anong harass?! At anong Jo mo? Umalis ka na kaya!"

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon