Fraud 1 : Kasi Hindi Ako OA

1.4K 54 56
                                    

"Hoy Johanna Maria R. Dela Cruz! Ayusin mo nga ang upo mo! kababae mong tao nakabikaka ka!" Sigaw sa 'kin ni mama. Ang aga-aga nagse-sermon nanaman.

"Eh ganito ko gusto umupo ma! Ano ba problema mo dun?" sagot ko habang ngumunguya ng pritong itlog. Lasang sunog, anebeyen. Bakit kasi si kuya ang nagluto eh!

"ARRRRRRRRRRRGGGHHH!!! Makakalbo ako sayong bata ka!!!" Sabi naman ni mama habang parang sinasabunutan niya sarili niya.

Napakamot ako sa batok ko, "Eh ma, 'wag kang magmadali.. uban pa po ang una bago kalbo.. tska wala naman kayong cancer ah? Bakit kayo makakalbo?"

Tumawa sina kuya at papa at tinignan naman sila ni mama na parang leon na handang lapain ang kanyang mga bihag.

Umubo pakunware si papa, "Anak, concerned lang talaga si mama mo sayo.. at anak, babae ka naman talaga. Pero kung manamit ka..." Di na tinuloy ni papa ang sasabihin niya.

Pero gumawa siya ng mukha na parang nandidiri sakin.  Grabe naman to si papa =____=

Tumatawa parin si kuya, "Tomboy kasi yan si Jo dad.." Sabi niya "..At tignan mo nga naman.. naka boy cut ang sira oh" tinuro ako ni kuya habang umiinom ng tubig.

Binatukan ko si kuya "Bakit ba kayo nakekealam?! Buhay ko to, sarili ko to! naman eh! Tska HINDI AKO TOMBOY!"

Mukhang nabilaokan ata siya at umubo-ubo, pero ngumiti siya na parang aso sa akin, "Eh bakit ganyan itsura at kilos mo?"

"DAHIL DI AKO MAARTE! AYAW KO MAHABA BUHOK KO DAHIL MAINIT! AYAW KO MAG SKIRT DAHIL 'DI KOMPORTABLE!  AT HINDI KO HILIG SUMUOT NG SHORTS NA PARA NALANG PANTEH! AT MARAMI PANG IBANG KA ECHOSAN NA AYAW KO!"

Napabuntong hininga silang tatlo.

'Wag niyong i-misunderstand ah? Ganito kami araw-araw. Oo, ARAW-ARAW nila akong pinipilit na mas maging babae.

Pero kung ang ibig sabihin lang naman nun ay magsu-suot ako ng mga make-up at mga  damit na halos makita na ang kaluluwa ko o kaya yung mga shorts na parang panty na ang labas, eh pass nalang ako.

Tska dagdag gastos pa kasi kung iisipin ko pa na kailangan kong magpaganda. Kitang nagtitipid tayo dito eh!

"Sige, didiretso na ako sa shop." Sabi ko at tumindig mula sa lamesa at inilagy sa lababo ang pinagkainan ko. Nagpaalam na ako sa kanila.

"Nak sana makahanap ka na ng boypren! Bahala na panget!" sigaw ni mama noong nasa gate na ako.

Umiling nalang ako. Si mama talaga.

At umalis na ako ng bahay patungong MoA para magtrabaho nanaman. Hindi kasi ako tumatae ng pera eh -_- sayang naman.

[] [] [] [] [] [] [] [] [] []

A/N:

Yung mukha po ni Jo andun oh~ hoho :D

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon