Fraud 56 : Ang Aksidente

312 10 10
                                    

[ A/N: 'Wag niyo po sana akong ipahunting at ipakulong sa gagawin ko XD. HAHA, oo nga pala, pinapatay ako ng PHYSICS subject AT teacher ko kaya bihira nalang itong mga finale updates ko. Buahaha, suspense is the best medicine nga raw diba? :D O siya, dahil parang parami ng prami tong pimples ko! MASAYA AKO KASI BUMALIK NA SA DATING FORMAT ANG WATTPAD! YAAY <3 ]

Naaksidente si mokong?

Ni hindi ako makakibo at makasagot kay Kiev. Natulala lang ako sa gulat at maya-maya nalang ay naramdaman kong humina ang mga tuhod ko.

Tapos bigla nalang akong pinalibutan ng kaba at pagkataranta. Agad ko namang inend yung call.

"Mike, hindi ba dala mo yung sasakyan mo?!" natataranta kong tanong sa kanya habang inilagay ko yung cellphone ko sa bulsa ng jeans ko.

Medyo nasira yung mukha ni Mike sa pagtataka at inalalayan niya ako nung muntik na akong matumba. Bakit ba naman kasi ang OA ng katawan ko kung kelan pa ako natataranta!

"Huy teka Jo, ano ba ang nangyari?" kinalog-kalog ako ni Mike habang nakahawak siya sa mga balikat ko. Mamaya, mawala pa sa kinalalagyan yung utak ko nito eh.

Binuksan ko yung bibig ko, "...Naaksidente si Caleb." halos basag pakinggan yung boses ko, yung halos paos na dahil hindi ako nakapagsalita sa loob ng matagal na panahon.

Ambigat ng puso ko. Naaksidente si Caleb at andito lang ako nakatayo at parang tanga na hindi alam ang gagawin ko.

"Ano?! Bakit wala kang sinabi kaagad? Tara!" hinila naman ako kaagad ni Mike at nagmadali siyang pumunta sa ospital. Tinext ni Kiev sa akin kung saan yung ospital at kung ano yung room number.

Hoy Caleb dapat maging maayos ka lang, kung hindi, ipapaletson kita at kukunin ko ang villa mo!

'Wag kang magpla-play dead dahil hindi ka rin aso!

At higit sa lahat kailangang ayos ka lang kasi potapete naman, hindi parin ako sigurado kung yang pesteng lab lab na 'yan na ba talaga 'to. Eh sa malay ko ba kung kinakabag lang pala ako.

Konsensya: Nasa bingit na nga ng kamatayan yung tao nakukuha mo pang magbiro?

Eh sa 'laughter is the medicine' eh! Tska bawal daw ang nega basta't ganito na ang sitwasyon!

Konsensya: Medicine mo mukha mo. Bakit napagaling ba ng mga tawa-tawa na 'yan yung mga may cancer? Yung mga diabetic?!

Bakit nilalaklak ba ang laughter? Tska treatment kaya ang kailangan para gumaling ka kapag ganyan ang mga sakit mo!

Tska sino ba ang nagsabi na nasa bingit na ng kamatayan yung tao ah?! Ano 'to, may super powers ka?

Konsensya: Wow, ayos ka rin pala mataranta eh ano?

"Jo andito na tayo," sabi naman sa akin ni Mike at tumango ako habang napatingin ako sa ospital na nasa harapan ko.

"Mauuna na ako ah?" lumingon ako sa kanya at tumango siya.

"Sige, itext mo lang sa akin ang room number, maghahanap ako kung saan pwedeng magpark," ngumiti siya at pababa na sana ako ng kotse ng hinawakan niya ang kamay ko, "Jo, maging matapang ka."

Sinubukan kong ngumiti at tumango nalang ako. Sa oras na nakababa ako sa kotse, agad akong tumakbo papasok ng ospital para hanapin si mokong.

Habang tumatakbo ako sumilip ako sa cellphone ko at tinignan kung ano yung room number, agad naman akong pumunta sa recptionist.

"Miss, anong floor ba ang room 459?" natataranta kong tanong.

Tinaasan naman niya ako ng kilay, nako kung hindi lang ako nagmamadali baka pinatulan ko na 'to eh.

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon