Ang pangatlong laro . . .
Baking! O_O
Marunong kaya tong dalawang to? -.- baka mamaya sumabog lang yung mga gagawin nila.
Sa mga nagtataka...
Ganito po yun, dahil sinapian ng masamang espiritu si Kiev napagdesisyunan niya na gumawa ng munting palaro para raw pag desisyunan ko kung sino ang gusto ko kina lemon (Lime) at si mokong (Caleb).
Ngayon dahil may pagka sira ulo rin silang dalawa eh pumayag rin.
Habang nagluluto si lemon kanina pa siya tumitingin sa akin at kumikindat at nag fly-flying kiss =___= eeeewww!! Kadiri..
Si mokong naman ubod ng seryoso at panay ang halo niya sa mga sangkap.
Ako? Hehe.. Tumindig ako para maka alis sa sobrang sikip na kusina ng dining hall kaso hinila ako ni Kiev pabalik ng upo sa upuan ko -.-
"And where do you think youre going?" tanong niya sa akin na naka taas ang kilay.
"Ah... Lalabas para sa hangen?" sagot ko.
"Sit" at parang lumamig bigla ang paligid.
"Opo!" umupo ako ng maayos.
Tapos bumalik na ang masayahin niyang mukha. O__O weeeeh.. Nakakatakot na weird.
Konsensya: Sino nga ba pipiliin mo?
Malay? Di ko naman kasi sila type o gusto...
Konsensya: ano ba tingin mo sa kanila?
Isang lemon at unggoy O v OV
Konsensya: haha--
Kaibigan lang noh!! Naloloka lang ako kay Lime kasi parang siyang adik. Ayaw akong tantanan. Lagi nalang sumusunod, papansin, ubod ng cute.... Ah basta!!
Konsensya: eh pano naman ni Leb?
Yun? Wala lang, ako ang kanyang trabahante at siya lang naman ang boss ko. Wala naman akong magagawa diba?
Konsensya: wala ka nga sigurong magagawa pero may pwede kang maramdaman ;)
Alam mo hindi ka nakakatulong! Umalis ka na nga!
Konsensya: yes boss! *poof*
Pero sa kalaunan kailangan ba talaga na may piliin ako? Parang wala kasi tong punto eh....
Habang may sarili akong mundo hindi ko napansin na tapos na pala, "The winner is Leb!!" anunsyo ni Kiev.
Nung tumingin ako, ang ginawa ni Lime eh cupcakes si Leb naman blueberry cheesecake :q
Ansaraaaaaaap~
"Jo!! Say aaaaaaaaah!!" tumingin ako kay Lime.
"Hah-----aaaaawmmfffgghh!" sinubuan niya ako ng cupcake niya at tinaasan ko siya ng kilay habang siya naman tuwang tuwa.
"Oh ano? Masarap ba?" tanong niya habang nakangiti na parang bata. Ang cuuute!
Habang nginunguya ko yung cupcake, aba, masarap nga! ^^ Kaya tumango nalang ako.
"Wew, bahala na hindi panalo, at least nagustuhan mo naman Jo," ngiti niya sa akin. Hindi ba nangangalay ang bunganga nito sa kakangiti?
Namula nalang ako sa kahihiyan, tapos parang lumulundag yung puso ko sa tuwa? Ewan.
"Tara na.." hinablot ako ni mokong papa alis.
"A-Ah? ---- sige, bukas nalang Lime!" kinaway ko yung isang libre kong kamay habang yung isa naman hinihila ni mokong.
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...