Andilim ..
Pero malamig ..
Tska malambot ..
At komportable ..
Binuksan ko ang mga mata ko ng dahan dahan na medyo nanakit, tinignan ko ang paligid ko at mukhang nasa isang kwarto ako.
Merong aircon ( kaso sa kwarto ko electric fan lang ), malinis na punda ( yung akin medyo marumi), tapos may lampshade ( yung akin Philip's light bulb lang), tapos marami pang ka echosan na pang mayaman lang.
So obvious naman na hindi ko to kwarto diba?
Pero syempre hindi pa ako bumangon agad at ninamnam ko pa ang malambot na kama...
"Ansaraaaaap ~" gumulong gulong ako dito sa kama.
Tapos may biglang bumukas ng pinto at ayun dahil sa gulat ko nalaglag ako mula sa malambot na kama papunta sa matigas na kahoy (mukhang Mahogany ata) at nasaktan lang naman ang pwet ko.
"Aray naman, takte" hinimas himas ko yung pwet ko, ansakit eh kainis kasi yung nanggulat!
"Anong ginagawa mo?!" pagalit niyang sabi habang naktingin sa akin ng masama.
Sino siya? Edi syempre ang masungit ko lang naman na mood swinger na wirdo kong boss na si Caleb Valdez, 21 years old na daw, na naka suot ng puting polo na hindi merong tatlong butones na wala sa suksukan nila, parang nagpapakita ng man boobs, ew.
"Gumugulong gulong sa kama, baket?" pasimple kong sagot at tumindig at hinihimas parin ang pwet ko na flat na talaga.
"Ano?! Abnormal ka ba?" taas kilay niyang tanong.
"Pag gumulong gulong sa kama abnormal agad? Di ba pwedeng ignorante muna?" tapos pabulong kong sinabi ang, 'bwiset kang mokong ka'
"Narinig ko yun."
"Ay? Superhearing?"
"Pwet mo!"
"Flat na -.-"
"Tch, maligo ka nalang nga at magayos ang baho mo na! Pagktapos, bumaba ka agad, kailangan nating mag-usap!" seryoso niyang sabi sa akin. Yung tono niya, parang may mahalaga siyang sasabihin...
Di kaya alam na niya na babae ako? O.O
Baka ipapakulong niya ako! Q ^Q uwaaa!!
Wag naman sana!
Konsensya: Ayan! Lagot ka!!
Pwe, singit nanaman? Layas!
Konsensya: Bleeeeh! *poof*
"Anong mabaho?! At tska sige," naiirita kong sagot at umalis na siya at sinara ang pinto.
Inamoy ko kili-kili ko, "Mabango naman ah! May sira ata ilong nun eh!"
Pero teka paano nga kung alam na niya ang sekreto ko? Ano ba yan! Wala pang isang araw nabunyag na kaagad?
Ganito nalang, sigurado namang hinala pa yan kaya pwede ko pang itanggi.
Oo nga, and problema nalang kung papatanggalin niya ako ng pantaas.
Pero pwede ko din sabihin na conservative ako, pwede naman kasi akala niya bakla ako.
Kaso baka kapkapin niya ang harapan ko! Hindi lang ako mabubuking, mababastos pa ako!
Ah basta! Bahala na!
Ang sabi nga nila, 'Kapag hindi mo kaya, tumakbo ka nalang at tumakas!'
Oo sige, yun nalang.
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...