Fraud 62 ( Part 2 ) : Pagkatapos ng Lahat

369 12 8
                                    

Epal Author's SMS:

'WAG NIYO ITONG ISKIP! KAILANGANG BASAHIN PARA MAINTINDIHAN NINYO ANG EPILOGUE XD

~~~~

"Sabing akin na 'yan eh!" inagaw ko mula kay mokong yung hotdog at agad ko itong ipinasok sa bunganga ko. "Bleeh," nilabas ko yung dila ko habang nilalamon ko yung hotdog.

Sumimangot naman siya. "Patay gutom ka talaga!" tapos kinuha naman niya yung itlog sa plato ko at agad itong kinain.

"Aba ganun pala ah," hinablot ko mula sa kanya yung gatas niya at nilaklak ang lahat ng ito.

Pagkatapos naming maglaro ng halos sampung oras sa arcade dinala niya ako sa isang magara na restawrant.

Pero nakakahiya talaga yung nangyari eh...

[ F L A S H B A C K ]

"Pasok na bilis," hinila ako ni mokong papasok tapos may waiter na itinuro kung saan kami dapat umupo.

Aba, nagpareserve pa talaga si mokong ah.

Nung nakaupo na kami agad namang may lumapit na waiter at nagtanong kung ano ang order namin.

Napatingin ako sa menu at napanganga sa mga presyo. Pwede na akong bumili ng sampong sako ng bigas neto!

"Oh ano sa 'yo Jo?" taas kilay na tanong ni mokong.

Napatawa naman ako ng mahina, "Tubig nalang."

Napabuntong hininga naman si mokong, tapos lumingon siya sa waiter, "Just give us some girlled lobster, a sautéed red meat, salad and red wine." Tapos isinara niya yung menu.

Tumango naman yung waiter at kinuha ang mga menu namin.

Nung umalis na yung waiter agad akong lumapit kay mokong paharap, "Huy, anlaki naman yata ng babayaran mo dito, hindi ka kaya mabutasan ng bulsa?" pabulong kong tanong.

Sumimangot lang siya, "...Jo hayaan mo nalang ako, total huli na 'to diba? Tska tandaan mo CEO ako, yung babayaran dito eh kinikita ko na sa limang oras."

Bumalik ako sa upuan ko, "Yabang nito." Tapos ngumuso ako saka nilabas yung earpowns ko.

Habang naghihintay kami nakikinig nalang ako ng 'Byutipul layar' (Beautiful Liar). Maya-maya nafe-feel ko na yung musika kaya parang wala na akong pake sa paligid.

Nakafull volume ako kaya pakiramdam ko na yung buong lugar yung nagpapatugtog.

Pagkatapos ng ilang minuto dumating na yung waiter na dala-dala yung pagkain. Bigla ko nalang naramdaman na gusto kong umutot.

"Ah pwede naman," pabulong kong sabi. Wala namang makakarinig kasi anlakas ng pinapatugtog nila dito.

'Pruuuuut!'

Bigla namang napatingin sa akin si mokong at nanlalaki yung mga mata niya. Tinaas ko naman yung kilay ko.

Napafacepalm siya tapos sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya.

Nung malapit na ako inabot niya yung kamay niya banda sa pisnge ko tapos parang may kinuha siya...

YUNG EARPHONES!

Suot-suot ko nga pala yun!

Nanlaki rin yung mga mata ko at napanganga ako. Agad akong napatingin sa paligid at halos lahat ng tao'y nakatingin sa akin, yung iba naman pinipigilang tumawa. Pati yung waiter pinipigilan niyang tumawa.

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon