Nabalot ang paligid ng nakakabinging katahimikan...
Naririnig ko nalang yung tunog ng makina at ungol ng aircon sa loob ng kotse. Nakakataas ng balahibo yung lamig.
"Pati pamilya mo idadamay ko..." natatandaan kong sabi nung tatay ni Nicole.
Natakot talaga ako nung sinabi niya 'yun. Ayaw ko naman madamay yung pamilya ko sa kalokohan ko diba? Kung may masama man na mangyayari sana ako nalang.
Napasimangot ako sa sarili. Anong gulo ba 'tong pinasok ko? Simpleng pagkukunwari lang naman 'to eh, tapos naging ganito na?
Napabuntong hininga si Caleb, "Hindi ko na kaya!" napalingon ako kay mokong nung nagsalita siya. Nakasimangot siya habang nakatingin sa harap at nagmamanaeho.
Pagkatapos kasi nung paechos na pagpapakilala at kadramahan eh hinila ako ni mokong papalabas ng ospital.
Nung naging kulay pula yung parang ilaw sa stop light huminto yung kotse tapos agad siyang tumingin sa akin, "Jo, alam mo ba..." medyo namumula na yung mga pisnge niya.
"Ano?" napalingon ako sa kanya habang tinataas ko yung kilay ko.
Konsensya: OH EM GEE! AAMIN NA SIYA JO! AAMIN NA SIYA NA CRASH NA CRASH KA NIYA!
Agad? Hindi ba pwedeng nahihiya lang siyang sabihin na najejebs na siya o kaya nauutot?
"Jo kakaiba na 'tong nararamdaman ko, parang hindi ako mapakali..." nahihiya niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kiliti sa tiyan, "Ah ano ba 'yan?" medyo nauutal kong tanong. Hindi naman ako uminom ng kape pero ninenerbyos ako!
Napatingin siya sa baba at parang hinahanap niya ang mga tamanag salita na gagamitin. Bweset pati ako kinakabahan sa kinikilos niya.
"...Jo," mahina niyang sabi.
"Ano nga, bweset, sabihin mo nalang!" naiinip kong sabi tapos lumingon siya sa kabilang direksyon.
"Kinakabag ata ako, gusto kong umutot," mahina niyang sabi. Nung napansin niyang naging kulay berde na yung stoplight agad naman niyang pinaandar yung kotse.
Bumalik siya sa pagtingin sa harapan niya at nabalot ng katahimikan muli ang loob ng kotse.
Gusto kong magtago sa pinakamalalim na sulok ng mundo...
Ito ang unang beses sa buong buhay ko na gustong ko talagang sumuntok ng isang tao diretso sa mukha niya.
At ito ang unang beses na sobra akong napahiya sa kaloob-looban ko dahil nagassume ako...
Pero ito rin ang unang beses na gusto kong tumawa at sumigaw sa inis sa pagkakataong ito.
Konsensya: Kinakabag?! Ano ba naman 'yan!
"Hoy mokong," agad ko namang sinira yung katahimakan. "Kelan mo pa pinipigilan 'yan?" Nakatingin lang ako sa kalsada.
"...Simula nung dumating yung papa ni Nicole," sagot naman niya.
Yung itsura naming dalawa na nag-uusap ay yung nakaharap lang kaming dalawa sa kalsada. Yung hindi kami nagtitinginan.
Tapos hindi ko na rin napigilang tumawa. "Bweset, HAHAHA, bakit hindi mo nalang ibinuga diretso sa mukha nung matandang yun? Para naman maturn off sa 'yo!"
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...