Epal na Author's Note:
BUAHAHAHA! O sige shabu pa friends! HAHA JOKE, o siya. Paano ba 'yan? Chapter 58 na tayo. Parang ayaw kong tapusin 'to ah? HAHAHA joke, I still have future plans XD CHOSS, o siya...
Mag wild na kayo diyan o table flip dahil ito na talaga! Ito na! BOOM BOOM POW! Patawarin niyo ako medyo nakakabagot 'to. Nauubusan ako ng punch lines >,<
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"Caleb and I are getting married," masayang pagsasaad ni linta habang ngumisi siya.
Tapos parang sinuntok ako ni Manny Pacquiao sa tiyan at agad kong napagtanto yung mga kakaibang kaba at takot na nararamdaman ko nuon. Kaso nung isang beses natatae lang talaga ako nun.
Kinalikot ko yung tenga ko kasi baka may tutuling naiwan, nung pagtingin ko meron nga, "Ansabe mo linta?" pabalang kong sabi at pinitik ko papunta sa kanya yung tutuli.
Tumili siya ng malakas at tumakbo papunta kay mokong pero lumayo naman si mokong at dumikit sa akin. Ano 'to, habulan? Pati ba naman ako dinadamay.
"Ew, you're such a gross person! Bakla ka na nga, madumi ka pa!" tinuro niya yung hintuturo niya sa akin habang nandidiri yung pagtingin niya sa akin.
Napahikab lang ako, "Dinedescribe mo ba ang sarili mo?" tapos ngumisi ako, "Tignan mo nga tatlong daliri ang nakaturo pabalik sa 'yo, sa akin isa lang."
Napakurap naman siya ng ilang sandali saka niya tinignan ang kamay niya at mas nagsalubong yung mga kilay niya. "Pilosopong bakla!" Agad niyang binaaba ang kamay niya.
Tumawa naman si mokong, "Pero totoo naman Nicole eh."
Napatingin naman ako kay mokong at sumimangot ako sa kanya. Tinaasan naman niya ako ng kilay na nagpapahiwatig ng "Bakit?"
"Huy mokong, ano yung pinagsasabi niya na na magpapakasal kayo?" nakasimangot kong sabi.
Sinundot naman ni mokong yung noo ko, "Uy halos didikit na yung mga kilay mo sa isa't-isa haha," mas lalo akong sumimangot at napanguso siya.
Konsensya: Hindi ba dapat heavy drama na 'to? Bakit parang comedy pa rin?
Eh ano ba ang gusto mong mangyari?
Konsensya: Sasabihin mong, 'bakit, at paano mo 'to nagawa sa akin?!' tapos iiyak ka tapos tatalikod si Caleb sa 'yo tapos hihingi siya ng tawad. Tapos tatawa ng masama yang linta na 'yan sa 'yo pero ipaglalaban mo si Caleb tapos---
Huy tumahimik ka nga! Ang OA mo, hindi naman ganyan ang totoong buhay eh!
Sumimangot si mokong at napabuntong hininga, "Magtiwala ka lang sa akin sa ngayon," pabulong niyang sabi. Naramdaman ko na yung hininga niya sa tenga ko.
Ngumisi naman ako ng patago, "May choice pa ba ako boss?"
Lumayo siya at tinaasan ako ng kilay at medyo napanganga siya, "Unang beses mo yata 'yan na tinawag mo akong boss." Mahinang komento niya.
Ngumisi ako, "Dagdag sweldo?"
Inirapan niya ako, "Mangarap ka nalang."
Teka nga, muntik ko ng makalimutan.
Ngumuso ako, "Di ba sabi mo may dagdag ako kasi nagpaextend ka?" ngumisi ako kaagad sa kanya. Anebeyen, parang internet shop lang, HAHAHA.
Ngumisi rin siya kaso nakakaloko yung tingin niya, "Limang piso lang."
"Bweset."
Tumawa naman siya, "Haha, limang libo ho."
Napaisip ako at tinignan ko siya ng medyo mapamelitikoloso, "Pwe, sige na nga kaysa naman sa limang piso."
Tapos narinig ko nalang na umubo ng mahina yung linta. Eh sa hindi namin siya pinapansin. Sipsip kasi, nag-uusap na nga kami ng maayos ni mokong sumingit nanaman siya.
Ngumisi si mokong sa akin at tinaas baba niya yung mga kilay niya, inilagay niya yung isang kamay niya sa gilid ng bunganga niya, yung akmang bubulong, "Alam mo ba Jo siya yung nagpropose sa akin?"
Nakuha ko naman yung gustong ipahiwatig ni mokong, "Talaga? Nakakahiya naman yang babaeng 'yan!" pagulat kong sabi.
"Oo nga eh, sa sobra niyang pagkadesperada niya na makuha ako, siya na ang lumuhod sa harap ko!" dagdag ni mokong habang umiiling.
Sinilip ko si Nicole sa gilid ng mga mata ko at mukhang gumagana naman yung pang-aasar namin sa kanya kasi halos mapunit na yung mga kilay niya mula sa noo niya sa sobrang pagkakataas nito.
Ansarap ng tumawa, antanga niya kasi tignan, HAHAHA. Yung feeling na may dalawang naguusap tapos andyan ka lang nakatindig na parang sira? HAHA, awkward!
Tumingin ako pabalik kay mokong pati siya pinipigilan na niya yung pagtawa niya. Halos lumubo na yung mga pisnge niya at umaalog na rin yung mga balikat niya.
"Grabe, naman yang Nicole na 'yan ni wala ng hiya natira sa katawan niya. Sayang, ang ganda pa naman niya," nakakaloko kong sabi habang ngumingisi ako na parang sira.
Mamaya lalaklak ako ng Zonrox at bleach tapos magkukumpisal ako. Nakasabi pa tuloy ako ng bad words.
Tapos nung nagtinginan kami ni mokong sa isa't-isa hindi na namin napigilang tumawa kaya sumabog na kami. Halos gumulong-gulong na si mokong sa kakatawa. Ako naman halos sumakit na yung mga psinge at panga ko.
Sinapok ko naman si mokong ng mahina sa ulo , "Bweset, haha, tumahimik ka, natutulog si manong oh!" tinuro ko yung manong driver ni mokong.
Ngumsi siya at napakamot sa batok, "Ni hindi nga 'yan natinag sa lakas ng tawa mo eh!"
Sinapok ko siya uli, "Huwaw, nahiya naman ako sa 'yo ni hindi umabot sa unang palapag yang dagundong ng tawa mo eh ano?" natatawa parin ako kaunti.
Inirpan niya ako at ngumisi, "Behave kaya ako."
Umubo pakunware uli si Nicole, "Excuse me, I'm sorry to break your little chit chat but--"
Sumingit naman ako, "Oh em gee, huy mokong 'yan ba yung Nicole na sinasabi mo?!" pakunware kong gulat na tanong.
Nagulat rin si mokong kunware, "Oo Jo! Shet," tumawa siya kaunti, "Andyan ka pala Nicole? Pasensya na hindi kita napansin eh! Akala ko ipis lang."
Napanganga sa inis si Nicole at sasagot sana siya ng bumukas yung pinto.
Nung paglingon ko may nakita akong matandang lalaki, halos kaedad ni papa Charles, na naka business suit at nakakunot yung noo. Andaming problema ata ni tatay ah.
"Hi dad," pasimpleng sabi ni linta habang nakangisi siya.
Ang epal naman niya. Ano kaya kailangan ng taong 'to?
Tumango yung 'dad' niya, "I hate to break your little comedy show but I'd like to tell you Mr. Jo Dela Cruz that Caleb will be marrying my daughter whether he likes it or not."
"Teka ho ah," kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko at inilagay ko sa ilong ko, baka kasi tumulo yung dugo, "Pakiulit nga ho."
Tinaasan naman niya ako ng kilay, "People from the low society really lack proper education. They're just a bunch of stupid people like you."
"Pasintabi lang po, pero baka mas lumala pa yung mga sakit ng mga tao dito. Hindi po kasi kaaya-aya sa pagpapagaling nila yung masangsang ninyong ugali," pabalang kong sagot.
Hinawakan naman ni mokong yung kamay ko, parang sinasabi niyang tumahimik nalang ako.
Tumawa naman na walang kabuhaybuhay yung tatay ni linta, "Caleb will marry Nicole. Kas kung hindi, sisirain ko ang lahat ng source of income mo at lalo na pati sa pamilya mo."i
Doon na ako napatahimik. Pati pamilya ko?
"I never said I won't do my part," sabat naman ni Caleb, seryoso yung tono niya.
Napatingin ako kay mokong pero ayaw niyang tumingin sa akin pabalik.
Ngumisi yung tatay ni linta, "Good." Tapos lumingon siya sa akin na nakangisi na nagsasabing siya ang nagwagi.
Ito ba ang ibig niyang sabihin ni mokong nung sinabi niya na 'Magtiwala ka sa akin'?
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...