Fraud 38 : First Stage, DENIAL

391 12 2
                                    

Ten ten teten~ Ten ten tenen~ Ten ten tenenen teten ten teten~

Maririnig mo nalang yung nakasanayang bridal entry na melody na nilalaro nung nagpi-piano sa simbahan.

Andun si kuya nakangiting naghihintay sa tapat ng altar, ang gara niyang tignan sa barong ni papa, minana pa nga daw yun ni papa sa lolo ng lolo niya eh.

Tapos nakaayos din sa isang direksyon yung buhok ni kuya hindi gaya ng dati na mala-daniel padilla yung buhok na kung saan-saan nakadirekta.

Konsensya: Hindi kaya patayin ka ng mga tagahanga niyang si Padilla?

Di ah, bakit? Wala naman akong ginagawang masama ah~

Uy ayun na si ate Carol!

Nung pumasok na yung bride lahat ng mga mata sa loob ng simbahan ay napunta sa kanya. Suot-suot niya ang sarili niyang dinesenyo na gown na may kaunting trail. Para siyang isang prinsesa!

Maayos na nakatali ang buhok niya at may side curls pa siya. Napakamaaliwalas tignan ng mukha niya at hindi siya gaanong nagmake-up, maganda na rin kasi siya kahit walang make-up.

Nung tumingin ako kay kuya parang maiiyak siya sa ganda ng mapapangasawa niya. Haha, ansarap picturan.

"Pa, iiwan na tayo ni Rens," narinig ko si mama na umiiyak duon sa likuran ko.

"Ma, wag kang OA sino ba ang nagsabi na maga-abroad ang panganay natin? At tska hindi naman pwedeng panghabangbuhay yan nasa bahay," simpleng sagot ni papa habang tinawanan niya ng mahina si mama.

Sinuntok naman ni mama si papa ng mahina at tumingin sila uli sa mga ikakasal.

Umabot na si ate Carol sa altar at nagsimula ng kumanta yung pari, oo kumanta siya. Parang may sinasabi siyang kung ano, yung parang magriritual?

Maya-maya, nagsimula na magpalitan ng pangako sina kuya Rens at ate Carol ng sinundot ako ng katabi ko na si Lin.

"Jo they look perfect don't they?" Mahina at masayang bulong niya sa akin.

Tumango ako, "Oo nga eh."

"You, too, look rather exquisite today Jo," masayang sabi niya.

Konsensya: Exquisite as in unique as in charorot as in panget? Why yes, agree ako kay Lin! HAHA

Inggit ka lang kasi hindi ka bride's maid at hindi ka nakagown gaya ko.

Konsensya: At nakakalimutan mo rin ba na kasama mo dito ngayon sina Kiev at Caleb?

HOMAYGULAYANAKNGBABOY!

Sa sobrang saya ko para kina kuya at ate nakalimutan kong kasama sina mokong at baby Kiev dito!

Bakit ba naman kasi sila nagging 'close friends' nina ate Carol?! Andami namang ibang mayayaman diyan eh!

Konsensya: Andyan lang si Lin sa tabi mo, baby Kiev ka diyan, ang harot!

Che, para crush lang bawal?

Lumingon ako duon kina mokong tapos nakita ko rin siyang tumitingin sa akin. Ilang segundo ang lumipas at nagksalubong yung mga mata namin tapos nagtitigan kami.

Ang gwapo tignan ni mokong sa suot niya na formal attire, tapos nakagel pa ata siya kaya maayos na maayos ang buhok niya.

AY ANO?!

Tapos nakita ko siyang ngumiti ng nakakaloko sa akin at tumingin sa may altar ulit. INAASAR NIYA BA AKO?!

Tumingin nalang ako uli sa altar pero naramdaman kong tumitibok na ng mabilis yung puso ko. Argh, hindi kaya may sakit ako?

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon