Fraud 9 : Tampuhan

680 39 20
                                    

*Katahimikan*

*Purong katahimikan*

Ang maririnig mo lang ay ang tunog ng mga kubyertos na nagbabanggaan sa isa't-isa at sa plato.

Bakit?

Hindi ba galit ako kai mokong? Edi syempre hindi ko siya kakausapin.

Nag 'hi' naman siya nung pagkababa niya eh, kaso inisnab ko lang siya at sinimangutan. BV talaga kasi ako eh!

Buset na bastos na unggoy! Ansarap kalbuhin at dukutin ang mga mata!

Kaso hindi pwede kasi pag ito nadedoks makakabayad pa ako, tapos hindi pa ako mababayaran. Edi double dead ang abot ko nito!

"Jo?"

Hindi ko parin siya pinansin at patuloy parin ako sa pagkain, eh ansarap rin ng pagkaen eh = w=~

STEAK!! :q Hmmmmm~ gusto niyo? Hablutin niyo! HAHA!

"Jo sagutin mo naman ako oh?" pagmamakaawa niya, binitawan niya ang mga kubyertos niya kahit mukhang di pa siya tapos.

"Bakit? Nanliligaw ka ba?" malamig kong sabi.

"Hindi..." tapos medyo ngumiti siya, "Kahit papa ano nagsasalita ka na..."

Hindi ko siya pwedeng patayin o i-massacre, pero pwede akong---

"Ayoko na," pasimple kong sabi habang sumandal sa upuan ko.

"Ah, sige ipapaligpit ko na tong---"

"Hindi yun, ayoko na!" tumindig ako sa mesa, "AYOKO NANG MAGTRABAHO PARA SAYO! MAGHANAP KA NA NG IBA!" tumalikod na ako at nagsimulang maglakad tapos may humablot sa akin at kiniliti ako.

"AHAHAHA!!!" sa sobrang kiliti na nararamdaman ko ay naluluha na ako at napa upo sa sahig.

Tapos tumigil nalang siya pero hindi niya ako pinapakawalan, "Sorry," mai parang sinabi siya.

"Hah?"

"Sorry,"

Hindi ako sumagot tapos pinaharap niya ako sa kanya, "Jo sorry na oh, please wag ka umalis..." parang desperado talaga siya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Alam mo ba kung bakit ako nagalit?"

Medyo nalungkot mukha niya, "Oo, kasi ang hot, hot ko..."

Binatukan ko siya, "Ulol! Bitawan mo ako! Mageempake na ako!"

Napatawa siya, "Hinde, kasi ambastos ko,"

Tumango ako.

"Sorry na Jo, please forgive me?" nagpuppy dog eyes siya. Aba! Marunong rin pala tong mokong na to ah!

"Aba, namangha ako sayo, hindi ka rin pala ganun ka tanga mokong ah?"

Nakita ko ang insulto sa mukha niya at ngumuso siya, "Anong sabi mo?!"

Tumindig ako, "Sabi ko tanga ka!" at nilabas ko ang dila ko.

"Pwe!! Panget!" naasar niyang sabi.

Napangiti ako, balik nanaman sa dati, haaaay.

"Sino ba ang nahuli papasok sa bahay kanina?" ngumiti ako ng nakakaloko.

"Para kang bata!" tinuro niya ako habang nakasimangot.

"Nagsalita ang hindi" tinawanan ko naman siya.

Nakakatuwa, andali niya rin mapikon, baka nakakatuwa kung maging kapatid ko to.

Tumindig na rin siya, "Hay nako, matulog ka na nga, maaga pa tayo bukas"

"Hah? Baket?" nagtataka kong tanong.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ah! Yung game! Hehe, pasensya na, ulyanin eh," kinamot ko ang batok ko.

"Tsss, mag Memo Plus Gold ka nga!" sabi niya habang tinulungan niya akong tumindig.

"Kuya Kim istatue?" natatawa kong sabi.

"Pwe!" sumimangot siya at tumawa na talaga ako.

"O nga pala, marami ka namang pwede ipalit sa akin ah? Bakit ayaw mo akong umalis?" sabi ko.

Tumingin siya na parang natulala na nagulat tapos parang mapula pula ang pisngi niya, ah baka dahil sa lamig, "Kasi...." lumapit siya tapos hinalikan ako sa cheeks bigla tapos kumaripas ng takbo papunta sa kwarto niya sa taas, "Goodnight Jo!" tapos pabagsak niyang sinara ang pinto niya.

Nanatili naman akong nakatayo dun at nakatulala...

HInalekan neya akee...

Ano ba tong nararamdaman ko? Parang iniipit tiyan ko at medyo nahirapan ako huminga...

Hindi kaya? ----

Konsesnya: Mahal mo siya?

Agad? -.- Sasabihin ko sanang ...

Umiba ang pakiramdam ko dahil may naiisip akong kakaiba na parang sinuntok ako at ginising ako.

HINALIKAN NIYA AKO SA PISNGI NA ALAM NAMAN NIYANG BAKLA AKO!

Hindi kaya? BAKLA TALAGA SIYA?!

******************************************************

A/N:

Okay .... I am speechless O.O hehe XD you guys do the talking :D

Pero... bakla nga ba si Caleb?

Eh kayo? ;))

Oh and here's the pic of the steak they ate :q

TILL THE NEXT UPDATE!! :))

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon