(Kanina)...
"Paabot nga nung popcorn mokong," sabi ko sa kanya habang nakatunganga ako sa plasma tv niya. Nanonood kami ngayon ng Frozen, hehe ang kyut ni Olaf.
"Oh hayan isaksak mo sa tiyan mo panget," inabot niya sa akin yung bowl na medyo naiirita na bata.
Tinawanan ko nalang siya at kumain.
Ansarap na ng puwesto ko dito sa sofa, nakapatong yung paa ko sa nakaharap na china table sa amin.
"Haayy," ng kung sa hindi alam na dahilan ay pinatong ni mokong yung dalawang gorilla weighted niya na mga paa sa akin. Shets, ang bigat kaya Q _Q.
Sinubukan kong alisin ang mga paa ko pero masyado lang talagang mabigat yung kanya >_>
"Hoy alisin mo kaya yang mga ala higante mong mga paa, ambigat kaya!" sabi ko sa kanya na nakasimangot.
Pero parang wala siya narinig dahil patuloy lang siya sa pagtutok sa tv.
Abap!
Binatuhan ko siya ng popcorn at saka na siya tumingin habang nag belat ako sa kanya.
"Hoy wag mo kaya sayangin ang pagkain," sabi niya, para siyang si papa -_-
"Di ko naman pera," ngiti ko sa kanya at binatuhan ko siya uli ng dalawa pa.
"Aba!" tinanggal niya yung mga paa niya at umupo siya ng maayos.
"Yess!" sabi ko pero agad naman niya akong tinulak pahiga ng sofa at kiniliti ako.
"Hoy! AHAHAHA! Bitawan mo AHAHA ako! Tama naa! AHAHA!!" sabi ko habang humahagikgik ako sa tawa.
"Ano ako? Timang? Paparusahan kita dahil sa ginawa mo!" tumawa siya ng masama at mas kiniliti pa ako.
"I'm here!" bumukas ang pintuan ng pabigla at napalingon kami ni mokong sa pinto.
Konsensya: Malamang, hindi naman pwede pumasok yung tao sa dingding diba?
Hay nako, PMS?
Konsensya: Che! Ikaw ah naglalambingan kayo ;)
Lambingan?! Eh halos patayin na niya ako!
Konsensya: Ano to? Chapter 31 na at denial ka parin?! Ano ba naman yan!
Anong denial eh sa hindi ko nga siya gusto diba? =_= Pushy ka rin ah!
Konsensya: Ewan ko sa inyong dalawa!
=_= Pshh...
"Oh, did I come in a bad time?" nakangiti ng nakakaloko yung mama sa pintuan, medyo matanda na tignan.
Saka ko lang rin natandaan yung posisyon naming, pero mukhang pati si mokong nanigas sa gulat pero nakita ko na medyo pumupula yung pisngi niya.
"Dad?!" sabi niya na medyo gulat parin.
"DAD?!" sigaw ko naman, tatay ni mokong?!
Ano ba yan nakakahiya naman tong first impression niya sa amin!
Natandaan ko pa naman na isa ang tatay niya sa mga kondisyon ni mokong! Patay!
"Dad its not what you think!" pagproprotesta ni mokong.
"Oo nga h-ho! Naglalaro lang ho kami!" dagdag ko.
"Ah, 'naglalaro' nga kayo," masaya namang sabi ng tatay ni mokong. =_= Kung wala lang akong respeto sa matatanda baka kanina ko pa to hinagisan ng popcorn.
"Hello--? Oh?" bigla nalang sumulpot si Kiev sa gilid ng tatay ni mokong at bigla nalang ngumiti ng kakaiba ng nakita niya kami.
Ano bayan? Pati si Kiev?! Nakakahiya! >_<
"Ano kailangan mo?" sabi naman ni mokong na mukhang nabad vibes nung nakita niya si Kiev.
"I came to ask if you want to still continue the games for Jo," sabi ni Kiev na medyo natatawa.
"HAH?! Hindi pa ba yan tapos?" tanong ko.
"Nope, it was postponed remember?" kindat sa akin ni Kiev.
"Games? Oh siyempre sasali yang si Caleb ko," masayang sabi ng tatay ni mokong.
Ako lang ba oh may topak tong tatay niya? ._.
"HAH?!" nagtatakang tanong ni mokong.
"O siya, mamaya niyo na ituloy yan pagkatapos ng mga laro," natatawang sabi ng tatay niya at bigla nalang niya ako kinuha at hinila, "Cal, humabol ka, kundi nanakawin ko tong girlfriend mo," sabi niya kay mokong na naiwan doon sa sofa na naculture shock mode parin.
Kawawa naman =w= haha. At teka.. ANONG NANAKAWIN?! Nakakatakot tong tatay ni mokong ah .___.
(Ngayon ...)
"Go Caleb!"
O__-
"Whoo-hoo!"
-__-
Hindi po ako yung sumisigaw na tralala na parang sira ulo na fan ni mokong ah? Sino?
"Go anak!"
Walang iba kundi ang kanyang isip bata na tatay. =_=
Akalain mo bang may topak to? Matanong nga mamaya kay mokong at baka nauntog nito ang ulo nito, kawawa naman kung ganoon.
Konsesnya: For the first time in forever, agree ako sayo ...
O diba? =__=
Pero mas okay na siguro to kaysa sa yung strict na tatay. Base kasi sa kwento ng tatay niya parang ang professional pakinggan eh. Ewan ko lang kung bakit ganito ang kinalabasan eh.
At dahil nga rin sa mga kakaibang nangyari, bumalik ang the Olympic games ni Kiev. Di ko lang alam kung bakit ang tawag nila ditto ay Olympic ..kasi naman >_>
TAKYAN ANG NILALARO NILA EH! >___>
Kakaiba din ang trip nitong si Kiev eh.
Nakaka one hundred five na sina Caleb at Lime.
"Antagal," pabulong ko sa sarili ko.
"So how's my Caleb?" lumingon sa akin yung tatay niya.
Eto na yung kinakatakot ko, nagtatanong na siya!
"Okay naman po, kaso masungit lang po talaga," honesto! Ganyan naman talaga siya eh.
"Ah, why did you love him then?" natanong niya habang tinitignan ako ng grabe.
O_O... "Ewan ko po, tinamaan lang po siguro ako," ewan ko talaga! Hindi ko naman siya gusto eh!
"Wala ka bang nahanap na attracting sa kanya?" tanong niya uli. Ay daig pa si tito boy ng the Buzz?!
"Wala po.. kakaiba lang po talaga yang anak niyo eh," sabi ko naman na medyo kinakabahan.
Huhu T_T
"Hmmmm? I see," sabi niya at ngumiti, tapos tumingin uli kina mokong at Lemon.
"I'll know your secret," parang nagsalita siya.
"Ano po?" tanong ko pero ngumiti lang siya sa akin at umiling.
Ay? Suspense to? O[]O The Conjuring ang peg?!
A/N:
HELLO SA INYONG LAHAT PO! :D
I shall do mah best na matapos ko na ito ngayong summer :D kasi malapit na rin po ako magcollege :/ haaays!!!
O pano ba yan? Nandyan na! Nandyan na ang pinakaka hintay nina Jo at Caleb, ang pagdating ng kanyang father dearest! Eh ano kaya ang mga sorpresa ng mamang ito? :D Hehe~
Hanggang sa susunod na update!
Comment lang po kayo ah? :D
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...