Next game?
Archery.
Ewan ko na kai Kiev. Ano to Brave ang peg? Andito kami ngayon sa mini park at nakahanda na ang mga targets.
Nauna si Lime.
Nagsigawan lahat ng fans niya.
"Go baby Lime!"
"Wooh! I love you Lime!"
"Go prince!!"
Wow naman =_= hiya naman ako sa kanila. Eh kaung i saksak ko kaya sa mukha nila si Lime? = w=
Unang target.
Shwwwooook!
Natamaan mismo!
Pangalawa..
Tama nanaman!
Last but not the least...
PERFECT!
o_O ang galing ni Lime ah..
Sumunod si mokong aka Caleb..
Nakita ko si Caleb na nakatingin sa akin ng masama at biglang umalis.
"Asan yun papunta?" tanong kop kay Kiev.
"Baka sumuko na!" sagot naman ni Lime.
Ay? Bakit? Ayaw niya ba akong ipaglaban?
Konsensya: HALA? ANO DAW???? IPAGLABAN? XD
O_O -_- O_O hala... Ano tong pinagsasaboi ko? Nasobraan na ata ako ng mga teleserye.. hehe = w=
Tae naman. Pero ang KJ ni Caleb ah =__=
"Dahil umatras si Caleb akin na ang halik mo Joooo!!1" Papatakbo na si Lime papunta sa akin ng biglang may pana na pumagitna sa amin.
MUNTIK NA MATAMAAN SI LIME.
Lumingon ako at nakita ko si Caleb na may dala na mga larawan at naka taas kilay, "Sino nagsabing sumuko na ako?"
Pumunta siya sa shooting area at naglagay ng tig-iisang letrato sa mga target. Nung napagtanto ko mga larawan ito ni..
LIME?! XD
"Hoy lemon! Eto ang mangyayari sayo pag lumapit ka pa sa girlfriend ko!"
Konsensya: Uyyy... Girlpren daw! Haba ng buhok mo te! HAHAHA
Suntok you want?
Konsensya: tatahimik na ho...
Isa isa nyang tinamaan ang mga target AKA mga mukha ni Lime. XD Kawawa naman na bata :D haha.
Tumindig si Kiev at pumalakpak, "At dahil sa threatening and nice pick up line... Caleb wins!"
Tumindig na rin ako at lalakad nang papa alis ng hinawakan ni Kiev kamay ko.
"Dito ka lang Jo..."
"O-oho..."
LUMIPAS ANG 3 ORAS
Nandidirito lang kami ni mokong sa park umiinom ng soda habang nagpapalipas ng oras.
Malapit na mag sunset. Weee.
"....Jo?"
"Bakit?"
Lumingon ako sa kanya pero ngumiti lang siya at umiling.
Ay ano nakain nito? Tae? Para siyang sira. Ahy naku, kahit kelan talaga hindi ko maiintindihan ang mga lalaki.
"Wow... ang ganda!" *U* as in! Kung andito kayo ang ganda ng sunset! Nakakakalma sa kaloooban.
Sinandal ni Leb ang ulo niya sa balikat ko, "Pahinga muna ako."
Ano kaya iniisip nito?
Ako? Aba syempre, ano ba ang hapunan mamaya? = w= hmmm sana masarap. Aba eh dapat lang kasi nanalo si Leb :D hehe.
Sana may dessert din, yung ice cream tska mango float tska cake tska biscuit tska cupcake tska chocolate.. Ah basta! Lahat na ng masarap!
"Ah... sige.."
Kung tutuusin, mabait naman na tao si Caleb, kaso parang abnoy lang. Nakasimangot lagi. Mabigyan nga ng Enervon :D
Pero, bigla akong napaisip.
Hanggang kailan ko pa kaya kayang lokohin siya? Lalo na alam kong ako yung mali.
Konsensya: Ayun naman pala eh!
Ala eh, one to know diba? Keep on readong and wait for the next update ;D
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
Hello! Yellow! SHORT UPDATE muna kasi busy aketch ;* labs you guys!
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...