"Ano?! Ate mo pala ang ikakasal sa kuya ko?" andito ako ngayon sa sala kausap si Lin. Dumating lang siya kani-kanina lang at ibinalita sa akin kung sino ang papakasalan ni kuya. Yung ate niya pala!
At sa susunod na na linggo ipapakasal tong sina kuya! Late naman kasi tong si Mike mambalita eh! Pero sabi rin ni mama mas maayos na yung ganito. Wala naman daw ako masyadong magagawa =_= Oh diba? I have a very nice family.
Pero matagal-tagal na rin kami hindi nagkita ni Lin buhat nung pinagbantaan siya ni Lime. Pero nagte-text o kaya tumatawag naman kami sa isa't-isa.
Ngumiti siya, "Oo nga eh, my, what are the chances," mahinhin niyang tawa. Sobrang babae nga tignan kumilos tong si Lin. Eh paano nga naman ba, anak mayaman nga diba?
Tumawa rin ako, "Nagtataka ako, ano naman kaya nagustuhan ng ate mo sa kuya ko?" pa turo-turo ko sa kwarto ng kuya ko. Mamaya pa raw kasi dadating yung ate niya.
"Hate at first sight daw sabi ni ate," tumawa ulit si Lin, "Sabi niya ayaw na ayaw niya sa kuya mo dahil sa ugali niya."
Hate at first sight? Si mokong tuloy naalala ko. Hate at first sight ako dun noh!
Nakitawa rin ako, "Maski ako nga, sarili niyang kapatid eh ayaw na ayaw sa kanya! Asungot kaya yun!"
Tumango si Lin, "Pero naman, nagustuhan rin siya ni ate. At akalain mo si ate pa ang unang umamin?"
Hehe, ayos, mai iba-blackmail na ako kay kuya, hehehe, "Talaga? Tapos?" nagiging interesado tuloy ako.
Ngumit si Lin dahil sa pinakitang kong interes, "Yun pala, nagustuhan na rin siya nung kuya mo... kaso nga patuloy pa rin daw ang pag-aasar niya sa ate ko. Tapos nung umamin si ate tinawanan lang daw siya ng kuya mo."
Kumunot ang mga kilay ko, "Ano?!"
Napatawa uli si Lin, "Pero humingi ng sorry ang kuya mo, doon sa paging system ng mall. Muntik na siyang arestohin eh, buti nalang naagapan ni ate."
Napatahimik ako sa pagmamangha, ayos rin pala to si kuya anoh? Teka alam ba to ni mama at papa?
Mukhang nabasa ni Lin ang iniisip ko kasi tumawa siya at pabulong na sinabi, "'Wag kang maingay. Sekreto lang natin yang magkakapatid."
Tumango naman ako. Ah, hehe, may isa pa akong ibla-blackmail kay kuya, hoho.
Konsensya: Ibang klase ka rin anoh? Masaya na nga yung tao iba-iblackmail mo pa?
Ganyan talaga ang magkakapatid. You won't unnershtann~
Konsensya: Heler may konsensya rin kaya kuya mo, so logically kapatid ko yun!
Abah, mai 'logically', 'logically' ka nang alam ah!
Konsensya: Syempre! Maraming salamat Guugle!
High-tech kang bakla ka!
"O nga pala Lin, hindi mo sana masasamain kung magtatanong ako. Tska okay lang kung hindi mo naman sagutin eh!" nanenerbyos kong sabi. Magtatanong ako kung ano ba ang plano niya kay papa Kiev este Kiev.
Konsensya: Landee. Hala ka andyan pa naman ang babaeng nagmamahal sa kanya. Jo mang-aagaw ka!!!
Agad?! Tska pwede ba, Bros before does!
"Ah si Hyphen ba?" ngumiti ng mapait si Lin, at tska tinawag niya si Kiev sa apelyedo niya! Masama to!
Pero tumango nalang ako. Sasagarin ko na ang pagiging chismosa ko! Bahala na si Dyesebel!
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...