"Nakakabagooooooot!!!!"
Humiga ako sa sahig at ninamnam ang lamig nito, wala rin kasi akong magawa.
Mag-isa ako ngayon dito sa villa ni mokong dahil kailangan niya daw umalis kasi may importante na bagay siyang kailangang gawin.
Binilin niya rin na wag na wag ako umalis sa villa, kaso nakakabagot na eh -.-
Halos limang oras na ako nag-aantay dito!!
Hindi naman ako pwedeng kumain ng kumain kasi baka tumaba ako...
Hindi naman ako pwedeng magbabad sa tv kasi baka masira mga mata ko...
Hindi naman ako pwede magbabad sa cr kasi baka mamaya mukha na akong kulubot na gulay...
Wala rin naman akong katext o kung ano pa...
At dahil wala na akong mapagpipilian, eh tumayo ako at binuksan ang pinto at may sumalubong sa akin na ikinagulat ko.
O______O (ako po yan)
*pikit sandali*
*bukas ang mata*
*nganga*
Bakit may baboy na dumaan sa harapan ko? Ano to? Bukid? Akala ko ba country clubhouse to? -.-
Naman, nagkibit balikat nalang ako at sinara ang pinto sa likod ko.
Napagdesisyunan kong maglakad lakad sa paligid at nagmuni muni.
Napaisip tuloy ako bigla, parang ang imposible naman nung nangyari kagabi, parang panaginip.
Kasi HALOS buong gabi magkasundo kami, tapos lagi siyang ngumingiti.
Ako naman parang bumabaluktot ang tyan ko, hindi naman ako pwede maging buntis diba? Kaya akala ko nagka-empacho ako. Sinubukan kong umutot nun kaso wala naman. Sadyang kakaiba lang ang tyan ko.
Nagkakulitan rin kami at gaya ng dating gawi, eh nagkakaasaran rin kami.
Nakakainis lang kasi talaga si mokong, yung parang inis na nararamdaman ko pag andyan si kuya. Makulit kasi at feeling gwapo na ang hilig mang asar.
Sino mai kuya na ganito? Diba ansarap ipakain sa kanya yung kahanginan niya?
Pero masaya rin magka kuya ah!! Kasi may resbak ka, meron ka pang kakampi, at merong kang kasama gumawa ng mga kalokohan.
"Oof!" napa atras ako dahil nabangga ako sa isang malambot na matigas na ewan na bagay, pagka ayos ko sa sarili ko napansin ko na may nabangga ako na lalaki.
Matangkad, ubod ng itim ang buhok, rosy cheeks, ubod ng pula ang labi, sobrang puti, yung parang lalake na bersyon ni Snow White O_O
Nakatulala siya sa akin na parang nagulat at tinamaan siya ng kidlat.
O kaya yung gulat na naka kita ng multo.
Gulat na parang hinoldap ko siya.
Gulat na parang nakakita siya ng alien.
O kaya nagulat kasi nakakita siya ng isang sobrang panget na nilalang.
Pero syempre dahil nakasanayan. Kapag ang isang tao'y may maling nagawa eh dapat humingi ka ng kapatawaran.
Kaya tumakbo ako papalayo!!!! Iba kasi yung sa sitwasyon ko kaya kumaripas nalang ako ng takbo. Ano gagawin ko?! Kinabahan ako bigla kaya ayun. Nauna ang takot eh -.-
Hehe, nasa isipan ko lang naman yun eh~
Mabait kaya ako ^^V
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...