Fraud 41 : Ano Daw?

389 13 3
                                    

[] JO'S POV []

"Whoo! Kain pa!" sigaw ni papa Charles habang ngumunguya ng barbeque.

Daig pa ni papa Charles yung mga lalaking tambay at nag-iinuman sa kanto.

Medyo maingay ang paligid pero nakakatuwa naman eh. Andito kami ngayon sa hardin na malapit lang sa villa at nagkakaroon ng maliit na farewell barbeque party para kay papa Charles.

Andito kaming lahat, ako, si mokong, si lemon, si Kiev at syempre nga, ang guest op onor na si papa Charles. Mukha siyang hayop na nakawala sa zoo.

Pero ang totoo, yung pagkain lang naman pinunta ko dito eh. Hindi ko pa rin kasi makalimutan yung pagd-drama ko kanina! So shameful!

Konsensya: Eh bakit ba? Hindi ba totoo?

Totoo ang alin?

Konsesnya: Na may gusto ka kay Caleb.

Wala noh! Bakit naman ako magkakagusto sa unggoy na 'yun? Nakalimutan mo na ba yung pang-aasar niya sa akin nung kasal nina kuya Rens at ate Carol?

Konsensya: Pero nakalimutan mo rin ba na nagwapuhan ka kay Caleb nun? Halos lumuwa na nga yung mga mata mo sa kakatitig mo sa kanya!

Che! Kaasar ka noh, "Basta! Hindi ko siya gusto!" nasabi ko tuloy yung dapat nasa isipan ko lang ng medyo malakas. Yung malakas na parang nakalunok ako ng megaphone?

"Sino Jo?" tanong ni Lime habang napatatingin naman silang lahat sa akin.

Isasagot ko na sana yung palusot ko kaso sumingit si mokong, "Sino pa ba? Edi ikaw," pasimple niyang sabi habang lumaklak ng Couke.

Konsensya: Bakit parang lahat ng produkto dito imitated?

Malay ko ba, baka nagpapaendorse?

"Jo is it true?" nagpuppy dog eyes sa akin si Lime habang ngumunguso.

Sundutin ko kaya tong mga mata niya ng daliri ko? Baka matauhan pa 'to.

"'Wag kang OA, ang ibig kong sabihin, hindi ko gusto si Napoles! Akalain mo ba naman binaboy yung pera natin? Para saan pa yung lahat ng pinagpaguran ko?" sabi ko habang kumain ng balat ng lechon.

Tumawa naman si Kiev, "That woman's such a fake, she pretends she's innocent but she isn't," dagdag niya.

Boom! Sapol! Walangya 'to si Kiev, aakalain kong alam niya na babae ako at pinapatamaan niya ako, pero gaya nga ng sabi ko, abnormal din to gaya nina mokong. Kaya imposibleng malaman niya diba?

Sigurado naman din ako na hindi chismoso tong si papa Charles. Maliban nalang kung matatalo pa nito si Vice Ganda sa kakagroup message at tweet.

Konsensya: Peke? Check! Pretends to be innocent? Check! Johanna Marie Dela Cruz, na sa 'yo na ang lahat~ lalala~

Paconcert ka pa diyan! Che! Tska trabaho lang 'to, walang personalan. Just working, no person person!

Konsensya: Ingles mo panes, paano ka ba nakagraduate ng kolehiyo?

Malay, sinwerte lang ata ako? Tska graduate lang ako ng Marketing noh! Nothing special!

Konsensya: Pahumble ka pang palaka ka, hala sige lamunin mo yang mga pagkain sa harap mo!

Yun nga yung plano ko eh!

"Ano ba naman ka 'yo, kahit pag-usapan natin hindi magbabago na ninakaw niya ang bilyones na halaga ng pera!" sabi ni papa Charles at kumain ng chicharon.

"Oo nga kaya tagay tayo mga pare!" sigaw ni mokong habang inangat yung shot glass niya. Hah? May alak pala kami dito?

Napatawa naman si Kiev at may ibinulong sa akin, "That's just Couke Jo, don't worry. Besides, Caleb hates alcohol." Ah napansin niya pala yung pagkunot ng mga kilay ko.

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon