[] KIEV’S POV []
( A/N: Inglesero kasi si Kiev pero tinagalog ko nalang, kasi baka manosebleed nanaman ako nito kakatingin sa google translate, haha JOWWK)
“Bye Kiev!” sabi nung babaeng kasama ko kanina at kumaway siya sa akin habang nakangiti.
Ngumiti naman rin ako pabalik sa kanya at kinawayan siya. Nagtilian naman ang lahat ng babae sa mini bar at napatawa nalang ako.
Bakit ganon? Medyo nakakatakot ang mga babae, hindi mo malalaman kung ano ang nasa isipan nila. Bigla nalang silang magpapalit ng mood.
Pero iba naman rin si Jo, well biologically, hindi nga naman siya babae. Pero kung babae yang si Jo, ayos na ayos, at baka mas lalo ko pa siyang magustuhan. I like Jo as a person and as a friend.
Sadya kasing nakakatawa siya at interesante. Gusto ko yung pagiging simple niya.
Kaya rin siguro siya pinili ni Caleb para maging syota.
Napatawa tuloy ako ng naisip kong handa maging bakla tong si Caleb para sa taong mahal niya, ang problema nalang ayaw niyang aminin na nagugustuhan na niya si Jo.
Halata naman kasi nung simula na medyo nagisismula pa lang sila, pero nung katagalan, naramdaman kong may ‘something’ na pala.
Kaso nga, manhid yung dalawa eh.
Naglakad lakad ako sa country club para sa sariwang hangin. Magtratrabaho nanaman kasi ako sa susunod na buwan pero hindi na sa Pilipinas.
Napakamot ako sa batok ko, “Siguro dapat sabihan ko na rin sina Caleb as soon as possible.”
Napadaan ako sa lumang practice track para sa mga kasali sa Horseback Riding Team, wala na atang gumagamit nito simula nung napatayo yung bagong track.
Ang pagkakaiba lang naman nung dalawa eh eto, nasa damuhan yung isa nasa semento. Pero kasi nga bago, duon na sila sa sementado nagpra-practice.
Halos lahat na rin ng taong kilala ko masyado nang materialistic maliban kina Caleb at Lime.
“Hya!” lumingon ako kaagad sa pinanggalingan nung boses at narinig ko ang pagungol ng kabayo.
“…Caitlin,” pabulong kong sinabi yung pangalan niya habang tinitignan ko siyang nakangiting nakasakay sa kabayo at naglalaro.
Parang lulukso na ata yung puso ko sa tuwa at kumirot ito kaagad sa sakit. Medyo abnormal nga pero ganon yun eh.
Mahal ko parin siya. Pero masakit parin yung alaala ko sa kanya.
Umiling nalang ako at dumiretso sa villa ko. Sabi nga nila, past is past diba?
Umiinom ako Papsi ng biglang nagring yung cellphone ko, pagtingin ko sa screen, “Si Jo?” ngumiti ako at sinagot yung tawag.
“Kiev! Pwede magtanong?” nag-aalala niyang tanong. Huh, something must be up.
“Sure, what is it?”
“Sino ba si Nicole? Bigla nalang kasi pumasok dito yung bruha at sinabing pancit daw siya ni mokong eh,” medyo naiirita na yung boses niya.
Nicole? Teka, pancit?
“Jo, anong pancit?” tumawa ako ng kaunti.
“Ah hehe, piyansey daw pala, haha sorry, nagugutom ako eh,” sagot ni Jo.
Wala pa ba siya kumain? “Ah, Nicole?..” tapos naalala ko na.
“That girl was supposed to be Caleb’s fiancé since they were in an arranged marriage before,” pagpapaliwanag ko.
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...